Author’s POV NAGING matagumpay naman ang management camp ng COM. Kasalukuyang pabalik na ang mga estudyante at ilang Instructors mula sa camp. “Hey, just wondering, saan ka nagpunta kahapon? At bakit sira na ‘yong suot mo?” si Meghan. As usual magkatabi na naman sila ni Maxine. Hindi magkahiwalay ang mga ito bagamat hindi naman malapit sa isa’t-isa. “Namasyal nga ako. Ilang beses mo nang itinanong kahapon ‘yan. Ilang beses ka ba e-ni-re,” ani Maxine. Hindi na ito nag-abalang taponan ng sulyap ang katabi. “Hah! You’re hiding something, I knew it,” hindi kumbinsidong turan ni Meghan. “Guni-guni mo lang ‘yon.” Sumandal si Maxine sa upuan at nagpasyang umidlip. “Hindi---.” “Shhh! Matutulog ako,” agaw pa ng dalaga sa sasabihin ni Meghan. Alam niya kasing hihirit na naman ito. “I hate

