C H A P T E R 8

1589 Words
Maxine’s POV “PARTICIPANTS, wala nang lalabas ng tent. Matulog na ang lahat dahil maaga pa tayo bukas,” anang tinig mula sa megaphone, si Miss Gillany. Alas Syete pasado na ng gabi kaya bawal nang lumabas ng tent. Pariho kaming nakatalukbong ni Meghan sa kumot dahil sa lamig. Nakasuot ako ng damit na may mahabang manggas pero ramdam ko pa rin ang lamig na nanunuot sa aking katawan. “Maxine,” sambit ni Meghan sa mahinang tinig. Nakatalikod ako rito. Masyadong tahimik ang paligid, tanging mga huni ng ibon at ibat-ibang uri ng insekto lang ang maririnig. “Hemmm,” ungol ko bilang tugon. Nakapikit ako. “Totoo kaya ‘yong sinabi ni Ma’am?” tanong nito ms tinutukoy ang sinabi ni Miss Macalisang kanina. Hindi ako nag-abalang lingonin si Meghan. Nanatili akong nakatalikod. Inaantok na ako. “Siguro.” Napaigtad ako dahil sa gulat nang bigla itong sumiksik sa likod ko. “Hindi kaya meron dito no’n?” bulong na tanong uli nito. Masyado siyang exaggerated. Hindi ba niya narinig ang sinabi ni Ma’am? Sa Europe. “Walang gano’n dito. At saka matulog ka na. Maaga pa tayo bukas.” “Bakit ka ba nakatalikod? Humarap ka nga.” “A-yo-ko.” tanggi ko sa mabagal na pananalita. “Naglalaway ako kapag natutulog.” Sukat sa sinabi ko ay hinampas ako ni Meghan sa likod, mahina lang naman. “Ewww, kadiri ka talaga Maxine. Para kang hindi babae.” Lihim akong napangiti sa biro ko. Masyado itong makulit. “Night Meghan,” bulong ko. Tuluyan na akong nilamon ng antok. DAHAN-DAHAN ang ginawa kong pag-bangon upang hindi makagawa ng ingay kinaumagahan, tulog pa si Meghan. Binuksan ko ang tent at lumabas. Napapalibutan ng fug ang buong paligid kaya mas dumoble ang lamig na naramdaman ko. May ilang estudyante na rin ang nagising. Bahagya akong nag-unat ng katawan, medyo masakit kasi ang likod ko dahil na rin siguro sa lamig. Pumikit ako at lumanghap ng sariwang hangin. This is life! Dahan-dahan ang ginawa kong pagdilat nang maramdaman ang isang bagay na dumapo sa tungki ng aking ilong. Napangiti ako nang masilayan ang isang paru-paru. Halos maduling ako sa tingkad ng kulay nito. Ang ganda. “T-teka..” Lumipad ang paru-paru pero hindi naman ito lumayo. Tinangka ko itong hulihin pero bigo ako. Muli ay lumipad ito paitaas pero hindi ito umalis. Umarko ang kilay ko, gusto nitong makipaglaro? “Nanunudyo ka, huh,” ngiti ko habang itinaas ang magkabilang manggas ng aking damit. Hinahamon ako ng bubwet na ‘to. MASYADO akong nalibang sa kasusunod sa paru-paru kaya hindi ko namalayang napalayo na ako sa camp area. Tulala akong nakatayo habang inilibot ang tingin, nagbabakasakaling makita ang daan pabalik. Pero Diyos ko, ni hindi ko matandaan kung saan ako dumaan kanina. Saglit akong natigilan. May naririnig akong ingay mula sa ‘di kalayuan, palahaw ng isang hayop na animo'y hinahabol nang kung ano o nang kung sino. Kinakabahang napaatras ako. Habang tumatagal ay papalakas nang papalakas ang tinig at kasabay rin no’n ay mga yabag na animo’y tumatakbo. Gano’n na lang ang gulat ko nang tumambad sa paningin ang tumatakbong baboy ramo papunta sa aking direksyon. Bunsod ng takot ay kumaripas ako ng takbo, panay ang sigaw, nag-babakasakaling may makarinig sa akin at matulungan ako. Pero kahit yata mamaos ako sa kasisigaw walang makakarinig sa akin. Hindi ko rin alam kung saang parte na ako ng gubat. Subalit ang takot na iyon ay mas lalo pang nadagdagan nang mapagtantong wala na akong matakbuhan. Nasa dulo na ako ng bangin. “Diyos ko,” hikbi ko. Habol ko ang paghinga. Muli akong lumingon sa likoran pero wala na ang baboy ramo. Saan ito nagpunta? **KRAKK** Bigla ay napayuko ako sa lakas ng tunog, huli na para makaiwas. Gumuho ang bahagi ng lupang tinatapakan ko at kasabay no’n ay ang pagbagsak nito kasama ako. “Tulonggggggggg!” sigaw ko. Hindi ako tuluyang nahulog dahil sa sumabit ang damit ko sa sangang nakatirik sa gilid ng pampang. “Tulungan niyo akoooooooo!” Walang tao. Walang makakarinig. “Diyos ko, ayokong mamatay nang ganito.” Hindi ko mapigalan ang mapahagulhol sa takot. Wala akong makita sa ilalim ng aking mga paa. Tanging matutulis na mga bato na pwede kong ikamatay kapag nahulog ako. Batid kong unti-unti nang napupunit ang aking suot. Unti-unti na rin akong nakakaramdam nang pangmamanhid ng katawan. “Tulong..” bulong ko sa kabila ng kawalan ng pag-asang makakaligtas pa ako. Napapikit ako, at hinihintay na lamang ang aking pagbagsak. Paano na si Nanay? Hindi ko na matutupad ang pangarap kong mabigyan ito ng magandang buhay. Tumunog ang sanga, nagbabadyang anumang oras ay mahuhulog na ako. Pero laking gulat ko nang unti-unti akong umangat paitaas. Muli akong napahikbi nang dumilat. Sa wakas may nakarinig sa akin, may tao. “Hold on,” anang baritonong boses mula sa itaas. At ilang sandali pa'y wala akong kahirap-hirap na hinatak paitaas. Hanggang sa maramdaman ko ang matigas na bagay sa ilalim ng aking mga paa. Ligtas na ako. “S-salamat!” hagulhol ko sabay yakap sa taong nasa harap. Ni hindi na ako nag-abalang tingnan ang mukha nito bunsod nang magkahalong takot at sayang naramdaman ko. “Balak mo bang gawing panyo ‘yang dibdib ko..?" Agad akong tumigil sa pag-iyak. Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng aking noo bagamat nanatili pa rin akong nakayakap sa lalaki. Pagkaraan ay narinig ko ang mahinang pagtawa nito. “Having fun?” may himig panunudyo pang tanong nito. Nag-angat ako ng tingin. “I-ikaw??” bulalas ko sa mahinang tinig. ___ Lucas’s POV SURPRISE registered on her face as she lifted her head at me. She even gave me the look as if asking how did I get here. “I-ikaw?” I stared at her. Napunit ang damit nito dahilan para makita ko ang dibdib nito na tinatakpan ng kakapiranggot na tilang kulay rosas. “Silly, how did you get here?” I burst before she could ask, trying to ignore what I have seen. She looked away but remained silence, seeming she doesn't want to tell. “Hey, didn’t you hear me?” “Ku-kuwan.. k-kasi..” I sighed. Siguro naman hindi ito mapupunta rito nang wala lang. “Say it.” I commanded. Nagkamot ito ng ulo na parang nag-aalangan pang magsalita. “S-sinundan ko kasi ‘yong paru-paru kanina.. hindi ko---.” “What?!” bulalas ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig. “You almost lost your life just for that damn butterfly?” May sira yata sa ulo ang babaeng ‘to. “Hindi ka ba nag-iisip o talagang wala ka no’n?!” I uttered almost yelling. I couldn’t hide the irritation in my voice. D*nm! I sacrificed my breakfast just to save this idiot infront of me. Just ughhh! Bigla itong sumimangot. “Alam kong utang ko sayo ang buhay ko, pero hindi naman ibig sabihin no’n pwede mo na akong pagsalitaan nang hindi maganda,” she said, sobbing. Kinonsensya pa ako. “Dapat lang ‘yan para magtanda ka. Wala ka sa playground.” She took a deep breath, as if trying to calm down herself. Her eyes flashed---with anger. “Sorry,” anitong marahas na pinahid ang mga luha sa mata. “Sorry kung naabala kita. At salamat ulit.” I know it’s not genuine. Nilagpasan ako nito. Ewan, pero nagi-guilty ako habang pinagmamasadan ang likod nito. Bigla itong huminto pero hindi naman lumingon. Natawa ako. Hindi nito alam ang daan I guess. To my surprise, my feet automatically stepped towards her direction. Nagtataka naman itong tumitig sa akin nang huminto ako sa kaniyang harapan. “I'm sorry,” hinging paumanhin ko. Binuhat ko ito bago pa man ito makapagreklamo. “T-teka, anong ginagawa mo? Ibaba mo nga ako.” “Don’t worry. Mabilis lang ‘to,” nakangiting tugon ko na ikinapula ng mukha nito. Nagsimula na akong umakyat sa puno at nagpatalon-talon. “Paano kang nakaakyat nang walang kahirap-hirap?!” she stormed hysterically. Hindi ko ito sinagot. Sa mga puno ko mas piniling dumaan upang mapabilis kami. Alam kong hindi ko dapat ginawa ‘to. Pero panatag naman ako. Alam kong hindi na kami magkikita uli. So she won't definitely know my SECRET. I could feel her trembling body towards mine. She must be scared. I pulled her closer and hugged her tight. Mas binilisan ko rin ang takbo at pagtalon-talon sa mga puno. Makalipas ang ilang sandali ay natanaw ko na ang mga nakatirik na tent. Dito na marahil ‘yon. Nagpasya akong ibaba ang sa ‘di kalayuan. “We’re here,” usal ko at maingat itong ibinaba. She slowly opened her eyes and passed them around. Lumiwanag ang ekspresyon ng mukha nito nang matanaw ang ibang kasamahan. “S-salamat ulit,” sabi nitong mababakas ang pagkalito sa mukha. Ngiti lang ang isinagot ko. Alam kong marami itong gustong itanong. “I gotta go. Huwag mo na uling gawing playground ang gubat.” Tumalikod ako at nagsimula nang maglakad palayo. “T-teka..” Nilingon ko ito. Medyo nahihiya pa itong ngumiti. “Anong pangalan mo..?” Hindi ako makapaniwalang nakalimutan nito ang pangalan ko. Pambihira. “Lucas,” I answered. “Keinth Lucas Harrison.” “Salamat uli.” Ngumiti ito at iniyuko ang ulo. “Makakabayad din ako sayo balang araw.” Hindi ako nagsalita. Alam kong hindi na ulit kami magkikita, at wala nang dahilan para magkrus pa ang mga landas namin. Magkasabay kaming tumalikod sa isa’t-isa. Dunno, pero hindi ko mapigilan ang pagsilay ng munting ngiti sa mga labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD