Still, Maxine's POV
MATAPOS ang sampung minutong break ay kinailangan na naming bumalik sa bulwagan. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan kami nagtitipon lahat.
“Okay participants, fall in line by course,” anunsyo ni Miss Gillany. Sumunod naman ang lahat.
“Sit on the ground,” utos na naman nito. Nakahilera kaming umupo sa berdeng lupa.
“Maxine, tingnan mo,” bulong ni Meghan mula sa likod ko. Kasunod ko itong nakaupo.
Sinundan ko ng tingin ang inginuso nito at nahuli kong nakatingin sa direksyon namin si Hevo. Sila ang unang line since higher degree sila at next line naman kami. Medyo nahihiya pa itong ngumiti at pasimpleng kumaway.
“Mukhang type ka no’n, ah,” tukso ni Meghan.
Umiling ako. “Mali ka. Mabait lang siya sa ‘kin..”
“I don't think so ” Nagkibit ito ng balikat. “Pupusta ako.”
“Bahala ka nga,” iling ko na lang.
Umayos kami nang pagkakaupo nang um-echo ang mic.
“Good morning students!” bati ng bagong dating na Instructor. “I will be your first speaker for this morning. By the way, I am Belsie Macalisang but you can call me, Ma’am Bellz.”
Mukha namang mabait.
“Actually, kararating ko lang galing Europe for my research yesterday. I thought hindi na ako makakasunod dahil sa may jet lag pa ako, but thanks to God, I made it to be here today with you guys.”
Ilang sandali pa ay nagsimula na itong magdiscuss.
Blah, blah, blah!
Napahikab ako. Ewan, pero ito talaga ang best sleeping pills ng mga estudyanteng tamad makinig, ‘The discussion’.
Nag-angat ako ng mukha nang maramdaman ang bagay na tumama sa aking ulo bagamat hindi naman iyon masakit. Isang nilamokos na mga dahon ang nakita ko. Lumingon ako kay Meghan sa likoran.
“What?”
“Ikaw, wala kang patawad noh, pwedeng pass muna ‘yang pambabato mo. Wala tayo sa school.” nguso ko kay Meghan.
“Hindi ako.” Umiling na tanggi nito at ngumuso sa direksyon ni Hevo kaya napasunod ako. Nakangisi ang huli na sumenyas pang huwag daw akong matulog.
“See? He likes you,” bulong ni Meghan.
Ibinalik ko ang atensyon kay Ma’am, hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Meghan.
“Okay students, that's the end of our discussion.”
Para namang nabuhayan ang lahat mula sa pagkakaantok sa narinig.
Salamat naman. Makakakain na rin kami. Kanina pa ako gutom!
“May tanong?” tanong ni Miss Macalisang.
Walang nagsalita, tila ba gutom na ang lahat.
“Okay, bago tayo magtapos ako na lang ang magtatanong.”
Waaaaaaaaaaaaa!
“Does anyone here familiar of a gray wolf?”
May iilan ang nagtaas ng kamay.
Ako, hindi. Malay ko sa iba’t-ibang lahi niyan.
“Great. Actually, that’s my research study all about since I’m fond of wildlife species.”
Dumaaan ang ilang sandaling katahinikan bago muling nagsalita si Ma'am.
“But do you guys believe in the existence of human wolves?”
-_- Mukha namin.
Mukhang si Ma’am yata ang gutom. Syempre naman walang gano’n. Sa movie lang sila nag-i-exist.
Natawang bigla si Ma'am sa naging reaksyon namin, pero agad ding sumeryuso.
“I know what you're thinking. But believe it or not.. they do exist.” May kinuha itong kung ano mula sa bag, isang flash-drive. “Lemme show you something. This one caught my attention no’ng nasa travel ako.”
Sobrang tahimik. Tila nako-curious ang lahat.
“But this hasn't something to do with our topic a while ago of course. Gusto ko lang i-share sa inyo ang mga nakita ko.”
Wala pa ring nagsalita at nakatunghay lang kami sa puting tela kung saan nakatotok ang projector. Parang naging interesado ang lahat na makita ang sinasabi ni Ma’am.
“This picture was captured when I traveled somewhere in central Europe,” anito sa larawang ipinakita sa screen. Kuha iyon ng isang babaeng may malalaking kalmot sa mukha at bahaging dibdib habang nasa loob ng sasakyan. May mga bakas din ng kiskis mula sa kuko marahil ang kotse na animo'y gawa ng isang hindi pangkaraniwang hayop. Sa paligid niyon ay mga taong nakiusyoso.
“The woman was not alone. She's with her kid and husband when the incident happened,” pagpapatuloy ni Ma’am at ipinakita ang sumunod na litrato. Tumambad ang isang lalaking hindi kalayuan mula sa sasakyan, wakwak ang dibdib, at wala na ang pang-ibabang parte ng katawan nito.
Yumuko ako. Hindi ko kayang makita ang larawan, pakiramdam ko babaliktad ang sikmura ko.
“Excuse me.” Tinig iyon ni Hevo.
“Yes, Mr.?”
“Hevo Fontanella.” pakilala ng huli. “You’ve mentioned that she was with her husband and kid. Nasan po ‘yong bata?”
“Nasa pangangalaga ngayon ng isang hospital sa central Europe ang bata. Pinalad siyang makaligtas.”
“At paano po nalamang human wolf nga po ang gumawa no’n?” segunda rin ni Miss Beatriz. “Baka naman po ibang hayop.”
“Ayon na rin mismo sa bata. Nakita niya kung paano naging halimaw ang kausap ng Daddy niya.”
Nakakatakot.
“Mukhang nadala kayo sa kwento ni Ma’am, ah,” untag ni Miss Gillany. “Okay participants, tumayo na at pumila para sa pananghalian maliban do’n sa mga nakasali sa punishment.”
“Thank you guys for listening,” pahabol na singit ni Miss Macalisang. “See you on my class next week. Itutuloy natin ang kwento.”
___
Lucas's POV
FROM the backside of the palace, I passed through the wall and went straight to the balcony on the third storey where my room is. It’s past Two in the afternoon. I had fun strolling that I wasn't aware of the time.
I formed a smile as I took off my t-shirt. That woman's face reaction amused me. I don't know what made me help them find for food. It just that I had to do something when I heard them talking about it. Weird.
But darn, hindi ko inasahan ang ginawa nila.
Maghubad ba naman sa harap ko.
Of course I was there.
Suddenly, I felt a little bit fever down on my belly reminiscing the scene a while ago. Shaking my head, I decided to take a shower.
BUMABA ako pagkatapos maligo. Nakasalubong ko si manang Ebeth sa hagdan.
“Magandang hapon, Sir,” bati nito.
Ngumiti ako bilang tugon.
Si manang Ebeth ay kasambahay na namin mula no’ng nag-migrate kami rito. And believe or not.. alam nito ang sekreto namin. Pero mabait si manang at mapagkakatiwalaan.
“Igagawa ko po ba kayo ng cabbage salad?” tanong ni manang. Alam nitong iyon ang paborito ko.
“Ako na.”
NAGTULOY-TULOY ako sa kusina. Nakaramdaman ako ng gutom at gusto kong kumain ng cabbage salad. Weird, pero ako lang yata ang CANIS na vegetarian.
Inilabas ko ang repolyo mula sa refrigerator at ang iba pang sangkap na gagamitin.
“Cabbage salad again?”
Tumigil ako sa paghiwa ng repolyo at nag-angat ng tingin. It was my sister, kapapasok lang nito sa kusina.
“Hindi kaya maporga ka niyan, baby brother?” natatawang tanong nito.
“Tigilan mo ‘ko.”
“Fine.”
“Alam mo bang nakita ko siya uli.” I uttered without giving her a glimpse.
“Who?”
“‘Yong babae sa grocery store.”
“Tapos?” I heard her hissed under her breath. From the corner of my eye, I saw her coming closer and watched me.
“Wala. Naaaliw lang ako sa kaniya.”
“Forget about her. Masasaktan ka lang.”
Umarko ang isang kilay ko. “Wala akong sinabi.”
“Doon din pupunta ‘yon.” she insisted.
I sighed in dismay. Alam ko namang hindi pwede. But jez, wala naman akong sinabing gusto ko ang babaeng ‘yon. Ang sinabi ko lang naaaliw ako. Mahirap bang intindihin ‘yon? And why am I explaining anyway?
May inilapag si Ate, isang diyaryo.
“Umatake na naman sila.”
[Family attacked by a BEAST]
Iyon ang nakasulat sa pahina.
“Nabasa ko na ‘yan," tugon ko habang abala sa ginagawa. Nangyari ang pag-atake somewhere in central Europe.
“Malapit na ang birth-day mo.”
Huminto ako sa ginagawa at muling tiningnan si Ate.
“Lourine, hindi ba tayo pwedeng mamuhay ng normal?” I snarled, hindi ko maitago ang inis sa tinig ko. “Can we just forget the other CANIS and even that old hag for good?” Asar na inilapag ko ang hawak na kutsilyo. “Can't believe you ruined my day.”
Tuluyan na akong tumigil sa ginagawa at iniwang mag-isa si Ate sa kusina. Aburidong pumanhik ako uli sa silid ko.
Hindi ako natutuwang naging ganito ako.
And for HEAVEN’ sake gusto kong isumpa ang pinagmulan ko!