Lucas's POV
MARAHAN kong tinapik ang pisngi ng babaeng nasa harapan ko. Hindi ko naman intensyong takotin ito kanina, naaaliw lang akong makita ang reaksyon nito. I know I'm different, pero sa kabila no’n may prensipyo pa rin ako, at kasama sa presipyong ‘yon ay ang hindi ko pagtikim ng tao. Ito rin ang dahilan kung bakit napilitan ang mga magulang kong mag-migrate dito sa Pilipinas. Hindi namin kayang sikmurain ni Ate ang ginagawa ng ibang katulad namin, including my Grandfather. I'm not saying my parents don't, pero hanggang’t kaya nilang pigilan, ginagawa nila para sa amin ni Ate.
Dito namin piniling manirahan, sa liblib na kagubatan kung saan malayo sa iba, kung saan malaya naming magagawa ang gusto namin.
“Hey..,” untag ko sa pagitan ng pagtapik sa pisngi ng babae. Nasabit sa baging ang isang paa nito kanina kaya lumubog ito pailalim.
Jez, bakit hindi pa rin siya nagigising?!
“Miss ano ba..!”
She’s still not in conscious. I sighed desperately, looking at her face.
“You left me no choice..” I murmured. I slowly down my face onto hers.
Konting-konti na lang.
..nang bigla nitong iminulat ang mga mata. Halos lumuwa ang mga ‘yon nang mapagtantong gadangkal na lang ang pagitan ng mukha ko sa kaniya.
Wala naman akong gagawin eh, bibigyan ko lang siya ng CPR.
“Bastossss!” tili nito sabay tulak sa akin. Napalakas iyon kaya nahulog ako sa tubig.
Argh! naman!
“What the hell is wrong with you?!” inis na tanong ko. Takti, nakainom pa ako ng tubig.
“Arogante na bastos pa!” nanggagalaiti ring sigaw nito. “Balak mo ‘kong manyakin?”
I dunno whether to laugh or get annoyed with what I’ve heard.
“Hoy, uhm what’s your name again? Max---Maxine, right?”
Minsan na nitong binanggit ang pangalan no’n sa grocery store pero hindi ko alam kung tama.
“Hindi kita minamanyak,” I uttered looking at her wet body. “At saka tingnan mo nga, wala namang ipinagkaiba ang likod at hinaharap mo, eh.”
Well, that was lie.
Napatingin ito sa sarili at gano’n na lamang ang panlalaki ng mga mata nito nang makita ang basang katawan. White cotton t-shirt ang suot nito kaya bakat ang suot nitong kulay pulang bra.
“Bastosss!”
Bingit na napapikit ako. Does she has to storm? It's too irritating. She took off her rubber shoe and threw it on me.
“Stop it!” saway ko na sinalo ang sapatos nito.
“Manyak!” Hinubad na naman nito ang kabila at muling ibinato sa ‘kin.
“Kapag hindi ka pa tumigil talagang papatulan na kita.” Nagtitimpi kong sabi. Sinalo ko na naman ang sapatos nito.
“At ano’ng gagawin mo?!”
“I’ll zip your mouth.”
Mas lalong nagsalubong ang kilay ng babae sa sinabi ko.
“Subukan mo nang maghalo ang balat sa tinalupan!”
Hindi ko siya maintindihan.
“Akala mo magtatalon ako sa tuwa kapag ginawa mo ‘yon?!”
Fine, kung hindi siya tinablan sa sinabi ko.
“Hindi porket gwapo ka magkakandarapa na akong mahalikan mo!”
Ang ingay niya. Hindi ba siya titigil?! Rinding-rindi na ako for pete’ sake!
“Kahit pa ikaw na lang ang natiti---.”
“One more word from you at talagang hahalikan na kita,” I warned her, and I mean it.
Nanlaki ang mga mata nitong napatitig sa ‘kin. Wari’y hindi ito makapaniwala sa nakikita. Batid kong gusto nitong magtanong pero bigla na lamang itong natumba. Mabuti na lang at maagap ko itong nasalo. Sa ingay nito, napilitan tuloy akong gamitin ang bilis ko.
“Eh, di tumigil ka rin.”
Marahas kong nilingon ang gawing likoran. I could hear some foot steps coming, hindi nag-iisa ang babae kung gano’n. Maingat ko itong ihiniga sa malaking bato, at agad akong nagkubli sa itaas ng puno.
“Maxine! Nasan ka ba?” sigaw ng isang tinig ng babae.
Tanaw ko mula sa itaas ang babaeng tantiya ko ay kasing edad lang din no'ng nagngangalang Maxine.
“Maxine ano ba---my God, Maxine!” Tarantang tumakbo ang babae papunta sa kinaroroonan ni Maxine.
___
Maxine's POV
“MAXINE!” tawag nang kung sino kasabay ng mahinang pag-yugyog sa aking balikat. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Si Meghan. Ang weird, kailan pa ito natutong mag-aalala sa akin? Kailan pa ito bumait?
“Okay ka lang? May masakit ba sayo?” nag-aalalang tanong nito. “Ba't ba basang-basa ka?”
Umupo ako. Nasan na ‘yong aroganteng ‘yon? Sobrang nagulat talaga ako kanina. Paano siyang nakapunta sa harap ko mula sa tubig nang gano’n kabilis? Hindi ko naman siya nakitang umakyat.
“Hoy, kinakausap kita,” untag sa akin ni Meghan.
“M-may nakita ka bang lalaki rito kanina?”
“Wala. And who’s that guy?”
“Hindi ko rin kilala.”
“Mabuti pa tumayo ka na. Malapit nang maubos ang isang oras. Wala pa tayong nahahanap na pagkain.” Kapagkuwan ay tumayo si Meghan.
Oo nga pala. Nawala sa isip ko ‘yon.
Tumayo ako. Kailangan nga pala naming maghanap ng pagkain kundi nga-nga kami mamaya.
NAGPATULOY kami sa paghahanap ni Meghan. Nakaramdam na rin ako ng ginaw, kanina pa kasi ako basa.
“Maxine look!” bigla ay bulalas ni Meghan. May itinuro ito na kung ano.
Waaaaaaaaaaaa! Pagkainnnnn!
Ewan ko pero para kaming mga temang na nagtatatalon sa tuwa. Parang first time lang makakita ng pagkain.
Kalokahan nga naman ng mga Instructor namin. Parang survivor Philippines lang ‘yong peg? Kapag ako nakagraduate at nakapag-Asawa ng mayaman talagang isusumpa ko ang camp na ‘to!
“Ayan may pananghalian na tayo!” natutuwang wika ni Meghan.
Lumapit kami sa puno kung saan nakalatag sa dahon ng saging ang iba't-ibang klase ng prutas. Naghubad ng pang-itaas si Meghan at tinali ang magkabilang manggas niyon.
“Anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong ko.
“Gumagawa nang mapaglalagyan nito,” tukoy nito sa mga prutas. “Ikaw maghubad ka na rin nang makarami tayo.”
Maghuhubad?
“B-babalik tayo sa camp area nang naka-brazirie lang?”
“So? Ano ka ba, computer age na tayo, huwag kang manang. Sa America nga halos maghubad na ang mga babae do’n.”
Pumaswit ako at ngumuso kay Meghan. “Sa America ‘yon.”
“Maghubad ka na dali..! Hindi naman nila makukuha ‘yan, eh. Hanggang tingin lang ang mga ‘yon. Unless other wise kung may itinatago ka diyan sa katawan mo. May herpes ka?”
“Excuse me?!” nakataas ang isang kilay na bulalas ko. Kahit naman wala akong mamahaling ipinanghihirog sa katawan makinis ang balat ko.
Labag man sa loob ay naghubad ako ng t-shirt. Gusto kong ibalandra sa babaeng ‘to na wala akong BUNI jusmeyo!
“Sexy ka naman pala, eh..” komento ni Meghan na sinipat ang katawan ko. “Infairness, makinis ang balat mo.”
Inirapan ko siya. Dinampot namin isa-isa ang mga prutas at inilagay ‘yon sa t-shirt namin.
"T-teka," usal ni Meghan pagkaraan. Tumigil ito sa pagdampot ng prutas at tumingin sa ‘kin.
“Bakit?” tanong ko. Huminto rin ako at hinarap ito. Tila tinakasan ng kulay ang mukha nito na ipinagtataka ko.
“H-hindi kaya pain ‘to?”
“Ano'ng ibig mong sabihin?”
“Isipin mo nga. Sinong maglalagay niyan dito?”
Napaisip ako sa sinabi nito.
“Hindi kaya may mga cannibal dito!” nahintakutang dagdag pa ni Meghan.
Nagkatitigan kaming dalawa! Tapos---.
“Waaaaaaaaaahhhhh!” magkasabay naming tili habang patuloy pa rin sa pagdampot ng mga prutas.
HALOS nasa camp area ang lahat nang bumalik kami. Bakas sa mukha nang bawat isa ang pagkaaliw at paghanga nang makita kami ni Meghan. Hindi ko nga lang alam kung dahil sa mga prutas na dala namin o dahil sa wala kaming suot na damit.
“They're hot!” rinig kong wika nang kung sino. May mga sumipol pa nga.
Grabe, para akong lutang habang naglalakad sa nagkumpol na mga estudyanteng kasama sa punishment. Si Meghan? Ayon animo’y rumarampa sa isang pageant.
“Good job, the both of you!” komento ni Miss Calupe through microphone. “Kayo lang yatang dalawa ang may pagkarami-raming nadala.”
Umugong ng palakpakan sa buong area. Pero mas lalo yatang umingay nang maglakad si Hevo papunta sa direksyon ko at naghubad ng pang-itaas.
“Wear this. Basang-basa ka, baka magkasakit ka pa.” mahinang wika nito habang isinusuot sa ulo ko ang t-shirt.
“A-ako na,” agaw ko at inilapag ang dala. “S-salamat!”
Ang bango ng t-shirt nito. Mamahalin ‘yong amoy infairness!
“Enough guys!” saway ni Miss Calupe sa naghiyawang estudyante. Uminit tuloy ang mukha ko. “Mr. Fontanella bumalik ka na sa puwesto mo. Acting like a possessive boyfriend, huh!”
Kakamot-kamot naman sa ulo'ng sumunod si Hevo.
Tumingin ako kay Meghan at gano’n na lamang ang panunukso ng mga tingin nito.
“Ano?” nangunot ang noong tanong ko sa mahinang tinig.
“What?” balik tanong nito.
“Anong tingin ‘yan?”
“You're blushing!” tukso na naman nito.
“Okay participants we'll have a ten minutes break. You can go back to your tent now.” dagdag ni Miss Calupe.
NASA loob kami ng tent ni Meghan at kasalukayang nagbibihis.
“Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon. Sino kaya ang naglagay no’n don,” wika ni Meghan. Nagpalit ito ng short.
“Hindi ko rin alam.”
“Wala ka bang nakitang ibang tao do’n?”
Napahinto ako sa ginagawa at nilingon si Meghan.
“Bakit?” tanong nito.
“Wala.”
Wala akong ibang nakita do’n maliban kay arogante.
Hindi kaya..
..Imposible namang tulungan ako ng mayabang na ‘yon!