C H A P T E R 5

1868 Words
Author’s POV SUMAPIT na rin ang araw ng camp nila Maxine. Sincr COM is composed of four courses, isang bus bawat kurso ang ginamit papunta sa location, isa sa pinakaprestihiyosong bundok sa St. Monica kung saan gaganapin ang naturang camp. “Wow..” Namanghang usal ni Maxine nang masilayan ang tanawin mula sa loob ng bus. Binabaybay nila ang daan sa gilid ng bundok papunta sa location area. “Do you see that, Maxine?” manghang tanong din ni Meghan na tinutukoy ang malapalasyong nakatirik sa tuktok ng burol. Magkatabi ang dalawa. “It looks like a palace.” “Malapit na tayo sa location area. Mag-ready na kayo. I think ten minutes na lang.” pahayag ni Miss Gillany. “Excuse me, Ma’am!” singit ni Meghan’ng itinaas pa ang kaliwang kamay. “Yes, Miss Bodegas?” “Ano po iyong banda roon..? Mukha kasi siyang palasyo.” Lahat ng estudyante ay napatingin sa direksyong itinuro ni Meghan. “Pag-aari ‘yan ng pamilyang Harrison, pinakamayamang angkan dito sa St. Monica.” Tumango-tango naman ang mga estudyante na manghang-mangha sa nakikita. “Parang nakakatakot namang tumira diyan.” wala sa sariling wika ni Maxine. “Bibihirang makita ang mga ‘yan. Actually, wala pang nakakakita sa kanila in person. Madalang kasi silang bumaba.” dagdag pa ng Instructor. “Siguro pangit ang mga ‘yan kasi takot makihalubilo,” kontra ni Meghan. Nagtawan naman ang lahat sa sinabi nito. “Nakita ko na sila minsan sa isang magazine, at hindi niyo aakalaing may nagtatagong gano’n kaganda at kagwapong nilalang dito sa bayan natin,” salungat ng Instructor. “Baka naman photogenic lang,” hirit pa rin ni Meghan. Minsan pa ay umugong ng tawanan sa loob ng sasakyan. “Silence please,” saway ng Instructor na tumingin pa sa auot na relo. “I think we're here.” Ilang sandali pa ay huminto na ang sinasakyan nilang bus, gano’n din ang ibang bus na kasunod nila, pati ‘yong mga private vehicles na sakay ang ilang Instructors. ___ Maxine's POV NAKAKAMANGHA talaga ang tanawin mula rito sa bundok, nakakagaan ng loob. Buti na lang three days kaming mag-i-stay rito. Malayo-layo rin ito mula sa bayan, halos isang oras rin bago kami nakarating. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa burol kung saan nakatirik ang hindi ko malaman kung bahay o palasyo. Napapalibutan ito ng matatayog na pader. Walang buhay ang dating nito at animo’y puno ng lungkot. “Ay palaka!” bigla ay sigaw ko nang may pumatong na kamay sa aking balikat. “Easy,” anang pamilyar na tinig. “Ako ‘to. Si Hevo.” Nahimasmasan naman ako nang makita ito. “Tinakot mo naman ako.” “Ang lalim naman kasi nang iniisip mo. Ano ba kasi tinitingnan mo?” Tumingin ito sa direksyong tiningnan ko kanina. “Ah, ‘yan ba. Napansin ko rin ‘yan kanina habang nasa byahe pa.” “Sa tingin mo, makakatagal ka kayang tumira diyan?” Natawa ito sa tanong ko. “No way! Abnormal lang ang makakatagal diyan. Tingnan mo nga parang haunted palace.” Sabagay, nakakatakot kasi ang awrang nakapalibot sa naturang bahay. “Participants find your partner, by course!” rinig naming announced ni Miss Calupe, isa sa mga Instructors ng COM. “Ops! Sorry, she’s my partner!” hila sa akin nang kung sino. Si Meghan. Nakita ko ring hinila si Hevo ng isang lalaki’ng marahil ay kaklase nito. “May partner na ba ang lahat?” “Yes, Ma’am!” magkasabay na tugon naming lahat. “Before anything else, welcome to management camp 2016-20017.” Katahimikan. “To start with, let's begin the program with a very very easy challenge. Pampainit ika nga.” Ngumiti si Ma’am, at basi sa pagkakangiti nito, kinakabahan ako. “Okay participants, within ten minutes, you have to build your own tent!” Tsk, sabi na, eh! Pambihira! “What?!” iritang bulalas ni Meghan bagamat hindi rinig ng mga Instructor sa unahan, malayo ang bawat participants kung nasaan ang mga ito. “Is she f*cking serious?! My God, ni hindi ko nga alam kung paano ikabit ang mga ‘yan!” “Ang hindi makaka-complain within time given ay magkakaroon ng punishment.” dagdag pa ni Miss Calupe. “You may start now!” Tarantang nagsimula ang lahat sa pagtayo ng tent. “Ugh, I hate this!” maktol pa ni Meghan. “Kumalma ka nga muna kasi, paano natin magagawa ‘to kung iritado ka?” nakapameywang kong wika. “Shut your mouth and do it!” “Sanay ako sa hirap, kaya kahit anong punishment hindi ako natatakot. Ewan ko lang sayo.” Mukha naman itong natigilan sa sinabi ko. “Fine!” At makalipas ang ilang sandali. “In five.. four.. three.. two.. one. Everyone, hands up!” Marami ang nakatapos, at marami rin ang hindi. And unfortunately, kasali kami sa mga hindi nakatapos! “Lahat nang hindi nakatapos pumunta dito sa harap.” Muling announced ni Miss Calupe. Tahimik kaming sumunod ni Meghan at gano’n din ang iba pa. Nakita ko ring kasali si Miss Beatriz sa mapaparusahan. Napaismid ako. Pantay-pantay kami ngayon, walang mahirap, walang mayaman. “The activity you did is to test how cooperative you are to each other since magpartner kayo,” panimula ni Miss Calupe. “But since you guys failed, Miss Gillany will give you the punishment.” Tumayo si Ma'am Gillany. Mabuti na lang at ito ang magbibigay ng punishment, at least mukhang madali lang. “Uhm, since mabait naman ako, hindi ko kayo pahihirapan,” nakangiti pang wika ni Ma’am. “Since hindi kayo nakapasa sa paunang test. Hindi kayo makakasama sa pananghalian ngayong araw.” Ayaaay! Umani ng ibat-ibang reaksyon ang sinabi ni Ma’am; may mga nagreklamo, nainis, at mangiyak-ngiyak pa nga. Bait nga nito sobra! “Hindi pa tapos. Since mabait nga ako, I'll give you one hour to look for your own food.” “Excuse me?!” Tinig iyon ni Miss Beatriz. “At saang lupalop naman kami maghahanap no’n?” Tsk, bastos talaga. I'm pretty sure bagsak ‘yan sa GMRC no’ng Grade School. Ngumiti si Ma’am Gillany at muling nagsalita. “That would be the challenge. Let see how resourceful each one of you.” Walang nagsalita. Nakikita ko sa mukha nang bawat isa na ibig pa nilang magprotesta pero para ano pa? This is a camp, at parte ito ng activities sa school. “As what I have told you guys, hindi lang tayo magsasaya rito. Kung hindi niyo gagawin ang punishment niyo, wala kayong pananghalian. It’s your choice anyway. The time start now.” “HUWAG mo akong bitawan Maxine, huh,” takot na wika ni Meghan habang nakahawak sa braso ko. “Hindi tayo close hindi ba, sa pagkakatanda ko.. galit ka sa akin.” nguso ko rito. Gusto ko itong asarin. Para kasi itong among tupa ngayon. “Tsk, hindi naman ako seryuso do’n. Gano’n lang talaga ako,” katwiran nito. Umismid ako. “Takot ka lang ‘di makapananghalian, eh..” Bigla itong ngumisi na ikinaasar ko. “Bibigyan mo naman ako ‘di ba?” Sabi na eh. “Maghanap ka ng sayo,” biro ko. “Maxine naman, eh..” Iling na nagpatiuna akong maglakad. Nasa gitna kami ng kagubatan, jusmeyo! “It so itchy,” rinig kong reklamo ni Meghan. “Hindi ka ba nangangati?” “Hindi.” “Palibhasa immuned na ‘yang balat mo. Look at your skin, ni hindi ka nga siguro naglolotion. Tuyong-tuyo.” Makapanglait naman ‘tong babaeng ‘to wagas. Ilang sandali pang nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Kung saan-saan na kami nagsususuot. Hanggang sa makarating kami sa isang batis. Namangha ako. Pero ang pagkamanghang jyon ay napalitan nang pagkunot ng aking noo nang mahagip ng mga mata ang pamilyar na pigura ng isang lalaki. Si arogante!? Ano’ng ginagawa nito sa ganitong lugar?! Hindi ko alam pero napako ang mga mata ko rito. Hindi ko maiwasang hindi ito pagmasdan; mula sa napakagwapo nitong mukha, hanggang sa---paksh*t! Biglang nag-init ang mukha ko nang maghubad ito ng pang-itaas. Pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko. Grebe nemen! Nakaka-enjoy ‘yong view. “Meghan, nakikita mo ba ang nakikita ko?” tanong ko habang nakatingin pa rin kay arogante. Wala akong nakuha g tugon. “Meghan. Meghan---?” Wala si Meghan?! Nasaan ang babaeng ‘yon? Muli kong ibinalik ang tingin sa batis, nawala rin si arogante. Tumalon marahil ito sa tubig basi na rin sa ingay na narinig ko. Pero ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin ito lumutang. Taranta akong lumapit sa bunganga ng batis kung saan ito tumalon. “T-teka! Mayabang okay ka lang?!” sigaw ko. “H-hoy, huwag kang magbiro nang ganyan! Andyan ka pa!?” Nakaramdam ako ng pag-aalala nang hindi pa rin ito nagpakita. Natuluyan na yata. Magiging kargo di-konsensya ko pa ang aroganteng 'yon kapag nagkataon. Hindi na ako nagdalawang isip na tumalon. Kahit naman sino ang nasa ganitong sitwasyon ganito rin ang gagawin ko. Sumisid ako pailalim upang hanapin ito ngunit bigo ako. Saan ito nagpunta? Hindi naman ito umahon. Nagpasya akong umahon nang hindi ko pa rin ito mahanap. Hiningal ako at hinabol ang aking paghinga. “Looking for me?” Gulat akong napalingon sa tinig. Si arogante, nakaupo ito sa malaking bato at seryusong nakatingin sa akin. “T-teka, paano kang..,” hindi ko maituloy ang sasabihin. Paano itong napunta sa malaking bato, eh hindi ko naman ito nakitang umahon. “Alam mo bang hindi nakakatuwa ‘yang biro mo?!” inis na wika ko na lang. Ngumisi lang si arogante at bumaba uli sa tubig. “Sino ba kasi ang may sabing tumalon ka?” nanunuksong tanong nito na papalapit sa direksyon ko. “Kababae mong tao nambubuso ka.” Ano daw?! “E-excuse me?!” bawi ko, napanga-nga kasi ako sa sinabi nito. “Huwag mo nang itanggi. Matalas ang pkiramdam ko, at malakas ang pang-amoy ko. Kaya kahit nakakubli ka alam kong kanina mo pa ako pinagnanasaan.” Pakiramdam ko nahulog ‘yong panga ko sa tubig. Grabe, wala akong masabi sa kayabangan ng lalaking ‘to. “Hoy napadaan lang ako. At malay ko bang maliligo ka sa gitna ng kabundukan. Bakit, pag-aari mo ba ‘to?!" halos sigawan ko na ito. “At anong pinagnanasaan? Eh tabingi nga ‘yang abs mo.” Natawa ito sa sinabi ko, lumiit tuloy ang singkit nitong mga mata. “Sa sinabi mo para mo na ring inaming tama ako. Tama ka. Ang tinatapakan mo at lahat nang nakikita mo ay pag-aari ko.” Bahagya akong napaatras, gadangkal na lang kasi ang layo nito sa akin. “You have a beautiful collarbone,” puna nito habang nakatingin sa aking leeg. Napalunok ako. “Anong binabalak mo?” matigas kong tanong sa kabila nang hindi maiwasang pag-usbong ng munting takot sa aking dibdib. “Nakakauhaw ang amoy mo.” Muli ay napalunok ako. Adik siguro ang lalaking ‘to. My God, ito tuloy ang napala ko sa pagiging pakialamera ko. Sa kaaatras ay hindi ko namalayang malalim na pala ang bahaging tinatapakan ko. Biglang may humila sa akin na naging sanhi ng aking paglubog pailalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD