Author’s POV
ILANG sandali pang nakatayo lamang si Lucas na animo’y naghihintay ng pagkakataon. Naging mabilis ang mga mata nito nang makarinig ng kaluskos mula sa ‘di kalayuan. Sumilay ang munting ngiti sa mga labi ng binata, napadila na tila takam na takam. Tumalon ito pababa mula sa itaas ng puno at sinundan ang tunog ng kaluskos at amoy nang magiging biktima. Daig pa nito ang mabangis na hayop sa sobrang liksi kung kumilos.
“Bloody breakfast would be great,” nakangising bulong ni Lucas habang tumatakbo. At lumapad pa iyon nang masilayan ang magiging agahan, a BABIRUSA.
Naglahong bigla si Lucas at sa isang iglap lang ay umalingawngaw ang pagtangis sa loob ng kagubatan. Maging ang ibang hayop ay takot na nagsibalik sa mga lungga nila na animo’y batid ang pagsalakay ng halimaw na kanilang kinatatakotan.
MAKALIPAS ang isang buwan..
“Okay class, I have an announcement to make,” si Miss Gillany, ang Class adviser nila Maxine. “Bukas pa ‘yong klase natin with my subject kaya huwag kayong magtaka kung bakit nandito ako. Actually, Miss Macalisang is not yet around kaya wala rin kayong klase. She’s on a travel right now. I was instructed by the dean to forego the whole classes for today for the preparation of up-coming camp that will be held in one of the mountains here in St. Monica.”
“Camp? Kailan po?” tanong ng isa sa mga kaklase ni Maxine.
“The day after tomorrow.”
“Para lang po ba sa BSHRM ‘yon?” segundang tanong rin ni Maxine.
“Ano ka ba Maxine, ang boring kaya no’n!” kontra naman ng katabi ng dalaga, si Meghan.
Bumuntong hininga si Maxine at inirapan ang katabi.
“Enough guys,” saway ni Miss Gillany sa dalawa bago pa man magbangayan ang mga ito. “Don’t worry Miss Bodegas, the whole COM will participate.”
“Alright!” ngisi ni Meghan na tila nagtagumpay. “That would be fun, right classmates?” anito sa mga kaklase. Bahagya namang nag-ingay ang mga estudyante bilang pagsang-ayon.
“Everyone is mandated to participate. Walang mag-i-excuse,” dagdag pa ni Miss Gillany. “Do I make myself clear?”
“Yes, Ma’am!” magkasabay na tugon ng mga estudyante.
“And last thing, we won’t go there for fun. Magkakaroon tayo ng mga activities do’n.”
---
Maxine’s POV
PAPALABAS na ako ng Campus. Wala ng pasok the whole day para raw makapaghanda kami para sa susunod na araw.
Gastusin na naman. Syempre kay Nanay ako hihingi ng pocket money para do’n maliban na lang sa registration fee dahil sa mag-Asawang Alfonzo nang sagot iyon.
***PLOOKKK***
“Awww!” Napahawak ako sa sentido ko. Tumama ako sa kung sinong balikat ng poncho pilatong hindi tumitingin sa dinaraanan niya.
“S-sorry Miss, hindi ko sinasadya.” anang lalaki habang pinupulot ang mga gamit ko. Hawak ko pa rin ang ulo habang nakatitig sa likod nito.
“Okay lang. Hindi rin kita napansin kaya...” Hindi ko naituloy ang sasabihin nang mag-angat ng mukha ang lalaki.
“H-hi!” Mukhang nagulat din itong katulad ko.
"H-hi!" tugon ko na lang. Kinuha ko ang mga gamit mula sa lslaki.
“Maxine, right?”
Isang tipid na tango lang ang itinugon ko. Tanda pa rin nito ang pangalan ko.
“I'm glad nagkita tayo ulit. It's been a month. Remember me?”
Hindi ako nagsalita.
“I'm Hevo. I was the guy on the mango tree.”
“Oo, naaalala ko.”
Sino ba ang makakalimot no’n. Gawin bang hang-out place ang punong kahoy?
“Pauwi ka na?” tanong ulit nito. Sumabay ito sa akin na maglakad.
“Oo. Wala na kaming pasok buong araw.”
“Taga-COM ka rin?”
“Oo, bakit?”
“Magka-Department pala tayo kung gano'n. Business Administration ako. Nakakatuwa naman, at least may kaibigan na ako sa camp.”
“Ah..” Naiusal ko na lang. Wala akong masabi sa kadaldalan nito.
“Ihahatid na kita.”
“Hindi na,” tanggi ko. Nakakahiya sa kabilang baryo pa ako.
“I insist.”
Napakamot ako sa ulo sa kakulitan nito. Bakit ba sobrang bait nito? Hindi kaya type niya ako?
Piping nasaway ko ang sarili sa iisiping iyon. Sobrang asyumera ko naman. Porket mabait ‘yong tao may gusto na agad, hindi ba pwedeng nagmamagangandang loob lang? Nakakahiya.
“Bakit, may masakit ba sayo?” rinig kong tanong no’ng Hevo.
Gulat akong napatingin rito. “W-wala. May iniisip lang ako.”
“Wait for me here. I'll just get my car.”
Gusto ko pa sanang magprotesta kaso nakaalis na ito. Wala akong nagawa kundi ang maghintay na lang. Okay na rin ‘to, ma-i-si-save ko rin ‘yong pamasahe ko ngayong araw.
MABILIS naman kaming nakarating ng mansyon. Hindi umabot ng thirty minutes na kadalasang nangyayari kapag tricycle ang sinasakyan ko.
“Dito ka nakatira?” tanong ni Hevo nang pagbuksan ako ng pinto.
“Ah, hindi.” Natatawang iling ko. “Dito ako nagtatrabaho.”
“I see.”
“Sorry, hindi kita maaayang pumasok sa loob. Baka mapagalitan ako ng amo ko.”
Ngumiti ito. “It's okay.”
Sabay kaming napalingon nang biglang may bumusena, kotse iyon ni Miss Beatriz. Huminto iyon sa harap namin, bumukas ang bintana ng sasakyan at sumungaw ang maldita kong amo.
“Ano pang tinutunga-tunganga mo diyan? Open the gate!”
Mabilis kong tinungo ang gate at binuksan iyon. Nakita kong kinakausap ni Miss Beatriz si Hevo habang malayo ako, panay pa ang ngiti nito sa huli. Maya-maya ay inabante na nito ang kotse nang siguro ay mapansing tapos na ako.
“Salamat uli sa paghatid,” wika ko kay Hevo nang puntahan ito. Pumasok na sa loob ang sasakyan ni Miss Beatriz kaya nagkaroon ako ng pagkakataong magkapagpasalamat sa bago kong kaibigan.
“My pleasure. Gotta go..”
“Sige..”
Papasok na sana ito ng sasakyan nang muli itong lumingon. Sa pagtataka ko ay bumalik ito.
“Uhm, if you don't mind.” Nagkamot pa ito ng ulo bago muling nagsalita. “Do you have a cellphone?”
Matagal bago ako nakasagot. Ang totoo, nabigla ako. “Meron.”
“Pwedeng makigamit?”
Napakamot ako.
“Ah..” Nahihiyang dinukot ko ang phone mula sa aking bulsa at inabot iyon kay Hevo. Nag-aasume na naman ako. “Mas prefer ko ‘yong di-keypad, mas madali kasing gamitin,” paliwanag ko pa. Hindi naman kasi latest ang phone ko, napag-iwanan na ng panahon ika nga. Pero ngumiti lang si Hevo saka may itinipa roon. May tinatawagan ito.
“Ayan, okay na.”
Takang tinanngap ko ang cellphone. Paanong naging okay, wala naman yata itong kinausap.
“Sige. Bye Maxine!”
“Sige.”
Matapos makaalis ni Hevo ay pumasok na ako sa mansyon. Naabotan ko si Miss Beatriz sa sala, nakaupo sa sopa habang kinakalikot ang mamahalin nitong cellphone.
“Saan mo siya nakilala?” bigla ay tanong nito.
Napahinto ako at tumingin sa direksyon nito.
“Ako?”
Pinaikot ni Miss Beatriz ang mga mata at tiningnan ako. “Idiot. May ibang tao pa ba maliban sayo?”
Nga naman, tanga lang?
“Sa school.”
“Alam mo bang isa siyang sikat na football player sa L.A?”
Umiling ako.
“He is Hevo Fontanella.”
Hindi ako umimik. Eh, sa hindi ko kilala.
“I think he likes me. Nakita mo ba kung paano niya ako ngitian kanina? Gosh, kinikilig ako.”
“Ah gano’n,” malamya kong tugon. Akala ko ako lang iyong asyumera. Eh, parang ito naman ‘yong panay ang ngiti kanina, halatang nagpapacute!
Tumayo si Miss Beatriz at pakinding-kinding na pumanhik sa hagdan.
“Wala kang kwentang kausap. Palibhasa wala kang ibang nakakasama kundi puro basahan,” maarting wika nito.
Tsk, Okay na iyon kaysa naman sa mga taong may tililing sa ulo.
“Bago ko makalimutan.” Huminto ito at nilingon ako. “Huwag kang didikit-dikit sa akin sa camp, huh. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo.”
Eh ‘di wow! Sino naman kayang may gustong dumikit sa bipolar na tulad niya?
“The feeling is mutual.” bulong ko.
Mahulog ka sana sa hagdan!
Akala mo naman kung sinong maganda. Mukha naman itong payaso sa sobrang kapal ng make-up. Aynaku!