C H A P T E R 3

1626 Words
Author’s POV “NANDIYAN na si Ma’am!” sigaw ng isang kaklase ni Maxine kinabukasan habang tumatakbo papasok ng room. Agad namang napaayos sa pagkakaupo ang mga estudyante. Naging tahimik ang kanina’y ubod ng ingay na silid. “Excuse me.” Bumulong na tanong ni Maxine sa katabing babae. “kilala mo ba kung sino ‘yong Law-1 natin?” “Si Miss Calupe.” “Ah, mabait ba ‘yon?” muli ay tanong pa niya. Subalit hindi niya inasahan ang naging sagot nito. “My God, si Miss Calupe hindi mo kilala?! She’s one of the terror Instructors in this University. Ang engot mo naman Maxine, gagraduate na tayo, oh!” Napangiwing bunaling si Maxine sa unahan. “Mga saltik talaga ang mga estudyante rito. Nagtatanong nang maayos, eh.” “What did you just say?” “Wala. Kako ang ganda mo.” “Indeed.” Napangisi si Maxine. “Joke lang. Naniwala ka naman.” “Aba’t talaga---.” “Good Morning, Ma’am!” Napatigil ang katabi ni Maxine sa pagdating ni Miss Calupe, bagamat humirit pa ito ng finger sign sa dalaga. “Good Morning!” ang hungad na bati ni Miss Calupe. Sandaling dumaan ang nakakabinging katahimikan bago muling nagsalita ang Instructor. “Okay. Before anything else, I want to give you guys a very warmth welcome,” kalmadong wika nito na nakatingin sa mga estudyante. “And as of that, get one whole sheet of paper---now!” Taranta namang sumunod ang lahat sa pagdagundong ng boses ng Instructor sa huli nitong sinabi bago may isinulat sa white board. “Start answering.” Makalipas ang ilang sandali. “Ah..!” pigil ang boses na daing ni Maxine. Binato siya nang nilamokos na papel na mukhang may laman pa sa loob. Binuklat niya iyon para tingnan, isang white-out. Inis na tumingin siya sa katabi subalit nagkibit lang ito ng balikat at ngumiti. “What is that?!” Mabilis na itinago ni Maxine sa likod ang nilamokos na papel. At para siyang tinuklaw ng ahas na tumingin kay Miss Calupe. “What’s your full name?” mahinahong tanong ng Instructor. Tumayo ito at humakbang patungo sa dalaga. “Maxine Filmore.” tugon ni Maxine sa mahinang tinig. Pinagpapawisan siya nang malapot sa kabila ng air-conditioned nilang silid. “What is that behind your back?” Sunod-sunod ang ginawang paglunok ng dalaga dahil sa kaba. Animo’y tinatambol ang dibdib niya kahit wala naman siyang ginawa. “It’s nothing, Ma’am.” “Let me see.” Hindi tuminag si Maxine at nanatiling nakakatitig lamang sa Instructor. “Are you cheating?” “No, Ma’am.” “Then let me see it, or else you wouldn’t like it, Miss Filmore.” Kinakabahang inabot ng dalaga ang papel sa Instructor at piping naipanalangin na sana walang nakasulat roon. “Finish or not finish, pass your papers,” wika ni Miss Calupe pagkaraan. Naglakad ito pabalik sa desk. Tila nabunutan ng tinik si Maxine sa narinig. Ibig sabihin, blangko ang papel. --- Maxine’s POV KASALAKUYANG nasa mini park ako ng eskwelahan at nagpapahinga. Muntikan na ako kanina. Bakit ba kasi ang init ng dugo sa akin ng mga lintik na ‘yon? Magpapakamarter ako mas lalo lang akong b-in-ully, kapag lumaban naman ako gano’n din. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. “I hate you Wilford!” wala sa sariling sigaw ko saka isinubsob ang ulo sa mesang gawa sa bato. **BLAGGGG!** Gulat akong nag-angat ng mukha dahil sa pagkalabog. “Darn!” bingit ang mukhang sambit ng lalaki na nagmula sa kung saan, hawak-hawak nito ang balakang habang at pinipilit na tumayo. Tumingin ito sa gawi ko at naglakad. “H-hi!” pilit ang ngiting bati nito sa akin at umupo sa harap ko. “Mind if I join you?” “Okay lang.” kaswal kong tugon. Titig na titig ako rito, nakikiramdam. Hindi ito gano’n kagwapo pero cute, oo. “Saan ka galing? Hindi yata kita napansin.” Ngumiti ang lalaki, lumabas tuloy ang magkabilang beloy nito sa pisngi. Nyemas! “Sa taas ng puno." Tumingin ito sa direksyon ng puno ng mangga’ng nasa harapan namin. “S-sa taas ng p-puno?” “Yeah, I was reading my favorite book,” anitong itinaas pa ang librong Harry Potter. “Binu-bully ka ba ng mga estudyante rito?” Tiningnan ko ang lalaki sa paraang nagtatanong. Feeling close si kuya. “Oh, don’t get me wrong. It’s just that I heard you screaming you hate Wilford,” paliwanag nito na marahil ay nabasa ang iniisip ko. "Hindi kasi ako kasing yaman ng mga estudyante rito. Kaya parang discrimination para sa kanila ang pagiging mahirap,” himutok ko. Bigla ay napaisip ako. Hindi ko maiwasang tingnan nang masama ang kaharap. Nasa loob ito ng Campus, ibig sabihin estudyante rin ito rito. “Oh come on, don’t count me in. I’m not one of them,” natatawang wika nito. Napaka-obvious ko yata at nabasa naman nito ang ibiisip ko. “Honestly, hindi ko rin gusto ang mga estudyante rito, they’re all stupid hypocrites.” Hindi ako nagkomento. Malay ko ba kung pinagluloko ako ng lalaking ‘to. Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell, hudyat para sa may mga next class. “I’m afraid I can’t stay here for long. May klase pa ako.” Tumayo ang lalaki pero hindi naman kumilos. “By the way, I’m Hevo. And you are?” “Maxine..” “See you around, Maxine.” Tinalikoran ako no’ng Hevo at nagsimulang maglakad palayo, subalit nakailang hakbang pa lang ito nang biglang huminto at pumihit pabalik. “Uhm, friends?” nakangiting tanong nito sabay naglahad ng kamay. “F-friends,” nag-aalangan kong tugon at tinanggap iyon. “Sige,” anitong mas lumapad ang pagkakangiti, ramdam ko rin ang bahagyang pagpisil nito sa aking kamay. Hindi ako makapaniwalang sinundan ang papalayong “Friend ko kuno”, for the last three years na itinagal ko sa Wilford ay may nakipag-kaibigan din sa akin. Hindi pala lahat ng mga estudyante rito mayayabang, may natitira rin pa lang matino. --- Lucas’s POV NASA veranda ako, nakapikit habang nilalahanghap ang sariwang hangin. Sinasamyo ang amoy ng kalikasan. Sa tatlong taon ko rito sa Sta. Monica ay tila nasanay na ang katawan ko sa panahon at klima. Huminga ako nang malalim. Hindi ko mapigilang sumagi sa aking isipan ang ala-alang iyon no’ng kabataan ko. “Do it, Fernan!” Pasigaw na utos ni Lolo kay Tito. Nakaupo ito sa upuang gawa sa pilak na nasa unahan kasama ng apat na matatanda. Habang sa ibaba ng bulwagan ay mga taong nakahelira sa magkabilang panig, nakasuot ng kulay itim na damit na hanggang sakong ang haba. Nakatalukbong ang mga mukha kung kaya’t hanggang sa may parteng bibig lang ang nakikita, animoy mga sugo ito ni kamatayan. Sa gitna ay nakatayo si Tito Fernan, bakas sa mukha ang takot at pangamba. At sa likod nito ay isang babaeng kasing edad lang ni Mommy ang nakagapos sa magkabilang kamay, trembling and crying hopelessly. Wala akong ideya kung ano ang nangyayari sa loob. “I can’t, ‘Dad! Just let her go. She hasn’t something to do with this!” Sigaw ni Tito. “It was all my fault! I was the one who betrayed Ella..” Napahigpit ang pagkakahawak ko sa pinto. So that woman is his mistress? “You are a goddamn jerk, Fernan!” dumagundong ang boses ni Lolo, nanlilisik ang mga mata sa galit. Nakakatakot. “Are you gonna kill her, or I, myself will do it for you..?” “I won’t allow anybody to hurt her. Not even you, Daddy!” “She’s a damn human, Fernan!” atungal na sigaw ni Lolo. Nakakatakot iyong pakinggan. Naging kulay dugo ang mga mata nito, humaba ang nguso at tinubuan ng mga balahibo ang mukha, at maging ang buong katawan. Domuble pa ang laki at taas ni Lolo, dahilan para masira ang kanina’y mga saplot nitong suot. Humaba rin ang mga kuko nito sa kamay na pwedeng ikamatay nang kung sino man ang matamaan niyon. “I love her,” mariing tugon ni Tito, kasabay no’n ay ang pagbabago rin nito ng anyo. Naging halimaw na katulad ni Lolo. Sa isang iglap lang ay nagpambuno ang dalawa. Ni hindi ko sila makita sa sobrang bilis.. ...hanggang sa duguang bumagsak si Tito. I gasped with horror, trembling for what I have seen. Hindi ko namalayan ang pagbagsak ng mga luha ko sa mata. Sa likod ng aking pagiging musmos ay naging saksi ako kung paano kitilin ni Lolo ang buhay ng sarili nitong Anak. Hanggang sa maramdaman ko ang may mga kamay na tumakip sa aking mga mata. “Mom?” garagal ang tinig na nilingon ko si Mommy. Nanginginig pa rin ako sa takot hanggang ngayon. “What are you doin’ here?” tanong nito. “You shouldn’t be seen by your Grandfather.” “But what was that Mom..? How could he kill his own Son?” “Enough, baby. Someday you’ll understand why your Grandpa has to do it.” Niyakap ako ng mahigpit ni Mommy at hinagod ang aking likod na para bang sa pamamagitan no’n ay maibsan ang takot ko. I took a deep breath as I came back to reality. Iminulat ko ang aking mga mata. Nag-iinit ang pakiramdam ko at nanginginig ang aking mga kalamnan. ..NAUUHAW ako. Tumalon ako pababa mula sa ikatlong palapag ng veranda, at walang kahirap hirap na inakyat ang matatayog na pader na nagsisilbing proteksyon ng aming tahanan. Hanggang sa natagpuan ko ang sarili sa masulasok na kagubatan ng St. Monica, nakatayo sa itaas ng puno; nagmamasid at naghihintay nang mabibiktima. Bata pa lang ako alam ko nang may mali sa pamilya ko.. ..hindi kami pangkaraniwang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD