FORBIDDEN LOVE
C H A P T E R 2
Lucas’s POV
I decided to have a round first. I don’t have any something to buy actually. I just accompanied my elder Sister since she asked me to.
My feet took me to vegetable’s section. I smiled upon seeing those round green leafy vegetables, my favorite. I take a cabbage but suddenly someone grabbed my hand. I turned my head to take a gaze.
“Ikaw?!”
Small world. Ito ‘yong muntik ko nang masagasaan kanina.
“Sinusundan mo ba ako?” I asked her instead, looking at her face.
“Ang kapal.”
“Saying something?” nang-aasar ko pang tanong kahit narinig ko naman.
Pero imbes na sumagot ay kumuha ito ng buong repolyo at kinausap.
“Hays Maxine, may tao ba? Wala. Pero bastos na arogante meron.”
So Maxine is her name.
“I’m Lucas.”
“Excuse me?” anito sa mataray na tono. Ang sama rin ng tinging ipinukol nito sa akin.
“You were stating your name, so I guessed you wanna know mine.” I uttered in amusement as I crossed my arms. I don’t know why I am talking to her but it’s just that it’s kinda fun. “Girls’ strategy, right?”
The girl breathed and looked at me in annoyance. Kung nakakamatay lang ang tingin, swear kanina pa ako bumulagta.
“Hoy ikaw, lumayo-layo ka nga sa ‘kin bago ko maihampas ‘tong repolyo sa pagmumukha mo!”
Hindi ko mapigilan ang bahagyang pag-arko ng aking mga labi. Kulang na lang bumuga ito ng apoy, bagay na nagtulak sa akin para mas lalo itong asarin.
“Alam mo bang lumang style na ‘yan? kunwari magsusungit. Women always do that to get men’s attention.”
Nakita ko ang pagtaas-baba ng dibdib nito bago muling nagsalita.
“Maghanap ka ng kausap mo! Hindi kita type!”
The girl is about to leave when I promptly held her cart that made her shot me another look.
“Anong problema mo?!”
“Wala. Baka ikaw meron?”
“Saltik!”
Muli ay napangisi ako. Masyado itong weird magsalita o talagang ganito lang makipag-usap ang mga tulad nito.
Mas lumapit pa ako sa babae. Bahagya akong yumuko dahil sa may kaliitan ito.
“Baka gusto mong pag-usapan na lang natin ‘yong motor ko?” I uttered in a lower voice. “Do you even know how expensive it is---its Harley Davidson.”
Sa pagkaaliw ko ay bahagya itong natigilan. Dinaig pa ang papel sa pagtakas ng kulay sa mukha nito.
“Lucas..”
Nilingon ko ang tinig na ‘yon.
Si Ate.
“Lourine..”
Isang taon lang ang tanda nito sa ‘kin kaya gano’n lang ang tawag ko.
Lourine hissed, stepping towards me. “I thought you left me already. And who's that girl?” tumingin ito sa katabi ko. “Girlfriend?”
“Hell, no!” kunot ang noong tanggi ko at tinulungan ito sa dalang cart.
Isang sulyap pa para sa estranghera bago ako nagpatuloy sa paghakbang. Iling na napatitig ako sa aking kamay, hindi ko alam kung naramdaman din nito kanina ang naramdaman ko.
TATLOMPÚNG minuto bago namin narating ang palasyo. Nasa tuktok ng isang burol ang aming tahanan kung kaya’t madalang kaming bumaba ng bayan.
“Magandang araw Ma’am, Sir!” bungad ng guard na noon’y binuksan ang malaking gate na nagsisilbing harang ng palasyo. Sakay si Ate ng kotse nito habang nakasunod lang ako lulan ng aking motorsiklo.
“I told you darling, you don’t have to do that. Hayaan mong si manang ang gumawa niyan.” si Mommy. Pinapanood nito si Ate habang abala sa pagsasaayos ng mga pinamili namin kanina.
“It’s okay ‘Mom, I love doing this. Nakakawala ng stress.”
“Yeah, you're right, darling.”
“What are you doin’, baby brother?” baling ni Ate sa akin.
“Hindi ka bumili ng cabbage?” balik tanong ko habang hinahalungkat ang ibang items.
“Hindi.”
Napasimangot akong tumingin rito.
“Wait.” Humarap ito sa akin at pinameywangan ako. “You were too rush kanina. Hinila mo pa nga ako ‘di ba? It’s your fault baby brother, kaya hindi ko nabili ‘yong paborito mo.”
“You should insist me to stay.” Nagmamaktol kong sabi.
“Enough baby, ipag-uutos ko na lang kay manang,” si Mommy.
Asar na tinalikuran ko sila. Dunno, pero cabbage lang ‘yong kahinaan ko. Funny, isn’t it? Doon yata ako ipinaglihi.
“Lucas.” tawag ni Mommy na ikinalingon ko.
Nagpakawala muna ito ng malalim na buntonghininga bago nagsalita.
“Your Grandfather is coming soon.”
Hindi ako nakapagsalita, maging si Ate ay napapatitig sa akin.
“You cannot runaway from it, Son,” pagpapatuloy ni Mommy.
“I know,” halos pabulong kong tugon. Lihim kong naikuyom ang mga kamay. That old man is going to witness my 21st birthday, at ang araw na ‘yon ang pinaka-ayokong dumating sa buhay ko.
---
Maxine’s POV
“MANONG, bayad oh.” wika ko sa tricycle driver sabay abot ng bente pesos. Nasa harap na kami ng mansyon. Isa-isa kong ibinaba ang mga pinamili.
“Kulang ‘to, Miss.” anang tricycle driver.
“Magkano ho ba?”
“Bente sinco.”
“Mahal naman manong. Wala bang discount? Estudyante po ako.” reklmo ko. Sayang din ‘yong limang piso.
“Grabe ka naman. Bente sinco lang hihingi ka pa ng discount? Eh ‘di sana naglakad ka na lang.”
Wow, kapag minamalas ka nga naman. Ba’t parang puro yata nambubwesit ang mga tao ngayon?
Inis na dumukot ako ng barya at inabot iyon.
“‘Yan na po,” pagsusungit ko. “Ma-flat-an ka sana,” bulong ko pa sa huling sinabi.
“Kuripot,” hirit pa ng mamà bago tuluyang pumaharurot.
NAABOTAN ko si Miss Beatriz sa sala. Nagbabasa ito ng magazine. Siguro wala na itong pasok.
“Hey!” rinig kong tawag nito.
Huminto ako sa paghakbang at lumingon.
“Bakit?”
“Bring me a glass of water.”
“Sige,” tugon ko at nagtuloy-tuloy sa kusina bitbit ang mga pinamili.
“ANO ‘yan?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Miss Beatriz sa basong dala ko.
“Isang basong tubig po, hindi niyo po nakikita?” balik tanong ko.
“Alam ko!” bulyaw nito. “Paiinomin mo ako ng walang ice?!”
“Hindi niyo po sinabi.”
“Common sense, istupida!” bulyaw na naman nito.
“Papalitan ko na lang,” kalmadong wika ko.
“Huwag na!” angil nito. Nilapag nito ang binabasang magazine at tumayo.
Iling na hinatid ko si Miss Beatriz ng tanaw habang pumapanhik sa itaas. Sinadya ko talaga ‘yon. Bwesit na bwesit ako ngayong araw, eh.
Kinuha ko ang basong may tubig upang ibalik sa kusina nang maagaw ang atensyon ko sa larawang nakabalandra sa isang sikat na magazine. Parang family picture iyon. Napakaganda ng dalawang babaeng nakaupo sa mahabang couch. Sa likod naman nakatayo ang tatlong kalalakihan. Napako ang mga mata ko sa lalaking nasa gitna na naka black suit---si arogante?! Katabi nito ay isang matandang lalaki na marahil ay Lolo nito. Ewan ko, pero naramdaman ko ang pagtayo ng balahibo ko sa batok. Parang may kakaiba sa mukha ng matanda.
[HARRISON]
Nagtaas ako ng kilay. Kaya naman pala mayabang ang aroganteng ‘yon. May ipagyayabang naman pala.