
*Ava Reyes* — Ang graphics designer na tinanggalan ng pangarap. Sinampal ng mundo, itinakwil ng sariling ama, at iniwan ng lalaking akala niyang kakampi. Para sa kanya, ang “Reyes-Tan Coffee Studio” ay hindi lang kape. *Ito ang huling patunay na may halaga siya.* Pero ngayon, nakahiga siya sa lupa ng bakanteng lote, hawak ang nayuping blueprint, at tinatanggap na baka hanggang drawing na lang talaga siya.*Ethan Tan* — Ang heir ng Tan Development Corp. Magaling na architect sa papel, pero lahat ng bahay na dina-drawing niya, *walang pinto, walang bintana.* Parang kulungan. Dahil yun ang buhay niya: nakakulong sa pangalan, sa kompanya, sa galit ng tatay niyang si Sir Tony. Akala niya kontrolado niya ang mundo. *Hanggang sa isang 3AM sa rooftop, may babaeng uminom ng malamig niyang kape at nag-iwan ng isang blue dot sa pader.*Ngayon, pinagtagpo sila ng tadhana sa parehong bubong. Hindi para mahulog sa isa’t isa. *Kundi para tanungin ang isa’t isa: “Anong kulay ng pagod?”*

