Kabanata 27 "Ate Veron!" Malakas na tawag ni Peter sa akin nang makita niya ako habang kau-kausap si Edward. Paano'y tumanggi ito na tumulong kasi ang daming tao at nahihiya siya. "Hali ka na, huwag ka nang mahiya, babango image mo rito." Giit ko sa kanya at kaagad akong kumaway kay Peter. Napaka-stress na nitong tingnan at babad na babad sa trabaho. "Tutulong ka o hindi ka namin isasama sa Bohol?" Pilya kong tanong sa lalaki. Napakamot ito sa kanyang batok at wala nang nagawa pa. "Sige na nga…pero may isa akong kondisyon?" Siya naman ang ngumiti. "Libre mo ako ng dinner, ha." Nahihiya siyang ngumiti. "Ay, sos… sagot kita mamaya." Hinawakan ko ang kamay ni Edward at lumapit kami sa counter. "Tapos na ba ang taping ninyo?" Masiglang tanong ng binata ngunit kitang-kita ko pa rin ang

