Chapter 28 Sobrang bilis ng mga oras na nagdaan. Hindi ko maikakaila na nagiging busy ako lately dahil sa shoot. At ngayon deserve na deserve kong magpahinga muna. "Sigurado ka ba Pet na di ka uuwi?" Tanong ko kay Peter. Sayang dahil wala siya. "Naka-leave ang isanf worker ng boutique ate. Kailangan kong manatili dahil walang agapay sa isa." "Sad naman, pero one week naman kaming nandoon sa Bohol kaya puwede ka pang humabol." Kahit two days lang siya sa probinsya okey na 'yon. "Iyon ang susubukan ko ate, anyway nandoon naman si Daddy para i-assist si Kuya Edward para sa commercial." "Hindi na ba kita mapipilit?" "Hinding-hindi na ate. Final na." Natatawa niyang ngiti. "Haist,pano,mag-ingat ka dito ha. Bawal babae sa condo." Bilin ko rito. "Ate naman," sumimangot ang mokong. "Sige

