Kinabukasan ay pinasyalan ni Archer ang kaniyang ina sa ospital kasama ang amang si Ramon. Hinayaan muna niyang mag-usap ng masinsinan ang kaniyang ina at ama. Nag ikot-ikot muna siya sa loob ng building. Malaking ospital ito at makabago ang mga pasilidad nila rito. May tatlong matataas na building na iba't-ibang kaso ng sakit ang ginagamot. Sa pinakaunang building naka-confine si Aling Sonia. Makalipas ang halos bente minutos ay naisipan ng bumalik ni Archer sa loob ng private room ng kaniyang ina. Nadatnan niyang masayang nagkukwentuhan ang kaniyang mga magulang. "Ipinaalam ko na sa Inay mo ang plano kong pag-aralin ka sa America ng kolehiyo," bungad na sabi ni Ramon kay Archer. Nabigla ang binata, wala naman kasing nabanggit sa kaniya ang kaniyang ama tungkol doon. "Bakit sa iban

