Kalalabas lang ng conference room ni Archer nang makatanggap siya ng tawag mula kay Vhia. "Hello!" sabi niya nang maitapat ang cellphone sa kaniyang tenga. Nangunot ang noo niya, wala kasi siyang naririnig kung hindi ang paghikbi ng nasa kabilang linya. "Hey, Vhia, what's wrong?" takang tanong niya. "Please, come here, I need you!" sabi ni Vhia sa pagitan ng paghikbi. "I'm sorry, Vhia, hindi ako puwedeng pumunta d'yan ngayon marami pa akong trabaho na kailangang asikasuhin." "You can say no to me. I'll wait for you here. I want you here, Archer please!" Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Archer. "Okay fine. I'll go and visit you after my work," napipilitang sabi niya. Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak. Wala na dapat siyang pakialam dito dahil tinapos na niya ang laha

