"Sigurado ka bang gusto mong maging muse ng team namin?" naniniguradong tanong ni Archer kay Tiffa. Alas kuwatro nang hapon ang opening ng liga. May parade pa kasi sa court at program, may contest din para sa best muse. "Oo bakit, ayaw mo ba akong sumali kasi gusto mong si Myrna ang maging muse ninyo?" tanong ni Tiffa, nakapamewang ito at nakataas pa ang isang kilay. Nakabihis na si Archer suot nito ang dating jersey na ginamit din nila sa liga noong nakaraang taon. Dahil pahabol na nga lang siya ay hindi na siya nakapagpagawa ng bago. Pumayag naman ang commitee ng basketball na iyon ang isuot niya. Kahit naman dati pa ang uniporme ay bago pa rin ito. Ilang beses lang din naman niyang naisuot at maingat na itinago ni Aling Sonia sa taguan. Bumuntong hininga ng malalim si Archer, umupo i

