Nagpahinga muna nang dalawang araw si Tiffa bago bumalik sa dati niyang buhay. Ang unang schedule niya ngayong araw ay puntahan si Marky sa botique nito, may bago itong gawang damit at gustong ipasukat kay Tiffa. "Ang tagal mong nawala, dear. Medyo umitim ka, nag-beach ka ba?" tanong ni Marky. Sinusukat niya ang long gown na isa sa mga ipe-present nito para sa fashion week. "Oo, nagbakasyon muna ako sa probinsiya para makapag-relax," tugon niya. Tiningnan siya ng makahulugan ni Marky. "Alam mo, dear, may napapansin ako sa 'yo, parang blooming ka. Iba ang glow mo today. Ang ganda ng awra mo. Huhulaan ko, in love ka noh?" may panunudyong tanong nito. Ngumiti si Tiffa sabay tango. Hindi niya alam kung bakit nakuha niyang umamin kay Marky. Hindi kaya dahil hindi naman na niya maitat

