Nang araw na iyon ay hindi umuwi si Tiffa sa kanilang bahay, sa condo ni Liby siya nakitulog. Hindi pa niya handang harapin si Archer. Natatakot siya sa galit nito. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin dito, aminado siya sa pagkakamali niya at natatakot siyang hindi na siya patawarin nito. Kinaumagahan ay umuwi na rin siya. "Are you sure kaya mong mag-drive pauwi? Pwede kong ipahiram muna sa iyo ang driver ko," sabi ni Liby nang inihatid siya nito sa lobby. "Okay na 'ko, kaya kong mag-drive, huwag kang mag-aalala," sabi niya. "Salamat, Liby." Yumakap muna siya sa kaibigan at pagkatapos ay bumitaw rin agad. Ngumiti naman si Liby. "Sana magkabati na kayo ni Archer," sabi nito. "Sana nga," umaasang sabi niya. Matapos magpaalam sa isa't -isa ay umalis na si Tiffa. Ngayon ay

