Problemado si Archer. Ilang araw na ring naka-confine sa ospital sa bayan ang kaniyang ina at sa araw-araw na lumilipas ay lalong nadadagdagan ang bayarin nila sa ospital. Hindi niya alam kung saan siya makakahanap ng mapagkakakitaan para mapangtustos niya na panggastos sa mga gamot at bayarin ng kaniyang ina. Mabuti na lang at responsable ang mga kapatid niya at sila na ang nag-aasikaso ng kanilang mga sarili, pati na ang kanilang mga pagkain para makapasok sa eskuwelahan dahil hindi na sila magawang asikasuhin ni Archer. Siya lang kasi ang nagbabantay sa kaniyang ina sa ospital. Kapag may lalakarinn naman siya ay mabuti na lang at napapakiusapan niya ang kapatid at ina ni Binggo na bantayan muna ang kaniyang ina, malayo rin kasi ang bayan sa kanila. "Nay, uuwi muna ako para tingnan ang

