Maaga pa lang ay nasa harap na ng buliding ng FGoC (Frio Group of Companies) si Archer. Halos tatlong oras na siyang nakatayo malapit sa entrance door. Alas nuebe nang umaga ng mga sandaling iyon. Kasalukuyan pa lang pumapasok ang mga empleyado. Nakakaramdam na siya ng gutom ngunit hindi niya magawang umalis sa kaniyang puwesto. Paghinto sa terminal ng sinakyan niyang bus galing sa Santa Catalina ay bumiyahe agad siya papunta sa kompanya ni Ramon Frio. Nagbabakasakali siya na makita niya ang kaniyang tunay na ama. Nakita na niya ang halos lahat ng tao na labas pasok sa mataas na building na iyon ngunit ni isa sa mga iyon ay wala ang kaniyang ama. Nakiusap siya sa guwardiya na papasukin siya ngunit hindi siya pinayagan nito. Kailangan daw may appointment siya bago makausap si Ramon Frio.

