Hindi na pinatagal pa ni Archer ang sitwasyon, humanap siya ng magandang pagkakataon para makausap ng masinsinan si Vhia. "Love, this a surprise! I thought you were busy." Hindi pa man nakakapasok sa loob ng apartment ni Vhia si Archer ay umangkla na agad ang dalaga sa batok niya. Ginawaran siya nito ng mainit na halik sa labi na hindi naman naiwasan ni Archer. Kinalas niya ang kamay ng dalaga at bahagyang itinulak ito para magkaroon ng puwang sa pagitan nila. Ipinagtaka naman nito ang ikinikilos niyang iyon. "Hey, what's wrong? Why are you acting so strange today?" naguguluhang tanong ng dalaga. "We need to talk." Seryoso ang mukha niya at walang kangiti-ngiti kaya lalong nagpadagdag iyon sa pagtataka ni Vhia. Nauna na siyang pumasok sa loob ng apartment ni Vhia at sumunod naman a

