bc

TAKE ME AWAY

book_age16+
7
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
others
kidnap
playboy
arrogant
dominant
badgirl
office/work place
secrets
like
intro-logo
Blurb

Atticus Miller.

He's a successful businessman. The CEO of a well-known company in the Philippines. He's a flirt, a playboy, a womanizer. All terms you can use to describe him in terms of women. But when it comes to business, he's very serious and strict. Pinaka matagal na siguro ang isang linggong secretary ang tumanggal sa kaniya.

He believes that flirting inside the office is a sin. Not until he met Elowen Affiya Silvatore, applying as a janitress in his company.

She has these very attractive hazel eyes. A rosy-red pouting lips. And a long emerald green hair that reaches up to her waist. She's almost perfect but little did he know she's a thief and has a son.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Magnanakaw! Tulong!"  Tumakbo ako ng mabilis. Nakita kong hinahabol ako ng isang tanod nang lumingon ako kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo. May ilan akong nabubunggo pero wala akong pake. Kailangan kong maitakbo ito.  Pagkarating ko sa kanto ng iskinita at mabilis kong ipinasa sa kasamahan ko ang bag na ninakaw. Partner kasi kami sa pagnanakaw. Lumingon muli ako sa likuran at nakitang hindi na naka sunod sa akin ang tanod.  Unti unti kong binagalan ang pagtakbo hanggang sa normal na naglalakad na lang ako. Hinubad ko ang jacket ko at inilagay ito sa bewang. Nakita ko naman ang partner ko na si Ron na naghihintay sa akin sa kanto habang nakangiti. "Galing ah! Bilis mo talagang tumakbo. Siguradong tataasan ni Boss ang sahod natin ngayon." sabi nito ng makalapit ako sa kaniya. Sabay na kaming naglalakad ngayon papunta sa bakanteng lote. Lugar kung saan kami hihintayin ng boss namin.  "Asa ka pa. Alam mo naman swapang yung hayop na yon." ani ko sa kaniya.  10 year old pa lang ako noong mamatay ang magulang ko. Namatay sa sakit na cancer si mama, si papa naman ay nakulong dahil sa pagnanakaw. Pero namatay din dahil biglang inatake sa puso. Kinupkop naman ako ng kapatid ni papa pero ako ang kusang umalis. Hindi ko kaya ang pang-aalipin nila sa akin.  Nagpagala-gala ako sa kalsada noon. Nanlilimos. Hanggang sa may isang lalaki ang lumapit sakin. Sabi niya kakain daw kami sa masarap na fast food basta daw sasama ako sa kaniya. At dahil bata pa ako noon at walang kaalam alam sa mundo, sumama ako sa kaniya. Kumain naman kami sa labas pero nang dinala niya ako sa isang lumang building, nagulat ako sa nakita ko. Maraming bata din doon. Siguro 10 years old ang pinakabata sa kanila.  Isa si Ron sa mga batang nandoon kaya ko siya nakilala. Naging close kami dahil siya ang unang lumapit sakin. Tinuruan kaming magnakaw at lumaban ng lalaking nagdala sa akin, na tinatawag nilang boss. Nung una ay takot pa ako, pero nasanay na rin dahil kailangan kong mabuhay. Hindi ko na rin sinubukan tumakas. Saksi ako sa mga namatay na miyembro namin na sumubok tumiwalag o tumakas sa grupo namin. Ngayong 23 na ako, may plano na ako kung paano makakatakas na maruming trabahong ito.  "O, andiyan na pala ang paborito kong alaga." salubong sakin ng boss ko ng makarating kmai sa lumang building. Hilaw na ngumiti ako sa kaniya at inabot ang bag na ninakaw ko. "Napaka galing mo talaga. Kaya ikaw ang paborito ko eh! Lahat ng utos ko nagagawa mo ng mabuti at kahit kailangan hindi mo pa ako nabibigo." tuwang sabi nito habang pinupuri ako. Sige lang magsaya ka lang ngayon, tanda. Kailangan kong makuha ang tiwala mo, saka ko gagawin ang mga plano ko. "Boss, baka naman pwede mong dagdagan sweldo namin." pang-uuto ni Ron kay boss. "Ayan, dyan ka magaling! Gumaya ka kasi kay Elowen. Pero sige, dadagdagan ko." inabot niya sa amin ang sobrang puti na naglalaman ng pera. "Yown, salamat boss." tuwang sabi niya. Saka nakipag-apir sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at binalik ang tingin kay boss ng magsalita ito. "Bibigyan ko kayo ng isang linggong pahinga. Hintayin niyo na lang ang susunod na misyon niyong dalawa." ani nito. Tumango naman kami at nagpasalamat. "Maaari na kayong umalis." Lumabas na kami ng gusali para umuwi. Malapit na magdilim, tiyak na hinihintay na ako ni Storm. "Ron, una na ako ha! Magkita na lang tayo sa susunod na linggo. Kailangan ko nang umuwi." pagpapaalam ko. Tumango naman siya bilang sagot kaya tumakbo na ako. Nang mapadaan naman ako sa Jollibee, nagtake out ako ng pagkain. Siguradong matutuwa si Storm dito. Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa bahay. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong naglalaro mag-isa si Storm. Hawak hawak nito ang bangkang papel at ang maliit na tau-tauhan.  "Storm! Andito na si Mama!" nakangiting sigaw ko. Napabaling ng tingin ito sa akin at agad lumapad ang ngitin sa mukha. Tumakbo ito palapit sa akin at agad yumakap sa binti ko. "Jabee po ba yan, mama?" excited na tanong nito.  "Yes, kaya ligpitin mo na ang mga laruan mo para makakain ka na ng hapunan." utos ko. Agad naman siyang lumayo sa akin at iniligpit ang kaniyang laruan. Inilapag ko sa lamesa ang plastic na bitbit ko at inilabas ang pagkain. Dali dali naman umupo si Storm at sinimulan kumain. Kitang kita mo sa mata niya ang sobrang kasiyahan habang kumain. "Dyan ka muna ah, maliligo lang si mama saglit."  "Di ka po kakain, mama?" inosenteng tanong niya.  "Busog pa si mama, nilibre ako ng boss ko kanina." pagsisinungaling ko rito at pumasok na sa banyo.  Sorry anak, nagsisinungaling si mama sa iyo. Sapat na sakin na makita kang masaya kahit sa simpleng bagay lang.  Napabuntong hininga na lang ako at tinapos na ang paliligo. Nagsuot ako ng simpleng sando at short habang nakabalot ng tuwalya ang mahaba kong buhok. Lumabas na ako ng banyo at naabutan ang si Storm na bumalik sa paglalaro. Niligpit ko na ang kaniyang pinagkainan at umupo sa tabi niya. "Mama gusto mo po maglaro?" nakanguso niyang sabi sa akin.  "Sure!" "Yeheyyy!" tuwang sigaw niya. Inabot niya sa akin ang papel dalawang papel para gumawa ng bagong bangka na laruan. Kinulayan niya ng asul ang kaniya at ako naman ay kulay pula.  Ang paglalaro namin ng bangkang papel ay nauwi sa kilitian.  "Mama tama na po hahahaha, mamaaaa" nakikiliting pagpipigil niya sakin habang nakahiga na sa sahig.  "Ano? Hindi ko marinig?" pag bibingi bingihan ko saka ipinagpatuloy pa ang pagkiliti sa kaniya.  Maya maya pa ay itinigil ko na rin. Mag aalas dyes na pala ng gabi. "Mag toothbrush ka na, nak. Oras na ng pagtulog." sabi ko rito. Tumayo siya at pumunta ng kusina kaya naman iniligpit ko na ang mga laruan. Inilatag ko na ang manipis na kama sa sahig at inilagay ang mga unan.  Nirerentahan lang namin ang maliit na bahay na ito. Luma na kaya may butas butas na ang bubong. Buti na lang at hindi naulan ngayon kaya makakatulog kami ng maayos.  Tumabi sa akin si Storm pagtapos niyang magtooth brush. "Start ka na magpray bago matulog." sabi ko sa kaniya. Pinagsalikop niya ang kaniyang kamay at pumikit. "Lord, sana po lagi kaming ganito ni mama. Lagi pong masaya lang. Okay lang po na wala akong kaibigan basta kasama ko po si mama. Wag niyo po siya pababayaan ah. Tsaka sana po laging may uwi na jabee si mama." humagikgik naman ito at tinapos na ang pagdadasal. Nahiga na kami at agad siyang yumakap sakin. "I love you mama" sabi niya habang nakapikit. " I love you too Storm." hinalikan ko siya sa noo at nagsimulang kumanta ng mahina upang makatulog siya agad. Nang lumalim na ang kaniyang paghinga, tanda ng malalim na tulog ay dahan dahan kong kinalas ang pagkakayakap niya sa akin. Tumayo ako at pumunta sa lababo upang ipagpatuloy ang naiwang hugasin. Pagtapos non ay nagsipilyo na rin ako. Kinuha ko ang wallet na nakatago sa ilalim ng lamesa at inilapag ito sa aking harapan. Dito ko inilalagay ang iniipon kong pera na gagamitin ko para makapag simula ulit kami. Halos isang taong ko na pinaplanong umalis sa ganitong trabaho. Hindi ko na kayang tiisin. Sobrang nakokonsensya na ako sa mga taong ninanakawan ko. At natatakot akong malaman ni Storm na ganito ang trabaho ko.  Pagtapos kong mabilang ang laman nito ay sinunod ko naman bilangin ay sweldo ko kanina. Hinati ko naman ito sa panggastos namin ng isang linggo at ang sumobra ay isinama ko sa perang iniipon ko. Isang trabaho na lang. Isang pagnanakaw na lang ang titiisin ko. Pagtapos non ay aalis na kami sa lugar na ito. Siguro naman sapat na ang ipon ko para makapag simula na kami at maipasok ko na sa paaralan si Storm. Limang taon na siya kaya pwede na siyang magsimulang mag-aral. Napatingin ako sa kaniya na mahimbing na natutulog. Sobrang swerte ko na dumating siya sa buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako sumusuko sa buhay. Siya ang nagiging pahinga ko. Siya ang liwanag sa madilim kong mundo.  Pangako ko na bibiyan kita ng magandang buhay. Konting tiis lang muna. Gagawin ni mama ang lahat para sayo. Pinapangako ko na hindi mo mararansan ang hirap na nasaranasan ko. Kahit na alam kong minsan ay naghahanap ka ng kalinga ng isang ama, ipaparamdam ko sayo ng buong buo ang pagmamahal na kailangan mo. Hindi ko namalayan na may luha na palang naglaglag sa pisngi ko. Agad ko itong pinunasan at tumabi na sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit saka pumikit. Ilang sandali pa ay niyakap na ako ng antok. Nagising ako ng maramdaman kong may tumutusok tusok sa pisngi ko. Pagmulat ng mata ko, nakita ko si Storm na humahagikgik sa aking tabi. "Bakit ang saya ng baby ko?" malambing na sabi ko. Sumenyas ako na humiga sa tabi ko at umunan sa aking braso na siya namang sinunod niya.  "Kasi mama nandito ka pag gising ko. Kapag gumigising po kasi ako, laging si Aling Rita ang nakikita ko po." sabi niya sa malungkot na boses. "Wala ka pong work, mama?" "Walang work ang mama, isang linggo tayong magkasama." masayang sabi ko at pinisil ang ilong niya. "Yeheyyy! Laro po tayo mama ah! Tsaka pasyal po tayo dun sa park, pwede po ba mama?" sabi nito at pinaawa ang mukha. Pinang gigilan ko naman ang kaniyang matatabang pisngi.  Napaka cute talaga ng batang ito. "Syempre naman, babawi ako sa baby ko ngayon." ani ko. "Anong gusto mong almusal?" tanong ko rito.  Gustong gusto niyang ako ang naghahain ng pagkain, lalo na kapag magkasabay din kami. Sobrang babaw ng kaligayahan niya. Siguro bigyan mo lang yan kahit tig pipisong kendi ay sobra na ang tuwa niyan. Tumayo ito sa pagkakahiga at tumalon talon sa kutson. "Tustadong pandesal po at may palaman na itlog, mama! Tapos malamig na gatas!" masayang sabi niya. Inabot ko ang kamay ko sa kaniya para hilahin ako at makabangon. Pagkatayo ko ay bigla ko siyang binuhat at pinang gigilan ang leeg kaya tumawa ito ng tumawa sa sobrang kiliti. "HAHAHAHAH tama na po, mamaaa!" aniya habang sinusubukang umiwas sa akin. Tumigil na ako saka siya binaba sa pagkakakarga. "Diyan ka na muna ha! Bibili lang si mama ng almusal." bilin ko sa kniya. Tumango tango siya bilang sagot. Nagpalit ako saglit ng damit at lumabas na.  Ilang minuto pa ay naka balik na ako sa bahay namin. Inihanda ko na agad ang pagkain sa lamesa para maka kain na kami at masimulan ang gagawin sa buong araw. "Nak gusto mo ba nun?" turo ko sa nagbebenta ng cotton candy. Kanina ko pa kasi napapansin na tingin siya ng tingin sa mga batang may hawak nun. Hindi kasi siya yung tipo na magpapabili ng gusto niya. Kahit bata pa lang siya, alam na niyang magtipid sa pera. Kung hindi kailangan ay hindi siya nagpapabili. Lumiwanag ang mukha nito at tumango sa akin. Hinila na niya ako papunta sa matandang nagbebenta. Itinuro naman niya ang gusto niyang kulay saka ko inabot ang sampung piso sa tindero.  "Thank you mama! I love you po!" masayang sabi nito at yumakap sa hita ko.  "I love you din. Magsabi ka lang sa akin kung may gusto kang bilhin ha!" ginulo ko naman ang kaniyang buhok.  "Opo, mama!" bigla itong tumakbo papuntang swing at naupo. Itinaas nito ang kaniyang kamay at sumenyas para lumapit ako. Tinungo ko ang kaniyang lugar at sinimulan ng itulak ang swing... "Mama balik po tayo ulit doon ahh! Tapos bili po ulit sayo nung parang bulak po na blue." tukoy niya sa cotton candy na binili namin kanina.  "Ofcourse baby. Basta para sayo" ngumiti ako sa kaniya at ginulo ang kaniyang buhok. "O sige na magpalit ka na ng damit." Tumakbo na ito sa kaniyang drawer at kumuha ng damit.  Inilatag ko na ang aming hihigaan mamaya. Pagtapos ay pumasok na ako sa banyo para magpalit din ng damit at mag sipilyo. "Goodnight po, mama." sabi niya ng tumabi ako sa kaniya sa pagkakahiga.  "Goodnight din. Love you!" sabi ko at niyakap siya. Yumakap din ito pabalik. Maya maya pa ay pareho na kaming nakatulog ng mahimbing......

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook