bc

My Possessive Gay Ex-Husband

book_age18+
1.9K
FOLLOW
13.0K
READ
possessive
sex
pregnant
kickass heroine
doctor
sweet
bisexual
soldier
first love
secrets
like
intro-logo
Blurb

Gabrielle Skylar Subido is a General's daughter. She had a good life while growing up, being an only child made her the sole heiress to her family's fortune.

Happy family, great friends and a life everyone is envy about, they thought she had it all but there's something missing in her life...

The man who she fell in love with at first sight, but to her dismay, he who captured her picky heart isn't interested with women but with MEN!

Forsythe Conan Aragon, son of a retired Soldier General. Eversince he was a kid his father is aware of his preference but he still insisted that he'd become a soldier too even if he wanted to be a Fashion Designer before.

What he hates the most is that girl who keeps following him everywhere he went, the daughter of his parent's friends became his stalker! What's worse is their parents is persistent on their arranged marriage!

He's getting married with his boyfriend Clarence but destiny plays a funny game when Gabrielle was also there when he and his friend Dane celebrates his engagement, he got drunk and he was surprised in the morning that Gabrielle is laying naked beside him.

One night of craziness resulted into one hell of a roller coaster ride. One night changes everything he believes he knows, one night that makes him question his sexuality.

Can he live with the woman who he swears, never to taste?

"Stay away from me Gabrielle... You're a poison!"

"Correction Forth I'm not a poison 'cause I'm the antidote, willing to be your cure forever..."

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 A MEMORY OF YOU
GABRIELLE "Mommy!" Napalingon ako sa matinis na pagtawag sa akin ng tatlong taon ko'ng anak na si Fiorella Scythe Subido. "Fiory don't run!" dinig kong sigaw ng lalaking kabisado ko na ang tinig. Hingal na humahabol sa apo niya ang ama kong ngayon ay dinidilaan pa ni Fiorella at inaasar habang tumatakbo palapit sa'kin. "Lolodad habulin mo po ako!” patuloy na sigaw nito at muling dumila sa kaniyang lolo. “Mommy!" tumitili niyang tawag sa akin saka muling nagpahabol kay papa. Nang makalapit si Fiory sa'kin ay tumalon agad siya sa mga braso kong naghihintay. "Mommy I missed you..." nakapatong ang ulo niya sa balikat ko habang yakap ako ng mahigpit. 'It's been a year since I last hugged her like this...' "I missed you too my baby, I missed you so much…” bulong ko habang pinaghahalikan siya sa buong mukha niya. Naramdaman ko na lang ang pamamasa sa balikat ko saka marahang inilayo ang mukha ni Fiory at nakita ang mumunting luhang pumapatak sa kaniyang mamula-mulang pisngi. "Hey baby, why are you crying? Don't be sad, Mommy is here oh,” pang-aalo ko sa kaniya. Ngumiti ako at muli siyang niyakap. Tahimik lang siyang sumiksik sa leeg ko at patuloy na umiyak. Nagsimula ring mag-init ang magkabilang gilid ng mga mata ko dala ng matinding pangungulila sa aking anak. "Gabby..." agaw-pansin ng seryosong tinig na madalas kong marinig noong bata ako tuwing gumagawa ako ng kalokohan. Nang mag-angat ako ng tingin ay nabungaran ko ang aking papa na seryoso ang mukha. Ngumiti ako ng malapad at hindi inintindi ang pagtatampong nababasa ko sa kaniyang mga mata. "Pa!" I said while smiling brilliantly and salute him which made him laugh, he held my hand and kissed it like I was still his little Gabby. My father, Ret. General Galileo Subido is a former Admiral of the Philippine Navy. He retired a few years ago due to my mom’s request, now he holds the biggest share in my mother's company and manage it alongside her. If he is the most feared General in the navy, well, at home he feared my mom above anyone else. "Kanina ka pa hinihintay niyang anak mo. Tara na at paniguradong excited na rin ang mama mo na makita ka," nakangiti niyang turan saka hinagod ng marahan ang buhok ko. Inilapag ko si Fiory at niyakap siya, “Thank you for taking care of Fiory for me Pa. I know I'm not the perfect daughter but you still accept and love me, so thank you so much," madamdamin kong saad. He chuckled, "You are our only daughter Gabby kaya lahat gagawin namin ng mama mo mapabuti ka lang. Lahat tatanggapin namin dahil kahit bali-baliktarin man ang mundo, tayo pa rin ang magtutulungan sa huli," Papa uttered while stroking my hair. "Thank you Pa..." hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kaniya. I missed my Dad so much, wala man siya sa mga naging laban ko sa ibang bansa ngunit sa laban ko sa buhay ay hindi siya nawala, silang dalawa ng mama. "Tama na ang drama at naghihintay na ang mama mo baka mainip pa 'yon at ipaligpit nanaman ang hapag," natawa kaming dalawa sa huling tinuran niya. Naglakad na kami patungo sa main entrance ng mansyon habang hawak ko ang kamay ni Fiory na paulit-ulit na kinakanta na 'Mommy is home!' Bago kami makalapit sa pinto ay nakita ko ang pigura ng aking ina habang nakasuot ng puting dress na yumayakap sa kurba nito, “Gabby anak!" sigaw ni Mama mula sa puno ng hagdan. Patakbo siyang lumapit sa amin at napatigil naman ako saka binitawan ang duffel bag na dala ko at tinakbo ang maliit na distansya namin. Nang magkalapit kami ay agad niya akong ikinulonh sa mahigpit na yakap. I felt home when I smelled her sweet scent, I surely missed my mom. "Ma..." nasabi ko habang dinadama ang mahigpit na yakap ng mama. "Thank God you came back in one piece! Hindi mo alam kung paano ako gabi-gabing nagdadasal na maging ligtas ka. Kahit pa hindi ka sumasabak sa giyera, aba iba pa din yung kasama ka na gumagamot sa mga kasamahan mo do'n! Promise me this will be your last mission Gabrielle!" istrikto niyang pangangaral sa akin na ikinangiti ko. My mother, Sienna Manriquez-Subido is an Emergency Medicine Specialist. She is also the CEO of Manriquez Medical na pag-aari ng pamilya nila. Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid at ang dalawang nakatatandang kapatid niya ay may sari-sarili ring kumpanya kaya sa kaniya naiwan ang kumpanya nilang nagmamay-ari ng ilang ospital at mga klinika sa Maynila at Cebu. Noon pa man ay ayaw na talaga ng mama na mag sundalo ako dahil ako lang ang nag-iisang magmamana ng Manriquez Medical Group, isa rin akong EMS ngunit ginamit ko ito nang pumasok ako sa US Navy. "Sienna ligtas naman ang anak mo ‘di ba? Huwag mo na siyang-" pagsali ni Papa sa usapan ngunit agad ding napatikom ang bibig niya nang tapunan siya ng nakamamatay na tingin ni mama. "Isa ka pa Galileo! Kasalanan mo kung bakit naging ganyan katigas ang ulo ng anak mo! Manang-mana sa'yo!" sansala ni Mama sa paliwanag ni Papa. "Oh bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?" kunwaring nasasaktan na wika ni Papa habang nakaturo sa sarili. Natawa ako sa batuhan nila ng linya ng Mama, pakiwari mo ay nanonood ako ngayon ng telenobela at sila ang bida. "Ewan ko sa'yo! Kasalanan ninyong dalawa ni Forrest kung bakit pinilit ng nag-iisang anak ko'ng babae na magsundalo sa Amerika at iwan ang apo ko!" galit pa din na wika ni Mama. "Sienna..." hahawakan sana ni Papa si Mama nang umiwas ito at iningusan lang si Papa. Nakarinig kami ng hagikgik at nalipat ang tingin namin kay Fiory. Napangiti ako ng malungkot habang tinititigan ang anak ko, tuwing ngumingiti siya ay mas lalo ko lang naaalala ang tatay niya. Halos wala siyang nakuha sa akin, isang tingin mo pa lang ay alam mo agad na isa siyang Aragon dahil sa malalalim na biloy niya sa magkabilang pisngi. Pinigilan kong mangilid ang luha sa mga mata ko kaya tumingin ulit ako kay Mama, mas okay sa'kin na matakot sa galit niya kesa maalala ang lalaking sumira sa paniniwala ko sa pag-ibig. "You’re so funny lolodad! You’re making lolamom angry…” natatawang wika ni Fiory habang nakahawak sa kamay ni Mama. "Oh pati ba naman ikaw Fiory eh sisisihin ako?" kunwaring nasasaktang turan ni Papa. "Oh eh bakit, totoo namang ikaw at 'yang kaibigan mong gunggong ang dahilan ng lahat ng kasawian nitong anak ko! Mabuti na lang at maganda ang apo ko at mabait, hindi mana sa tatay niyang-" tuloy tuloy na saad ni Mama kaya naman agad ko na siyang pinutol upang hindi na marinig pa ni Fiory ang sasabihin niya. "Mama..." I made my face straight and serious para hindi na humaba pa ang usapan. Inirapan kami ni Mama at masungit na nagsalita, "Tara na at kakain na tayo. Ipinaluto ko lahat ng paborito mo kaya dumiretso na tayo sa komedor, come here Fiory I made your favorite Pastel!" nang tawagin ang anak ko ay lumambing ang boses ni Mama. Nagkatinginan kami ng papa at natatawang napailing sa pagiging bipolar ni mama. Nang makalayo sina Fiory at mama ay inakbayan ako ng papa habang tinatapik ang balikat ko, may lambong ang mga mata nito kahit na nakangiti ito, “I know it's my fault anak, I'm sorry Gabby... I just want to make you happy. I know Forsy-" "Pa it's okay. I'm fine and I've moved on. Kayo ni Mama at si Fiory na lang ang mahalaga sa'kin ngayon. Masaya na ako can't you see?" putol ko sa sasabihin niya pa at ngumiti ng matamis kahit parang binabayo ngayon ang puso ko. Nakakaintinding tumango ito ngunit alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi at ipinapakita ko. Inalalayan ako ni Papa papasok, nang madaan kami sa sala ay nakita ko agad ang dalawang malaking wedding pictures na nakasabit sa dingding paakyat ng grand staircase. Ang unang wedding picture ay sa mga magulang ko, makikita mong pareho silang masaya at nagmamahalan. They've been married for 27 years already but their love and admiration for each other is still like the first time they met. They bicker all the time, but they still kiss and make up at the end of the day. I envy my parent's relationship, I did hope that I'll experience that kind of love before… but sadly destiny has a funny way of telling me that not all Gabby wants, Gabby gets. When my eyes brush past the second wedding picture my heart felt like it’s being torn into shreds. The familiar ache is still there. I smiled bitterly. I looked at myself three years ago. That foolish and naive girl who used to be sweet and bubbly looking at the man she thought will be with her 'til her hair turns gray and old. That girl who adores the man in uniform same as her dad, that girl who accepts him and loves him blindly even though she knew what he was. Mag aapat na taon na akong nagpapanggap... kaya dapat ngayon sanay na akong ipakita na ayos lang ako. Na hindi na ako naaapektuhan ng mga tingin ng lalaking ito… Napansin marahil ng Papa ang tinging ipinukol ko sa mga larawan kaya bigla ay nataranta siya, "Oh sh*t Gabby I'm sorry! Ipinapababa ko na yan kay Lando kanina para bago ka sana dumating. Lando!" tarantang pagtawag ni Papa sa aming kasambahay at kanyang personal driver. "It's okay Pa una na po ako sa dining sunod ka po..." tumango lang si Papa at nakita ko ang distress sa mga mata niya. He saw how devastated I was when my husband left me to be with the person he really loves. He saw how I cried and got depressed for months before we learned about my pregnancy. "General bakit po?" narinig kong tanong ng humahangos na si kuya Lando, katiwala ng mga magulang ko at matagal nang nagtatrabaho sa aming pamilya. "Pakibaba na ang litratong ito, pakitago na rin sa bodega please," mabilis na utos ni Papa na agad sinunod ni kuya Lando. "Yes sir!" sumaludo pa ito kay papa bago umakyat ng hagdan at ibinaba ang wedding picture. Sumulyap pa akong muli sa wedding picture namin, the man of my dreams... The man with thick brows, deep-set chocolate colored eyes, and a boy-next-door hairstyle... The man I dreamed to spend the rest of my days with... The man I vowed to stay with even if he hates me to the core for imprisoning him to a life he doesn't want... The father of my child, Forsythe Conan Aragon... is a gay. He left me shattered, broken, and hurt while looking for his true love, his ex-boyfriend. I left with a promise to leave him alone, I left with a secret that is my daughter. 'You left me a memory of you Forth...'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook