CHAPTER 6 I'M SORRY MY PRINCESS

1621 Words
FORSYTHE Tinahak ko ang daan na ilang taon ko ring iniwasan. Pagpasok sa subdivision ay sinaluduhan ako ng pamilyar na guwardiya. Huminto ako sa tapat ng magarang mansyon ng mga Subido, the ever classy and elegant mansion of my former in-laws. May mataas na gate na napipinturahan ng puti at ginto. May malawak na lawn at namumungang fire trees na nakaplibot sa buong mansyon. May malawak din silang driveway at malaking white marble fountain na may sirena sa gitna na parang nagtatampisaw. Napakunot ang noo ko nang makitang may maliit na playground na para sa bata malapit sa kanilang pond. It didn't mar the mansion's grandiose, it even made the place homey. The Subido's mansion will never cease to amaze me. Malayo ang tinatahak ng isip ko ngunit naagaw iyon ng batang tumatakbo habang hinahabol ang paru-paro, malakas itong tumatawa habang nagpapahabol sa nanny nito. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapakinggan ang masiglang tawa niya. Sumilip ako lalo at nakitang nakasuot siya ng pink cami top na may nakaprint na 'My Princess' at tinernuhan din ng pink camoflauge pants. Nakatali ang kalahati ng buhok nito na kulay brown habang kulot ang dulo. Ito na yata ang anak ni Gabby, malakas ang kabog ng dibdib ko habang lihim na pinapanood ang bata. Pumasok ang nanny nito sa loob ng mansyon at binilinan ang bata na may kukunin lang sa loob, patuloy namang hinahabol ng batang babae ang mga paru-paro. Umaalingawngaw ang matinis nitong pagtawa, hindi ko namalayan na parang timang ako na napapangiti sa panonood sa kanya. Para siyang maliit na version ni Gabby, cheerful, giddy, and adorable. Napaisip naman ako habang malakas ang kabog ng dibdib ko, 'Ano kaya kung hindi kami naghiwalay? May ganito na rin siguro kami kalaking anak...' 'Ay beks ano bigla kang nagkaroon ng mid-life crisis? Eh kasalanan mo yan eh, palay na ang lumapit pero hindi mo pinansin! Isinuka mo at pilit kang humanap ng ibang palay na tutukain!' muling pagsawata ng isip ko sa akin. Hinihintay kong humarap ang bata para makita ko kung kamukha ba ni Gabby ito, gusto ko lang masilip ito bago ko tawagan sina Mommy at Daddy para sabihing nandito na ako sa labas. Tumakbo ang bata palapit sa direksyon ng gate at halos mabuwal ako nang makita ang itsura nito. Para akong napako sa kinatatayuan at hindi makagalaw. Mas bumilis ang t***k ng puso ko at nahihirapan akong huminga. Totoo ba itong nakikita ko? "H-hindi... i-imposible... p-paanong-" napasabunot ako sa buhok ko at muling napatingin sa batang ngayon ay kitang kita ko na ang mukha. Natatakpan ako ng mayayabong na puno kaya hindi ako nakikita nito, pero siya ay kitang kita ko ang mukha. Her thick eyebrows is same with mine, chocolate eyes that looks exactly like my eyes. And her nose... d*mn she's my mini me! Pakiwari ko ay nakikita ko ang sarili ko sa kaniya noong bata pa ako, para itong maliit na bersyon ko ngunit babae nga lamang. Ang bawat pagkiwal ng labi, ang mapupungay na kulay tsokolateng mga mata, at ang madalas na paglabi. Naramdaman ko na lang ang nag-uunahang paglalandas ng mga luha ko. 'Yung sakit ng puso ko habang pinagmamasdan siya ay mas masakit pa kesa noong bigla na lang nakipaghiwalay si Clarence at naglahong parang bula. Lahat ng sakit na naramdaman ko noon ay parang kagat lang ng langgam kumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang dinukot ang puso ko mula sa dibdib kaya hindi ako makahinga. The moment I laid my eyes on her, I knew instantly that she's mine. Anak namin siya ni Gabby... Anak na hindi ko alam na nag-eexist... Anak na napabayaan ko dahil sa makasarili kong damdamin, sa aking magulong isip. Huminga ako ng malalim at pinahiran ang mga luha ko. Alam kong bading na bading ako ngayon sa pag-iyak ko pero wala akong pakialam, ang mas mahalaga sa akin ay mayakap ko ang anak ko... namin ni Gabby. Tumikhim ako at tinanggal ang bara sa lalamunan ko, narinig siguro ng bata ang pagtikhim ko kaya sumilip siya sa labas ng gate. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo, wala akong nabakas na takot doon at curious itong lumapit pa lalo sa gate. Nasaan ba ang guard nila at hinahayaang walang bantay dito? Paano na lang kung hindi ako ang nandito at ibang tao? Eh di napahamak pa ang anak ko? Nasaan ba si Gabrielle at hinayaang naglalaro mag-isa ang anak namin? Napansin ko ang marahang paglakad ng bata, kahit naiiyak ay napangiti ako. Para siyang sundalo na handang umatake sa kalaban, "Boo!" subok na panggugulat ng bata sa akin, ako naman ay napahawak sa dibdib ko at umarteng nagulat. Bumungisngis ang bata at lumabas ang dalawang biloy sa magkabila niyang pisngi. 'Oh God she is indeed mine!' muli ay bumalong ang luha sa mga mata ko. Napansin niya marahil ang hindi maampat kong pagluha kaya lumapit siya lalo sa akin at inilabas ang isang kamay niya sa gate, iminumwestra niyang ilapit ko ang mukha ko sa kanya. Umupo ako upang magkapantay kami at inilapit ko sa kanya ang mukha ko. Nang maramdaman ko ang paghawak niya at pagpalis ng mga luha sa akin ay mas lalo lang akong naiyak, hindi ko na napigilan ang mapahikbi at bawat luhang pinapahid niya ay napapalitan lang din ng panibago. Hinawakan ko ang kamay niya at pinaghahalikan iyon. May kahabaan ang mga daliri at may katangkaran siya, how old is she now? With my calculation maybe she's already three. 'Oh heavens I don't deserve this! An asshole like me don't deserve this sweet baby.' "Why are you crying mister?" she asked me innocently while she bats her eyes. I almost chuckled, she got her mom's habit. "I'm just happy... w-what's your name?" I answered in a croaked voice, I kissed her small hands again. Ngumiti siya ng ubod tamis kaya bumilis nanaman ang t***k ng puso ko habang hinihintay ang sagot niya. "My name is Fiorella Scythe Subido..." para akong sinaksak ng icepick sa dibdib nang hindi niya dugtungan- "Aragon!" sa huli ay sigaw niya at muling ngumiti ng malapad. What a beautiful name, parang pangalan ko na ginawang pambabae. Sa nanginginig na kamay ay kinuha ko ang kuwintas na nasa bulsa ko, "I-I believe this is yours..." inabot ko sa kanya ang kuwintas at nakita ko ang pagliwanag niyon. "No po, that's my Mommy's necklace. Paano po napunta sa'yo?" kiming tanong nito. Ngumiti ako at hindi malaman ang isasagot. Tumango lamang ako at inipit sa kamay ang kuwintas, "H-how old are you?" tanong ko at lalong bumalong ang luha sa mga mata ko. Maging uhog ay gusto nang tumulo nang banggitin niya ang apelyido ko kanina. I'm still thankful that even though I left her, she still gave my name to our daughter. Ipinakita niya sa akin ang tatlong daliri niya at sinabing, "Three." Sa narinig ay parang gumuho ang mundo ko, saglit kong nasabunutan ang sarili ko at umiiyak na napatingin sa kanya, "I'm sorry my Princess... I'm so sorry baby..." inabot ko ang isa pang kamay niya at pinaghahalikan na iyon pareho. "M-Mister, I'm sorry but I can't talk to strangers-" sinusubukang umalis ng bata sa pagkakahawak ko nang biglang may dumating. "Fiory who are you talking to?" napatingin kami pareho sa nagsalita, "Forsythe..." yun lang ang nasabi ni Tita Sienna at pinaglipat-lipat ang tingin sa amin ni Fiory, parang hindi ito nagulat nang makita ako. "LolaMom is he my Dad? 'Di ba po Forsythe ang name ni Daddy? And kamukha niya po 'yung kasama ni Mommy sa malaking picture sa sala!" sa narinig na sinabi ng anak ko ay mas lalo akong napaiyak. Looks like they still have our wedding picture posted in here. Bumukas na ang tarangkahan nang may pindutin si Tita Sienna sa guard house at kahit hindi pa todo ang bukas ay agad akong sinugod ng yakap ni Fiory. 'Jeez I have a daughter and I didn't know!' "Daddy!" umiiyak na yumakap sa akin si Fiory. Niyakap ko din siya ng mahigpit, making up for all those years na hindi ko siya nahawakan, nakita, nayakap, o nahalikan man lang. "Where have you been Daddy? Fiory misses you so much," umiiyak na tanong ng aking anak na lalong nagpaguho ng mundo ko. "D-Daddy has been working anak... I'm sorry ngayon lang ako nakabalik. But I promise, hindi na ako mawawala sa tabi mo hmm?" pang-aalo ko sa kanya. Napansin ko ang pag-iyak ni Tita Sienna sa gilid, nginitian ko siya nang mabasa ko sa labi niya ang 'sorry' at nakakaunawang tumango. Alam ko at naiintindihan ko ang dahilan nila sa pagtatago sa akin ng anak ko, it happened in plain sight! Kung naging matigas lang ako sa paghahanap kay Gabby malamang ay noon ko pa nalaman ang tungkol kay Fiory. Kung ipinatawag ako rito, ibig sabihin ay alam ng pamilya ko ang tungkol sa anak ko? Bakit hindi man lang nila ako sinabihan? Gano'n ba kalaki ang galit nila sa akin? Alam din kaya ito ni kuya Foster? Maraming katanungan ang bumabagabag sa isip ko ngunit naramdaman ko'ng may nakatingin sa amin ngayon kaya napatingin ako sa balcony ng kuwarto ni Gabby. I'm a bit surprised to see her standing there motionless, her arms crossed and her face is blank and expressionless The woman who begged me to stay, whose heart I broke, who bore my child, is staring at me with lifeless eyes. Did I do that? She's still Gabby, but her aura seems different. I saw some scars on her body last night. What happened to her? Is it because of her job in the US? Habang hindi naghihiwalay ang mga mata namin ay parang nag-rewind ang lahat sa akin, unti-unting bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari sa amin noon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD