VIDEOCALL
"Hi!" Nagsimula ang istorya namin sa simpleng "Hi" lamang niya sa isang social media. Nireplyan ko naman siya hanggang sa umabot ng ilang araw ang pagpapalitan namin ng messages sa chat. Hanggang sa araw-araw na siyang nag gogoodmorning sa akin at araw-araw na niya akong chinachat. Naging magaan ang loob ko sa kanya kaya naging magkaibigan kami.
Lagi niya akong kinakantahan ng mga love songs, at worship songs, infareness maganda din naman ang boses niya. Nagsesend siya ng mga voice messages at voice records niya habang kumakanta siya at tumutugtog ng kanyang gitara. Marunong nga pala siya tumugtog ng gitara at isa yun sa mga gusto ko sa lalaki, hindi yung palagi nalang nag eML. Natutuwa naman ako sa kanya dahil entertaining siya, nakakatuwa siya. Pero bago tayo pumunta sa exciting part ay hayaan niyo muna akong magpakilala sa inyo.
Ako si Franchesca isang guro sa isang pampublikong paaralan sa aming bayan. Dalawampu't anim ang gulang at bunso sa apat na magkakapatid. At tanging ako nalang ang natitirang hindi pa nag-aasawa sa aming magkakapatid. Lahat ng kapatid ko ay nakapag-asawa na. Mabait ngunit suplada minsan, magalang sa mga nakakatanda, matalino at may takot sa Diyos, mapagmahal, yun nga lang laging sawi sa pag-ibig. Maganda naman ako, may medyo singkit na mata, sakto lang katawan, may hugis pusong mukha, mahaba ang unat at kayumangging buhok, medyo maputi, five flat nga lang. Ewan ko ba kung bakit noong nagsabog ng kagandahan ang Diyos ay gising na gising ako at nakasalo pa rin ako ngunit noong nagsabog na ng height ang Diyos ay tulog na tulog ako, mahimbing na mahimbing ang tulog ko. Pero hayaan niyo na. Ganyan talaga ang buhay. O siya, tama na ang pagpapakilala at simulan na natin ang istorya.
"Total ay matagal na din naman tayong nagchachat chat simula noong una natin chat. Isang buwan na diba? Matagal na tagal na ba? Anong buwan na ba ngayon December 8 na, bakit hindi tayo mag videocall para mas makapag-usap tayo ng maayos. Diba?" sabi ko kay Blake habang nakangiting nagchat sa kanya.
"Ha? eh ayoko nahihiya ako." reply naman niya.
"Bakit ka naman mahihiya e matagal na din naman tayong nagchachat ah. Nakakatamad na kasing magchat nakakapagod magtipa kaya. Hehe" sagot ko naman sa kanya.
"So pagod ka na palang makipagchat sakin? Boring ba ako kausap?" sagot niya.
"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Total magkaibigan na naman tayo baka kako pwede na tayong magvideocall mas mainam tayong makakapag-usap diba?" kumbinse ko kanya sa chat, ngunit kahit ako ay nahihiya rin na humarap sa kanya. Gusto ko lang na makita siya sa camera.
"Ah okay, sige sabi mo e." sagot niya
Pagkatapos naming magchat ay nagvideocall na nga kami. Nagkahiyaan pa noong una pero noong katagalan na ay naging komportable na kami sa isa't isa. Nag-uusap na kami at nagtatawanan sa videocall. Hindi na kami naiilang sa isa't isa. Minsan pa nga ay araw-araw na kaming nagvivideocall at minsan pa ay umaabot na ng hating gabi kaming nag-uusap. Magaan at nakakatuwa siyang kausap. May sense at matalino din. Sa pag-uusap namin ay nalaman kong Born Again Christian pala siya kaya mas naengganyo akong makipag-usap sa kanya. Gusto kong makipagkaibigan ng mga taong may pananampalataya sa Panginoon. Iyong mga mabubuting kaibigan, na alam mong sa tamang landas ka dadalhin o tamang pag-uugali ang ituturo sa iyo. Kaya mas naging mas malapit ako sa kanya. Lagi siyang nagsheshare sa akin ng mga bible verses, mga payo at mga paalalang magdasal palagi sa Panginoon. Ang sweet diba.
Habang tumatagal ang pagvivideocall namin araw-araw ay mas lalo pang napalapit ang loob ko sa kanya. Halos hindi na natitigil ang pag-uusap namin. Hanggang sa isang araw habang nagvivideocall kami ay nakita niya akong kumakain ng mga pagkaing galing sa fastfood. Burger, fries, pizza, at milk tea.
"Bakit ka kumakain ng mga ganyang pagkain? diba nakakasama yan sa katawan?" tanong niya.
"Ha? alin ba? Itong burger at fries?" takang tanong ko sa kanya.
"Oo, lahat yan. Huwag ka masyadong kumakain ng mga ganyang pagkain. Hindi yan healthy. Dapat mag gulay ka at magprutas." sabi niya sa akin
"Ha? E nasanay na din naman ako nito. Saka masarap kasi at nagkecrave ako. Paminsan-minsan kailangan din nating etreat ang sarili natin. Hindi yung puro work work lang. Kain kain din paminsan minsan." sagot ko sa kanya.
"Oo alam ko yun, pero dapat parin tayong maging aware sa mga kinakain natin. Dapat ay nagpaproper diet tayo para mas maalagaan natin ang ating katawan." aniya
"Alam ko naman yun, ikaw kasi nagdadiet ka kasi nag aapply ka naman sa BFP Bureau of Fire siyempre kailangan talagang maging fit ka. E ako stressed na stressed ako sa pagchecheck ko ng modules. Kaya kailangan kong etreat ang sarili ko para naman gumaan ang loob ko ko. " sabi ko sa kanya na naiinis na.
"Pero dapat kasi magproper diet ka na para hindi ka magkasakit. Para din mabawas bawasan yang stress mo. " sagot niya na parang hindi niya napapansing naiirita na ako.
"Ay basta! Para sa akin, Food is life! Walang makakaawat sa akin kahit ikaw man. At bakit ka ba nangingialam, ha? Katawan ko naman to, buhay ko to. Kung gusto kong kumain ay kakain ako kahit anong gusto kong kainin. Saka pera ko naman ipinagbibili ko sa mga pagkaing kinakain ko. Hindi naman ako nanghihingi sa inyo ah. Kaya huwag mo nga akong diktahan at pagsabihan kung anong dapat kong kainin." Sagot ko aa kanya habang hinihingal na sa galit.
"O relax ka lang. Bakit iniaaway mo na ako? Nagsabi lang naman akong iwas iwasan mo na ang mga ganyang pagkain. Concern lang naman ako sa iyo e. " Natatawang sagot niya.
"Ay ewan ko sayo!" at pinatayan ko na siya ng videocall. Inis na inis ako dahil pinupuna ang pagkain ko. Ayaw ko pa naman sa tao e yung pinapakialam ang life style ko. Lalong lalo na ang pagkain ko. O ang mga kinakain ko. Iritang irita talaga ako.
At yun ang pinakauna naming pag-aaway. Ang dahil lamang sa pagpuna niya sa aking kinakain o kakaining pagkain. Sino ba naman ang hindi maiirita doon.
“Sorry na, huwag ka ng magalit. Ito naman, sorry na. KAhit naman anong sabihin ko ay dapat ikaw pa rin ang masusunod e. Pasensiya ka na kung naging pakialamero ako.” Aniya.
“Wala iyon, huwag mo nalang sanang ulitin.” Sagot ko.