bc

Tambay Pogi: Adrian (Adrian Peralta)

book_age16+
1.5K
FOLLOW
17.6K
READ
sporty
neighbor
cheerleader
drama
comedy
bxg
humorous
expert
enimies to lovers
seductive
like
intro-logo
Blurb

Full Time: P.E. Teacher

Part Time: Hunky Coach sa Kanto

Adrian Macalinga - Peralta

Isang binatang guro na nagtuturo ng Physical Education sa San Lorenzo National High School.

Ngunit dahil sa pandemic, igugugol niya ang panahon sa pagiging coach ng basketball team ng Calle Adonis sa paliga ng kanilang cluster-barangay.

Pawisan. Of course, china-challenge ang players sa pakikisali sa laro.

Shooter. Naman, walang daplis, Sharp na Sharp.

Violator. No. Smooth siya magdribol at nanaisin mo na lang maging bola para naman mahawakan, masalo, maagaw at maishoot sa ring.

Ito ang kwento ng coach na mahuhulog sa patibong ng to the rescue sponsor ng kanilang jersey na si Mariz, ang balik-bayan lady na aali-aligid sa hunky coach ng bayan.

May maididribol ba?

May masasalo ba?

May maaagaw ba?

At may maisho-shoot kaya?

Tambay Pogi: Adrian.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue "GOOD MORNING Ma'am Ganda." Napa-angat ako nang tingin ng marinig ko ang boses ni Jakson, isa sa mga basketball players dito sa San Lorenzo at katiwala sa liga sa barangay noong magsalita siya at sinabayan iyon ng munting katok sa pinto. "Good morning Jakson. Ano yon?" "Eh ma'am kasi pinapaalala ni coach Roel yung tungkol po sa bagong referee. Ngayon na po kasi siya darating. Mamayang 2:30 na po. Kailangan daw po kasi ang presensya niyo doon sa meeting room sa loob ng opisina ni coach para daw po maipakilala niya sainyong lahat," nagkamot sa batok si Jakson habang nagsasalita, halatang nahihiya sakin. "Akala ko ba ang next week pa ang dating niya? Hindi ba ngayong week naman na ito hindi pa magre-resign iyong isang referee natin?" nagtatakang tanong ko sakanya. Nagkibit-balikat lamang siya na aking ikinailing. "Hindi ko po alam ma'am pero punta nalang po kayo doon para maipaliwanag po ni coach ang buong detalye. Sige po ma’am ganda," nakangiting wika ni Jakson. Sumaludo pa siya sa akin bago tumalikod at umalis. I sighed. These past few days, I've been so stressed. Simula kasi ng nagkaroon ng liga dito sa San Lorenzo ay sobrang naging busy ako. Sino ba naman ang hindi magiging busy kung ikaw ang taga hawak ng master list at details about events ng barangay. At ako pa ang na-assign para asikasuhin ang mga jersey para sa mga players, coaches at referees. Talagang mai-stress ka sa sobrang dami ng pangalang kailangan mong ayusin. The perks of being a secretary in charge of liga. Isang kamali mo lang ay tiyak na uulitin mo nanaman. Mahirap na magkamali, baka mauwi pa sa pangit na resulta. Katulad nalang ng—nope! Wag nating isipin yun. Tinignan ko ang aking wrist watch. 2:15 pm. Ang sabi ni Jakson, mamayang 2:30 ang meeting. Pero hindi naman porket 2:30 ang meeting ay saka lang ako mag-aayos kapag 2:30 na talaga. Mas mabuti pa rin iyong maaga. Sabi nga nila, early bird is always the top 1 effective tips in achieving success at gusto kong i-apply sa sarili ko yon. So I fixed myself. I combed my hair. I just let it fall. Of course, kapapa-ayos ko palang ng buhok ko last monday and it is thursday today so dapat i-exposed ang aking wavy, silky and beautiful hair. Sayang ang pagpapa-salon kung hindi ko lang din ifle-flex. I applied liptint para naman hindi ako magmukhang bangkay. I'm wearing a plain white turtle neck shirt pair with fitted pencil skirt. I looked at the mirror one last time. There, pretty. 2:20pm. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago lumabas ng office. Dumiretso ako sa meeting room. Papasok na sana ako sa loob ng meeting room noong tinawag ako ni Eda kaya naman nabitin ang pagpasok ko sa loob. Eda is a co-worker of mine. Pero hindi gaya ko ay sa office of food and snacks of players siya naka-assign. Sa list of players, events and jerseys kasi ako na-assign. "Uy Ghorl, ganda mo talaga!" sabi niya sabay tapik sa balikat ko. I just smiled at her. Alam kong maganda ako, given na yon so bakit pa ako eechos, "Anyway, ngayon na daw darating si Mr. New Referee. Ang balita ko, pogibels and yummylicous daw siya," kinikilig na sabi ni Eda. Magsasalita na sana ako ng bigla ulit siyang nagsalita. "Adrian daw ang name niya sabi nila doon sa finance office. Hindi ko alam ang full name pero malalaman mo naman siguro yun diba sis kase ikaw ang taga approve ng names para sa jersey ng mga referee. Hay nako! May bago nanaman pagpapantasyahan ang mga kababaihan dito sa San Lorenzo. Sila Baste kasi may asawa na. Pero ghorl, sabihan mo ako kapag nalaman mo na ang full name ha? Matik add sa f*******: at follow sa i********:. Hihi," sabi niya. Pero para akong napako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang pangalang iyon. It's been a long time. Siguro naman ay hindi siya yon. Oo, tama hindi siya yon. Madaming nagngangalang Adrian sa mundo hindi lang siya ang may pangalang Adrian— "Excuse me Miss you're blocking the door." Nahigit ko ang aking hininga ng marinig ang boses na yon. Ang boses na nagpabaliw sakin. Ang boses na nagpaligaya sakin. Ang boses na nanakit sakin. It’s been a long time since I've last heard that voice. "Miss, excuse me. Nakaharang ka sa pintuan. Ayan tagalog na para maintindihan mo. Nagra-rush ako, please lang. Kung gusto mong solohin yang pinto puwede bang padaanin mo muna ako. Solong solo mo na yan pag nakadaan na ako. May meeting pa'ko," naiirita na niyang sabi. Hindi pa rin siya mabait, ang sungit niya pa rin. Napapikit ako bago nagpakawala ng isang malaking buntong hininga bago humarap sakanya. Nagulat ako. As in shookt na shookt. Walang nagbago. He looked exactly the same pero sobrang nagmature na siya. Ang gwapo pa rin niya at nakakalaglag panty pa rin. Pero, he's a cheater. Niloko niya pa rin ako. Hindi porke't gwapo na ay di na kayang manloko. Bitter na kung bitter pero yun ang alam ko at totoo. Wala akong makitang emosyon sa mukha niya. Ni hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkagulat o ano. Samantalang ako, para akong hihimatayin at maiihi sa sobrang kaba at gulat. Buti nalang ay nakahawak ako sa door knob kung hindi ay baka natumba na ako. I looked around. Wala na si Eda doon sa pwesto niya kanina at kami nalang palang dalawa ang nandito sa harapan ng pintuan ng meeting room. Binitawan ko ang door knob at nagpagilid ako dahil totoo nga, nahaharangan ko ang pintuan. Bakit ba kase ang sikip ng pintuan ng meeting room?! Agad naman siyang pumasok sa loob ng meeting room. Hindi siya lumingon at dire-diretso lang siyang pumasok. Teka nga lang, bakit siya nasa loob ng meeting room? At bakit ba siya andito? Don't tell me... OH MY GOD! Siya ang bagong referee?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
627.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
71.5K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
187.1K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
324.5K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook