MATAPOS sa gym area si Jean ay nagpahinga siya saglit at naligo. Ngayong tapos na siyang maligo ay nagbihis siya at kumain ng almusal habang naka-bath robe lang. Mabilis ang kaniyang pag-agahan dahil kaunti lamang ang kaniyang kinain. Pagbalik niya sa loob ng kaniyang silid ay nagbihis siya ng pang-casual outfit niya at nag-ayos ng sarili. Oras na para sumabak sa trabaho. Hinarap ni Jean ang kaniyang laptop at inuna niyang mag-check ng kaniyang mga emails. Sa loob ng kaniyang kwarto ay mayroon siyang working space kung saan siya nagtatrabaho o nag-aasikaso ng kaniyang negosyo kahit nasa bahay lang. Kung sakaling mabili niya ang lupang binebenta ni Travis doon malapit sa Rancho Villaruiz ay magpapagawa siya roon ng opisina niya. ""Sandali!"" nausal ni Jean. Biglang natigilan siya. Mu

