Kape Tayo?
Chapter 2
Nagulat naman si Penelope, sa sinabi sa kanya ng kaibigan niyang si Avery. Paano niya sasabihin na buntis siya sa kanyang mga magulang eh, 'di naman siya buntis. Aaminin niyang may nangyari na sa kanila ni Braylon, maraming beses ngunit nag-iingat at gumagamit naman sila ng proteksyon.
"Gurl, masyadong naman wild ang naisip mo. Hindi na talaga tututol sila mommy at daddy, sa pagpapakasal ko kung yan ang sasabihin kong dahilan sa kanila. Sigurado akong itatakwil ako ng mga magulang ko." sabi ni Penelope, ininom niya ang orange juice na nasa coffee table. Bigla kasi siya nakaramdam ng pagka-uhaw. Parang imbes na magsaya siya dahil engaged na siya, ay nastress siya dahil 'di niya alam kung paano sasabihin sa kanyang magulang na engaged na siya.
"Suggestion ko lang naman iyon gurl. Wag mong masyadong seryosohin." napakamot na lang sa ulo si Avery.
"Alam mo mabuti pa, inumin mo na yang orange juice mo. Kung anu-ano naiisip mo. Tsaka para makaalis na tayo." natatawang sabi ni Penelope. Masaya siya na nagkaroon siya ng kaibigan tulad ni Avery, tinawagan niya ito kaninang umaga. Para ipaalam sa kanyang kaibigan na engaged na siya kay Braylon. Inaasahan na niyang magugulat ito at pupunta sa bahay niya para kausapin siya nito. Buti na lang ay maagang dumating si Avery, nagpapasama kasi siya sa Rald's Box Café, dahil may usapan sila ni Braylon, na magkikita doon.
"Gurl, infairness naman kay Braylon, sa pagdating sa pisikal na anyo pak na pak naman! Guwapo at yummy siya kaso nga lang, alam mo na." sabi ni Avery, nakatingin siya kay Penelope, na abala sa pagdridrive. Iniwan na muna niya ang sarili niyang kotse sa bahay ng kanyang kaibigan. Tinatamad siyang magdrive kaya sinabihan na lang niya ito na ang kotse na lang nito ang gagamitin nila papunta sa Rald's Box Café.
"Gurl, bibig mo masyadong matabil. Baka gusto mong putulin ko yan." pagbibirong sabi ni Penelope. Simula't sapul ay alam na niya ang estado ng pamumuhay ng pamilya ni Braylon. Wala naman siyang pakialam doon. Tsaka nakikita naman niyang nagsusumikap ang kanyang boyfriend, sa trabaho nitong bilang isang sales agent sa isang sikat na car company.
"Pero seryoso ako gurl. Sobrang guwapo naman at yummy talaga yang boyfriend mo. Hahaha" kilig na sabi ni Avery,
"Sira ka talaga gurl! Boyfriend ko na iyon." natatawang sabi ni Penelope. Nakarating na rin sila sa Rald's Box Café, kung saan nandoon na sa loob ang kanyang fiancé. Ipinark na muna niyang mabuti ang kanyang kotse sa parking lot. Hindi na muna sila bumaba kinuha niya ang kanyang louis vuitton handbag binuksan niya ito para kunin ang kanyang make up kit. Kailangan niyang magretouch muna bago siya pumasok sa loob ng café. Konting blush on sa pisngi, light shade color lang ang ginamit niya pati ang lipstick na gamit niya ay isang light pink lipstick. Napakunot noo na lang siya ng mapansin niya titig na titig sa kanya ang kanyang kaibigan na si Avery.
"Natotomboy ka na yata gurl?" pagbibirong sabi ni Penelope, habang abala siya sa paglalagay ng lipstick.
"Hindi, ang laki lang ng pinagbago mo simulang maging kayo ni Braylon. Dati ayaw na ayaw mo ang mga ganyang na shade ng lipstick. Infairness, sa yummy mong boyfriend good influence siya sa'yo." ngiting sabi ni Avery. Siya rin ay nagretouch dahil bukod kay Braylon, na crush niya ay nandoon din sa loob ng café si Juan, ang kanyang f*****g buddy. Hindi alam ng kanyang kaibigan na si Penelope, na may relasyon sila ni Juan. Ayaw lang niyang ipaalam dito. Sigurado siyang makakatikim siya ng sermon kapag nalaman ni Penelope, na f*****g buddy niya si Juan, isa sa mga waiter ng café.
"Hmm… Hindi, naman choice ko naman ito. Wala naman sinabi sa akin si Braylon, na baguhin ko sa sarili ko. Choice ko talaga ito." sabi ni Penelope.
"Choice mo talagang magpabob haircut! Nakakashock lang talaga! Infairness, bagay sa'yo!" ngiting sabi ni Avery.
Naalala tuloy ni Penelope, kanina nang makita ni Avery, ang kanyang buhok ay gulat na gulat ito. Kanina pa nito sinasabi sa kanya na malaki talaga ang pinagbago niya. Simulang maging sila ni Braylon. Hindi, naman sa nagbago, gusto lang niyang maiba lang.
"Gurl, tapos ka na ba magday dream?" tanong ni Avery, kanina pa niya tinitignan ang kanyang kaibigan na nakatingin sa kawalan. Alam niyang may naalala na naman ito. Napapatanong siya sa kanyang sarili kung ganun ba talaga kapag sobrang inlove at malapit ng ikasal. Laging natutulala at nakangiti na parang tanga.
"Pasensya na gurl. May naalala lang ako. Hind,i pala naalala kundi napansin sa sarili ko. Sobrang laki pala ng pinagbago ko simula maging kami ni Braylon." ngiting sabi ni Penelope.
"Ngayon mo lang talaga napansin. Naging good girl ka na. Dati bad girl ka eh." birong sabi ni Avery.
"Good girl naman talaga ako. Hindi nga ako lumalabas tuwing gabi para magbar." ngiting sabi ni Penelope, kahit anong pilit sa kanya ni Avery, at iba pa niyang kaibigan na lumabas ay 'di siya sumasama. Noong naging sila ni Braylon, parang mas gusto pa niya makasama ito kaysa sa mga kaibigan niya.
"Tara nga!" inaya na ni Penelope, ang kaibigan niya na bumaba ng kotse. Sigurado na muna niyang maganda na siya bago siya humarap sa kanyang boyfriend. Masaya silang naglakad papunta sa Rald's Box Café, ni Avery. Pagpasok pa lang nila sa loob ay agad ng sumalubong sa kanila si Athan "Juan" Parcia, na 24 years old. Isa sa mga waiter ng café at matalik na kaibigan ni Braylon.
"Good Morning, Mam Penelope! Mam Avery." masayang bati ni Juan. Alam niyang darating ang dalawa dahil kanina pa si Braylon, nandito sa loob naghihintay.
"Morning!" masayang bati ni Penelope. Ginala niya ang kanyang mata sa loob ng café, para hanapin ang kanyang boyfriend. May nakita siyang isang matangkad, guwapo at makisig na lalaki na naglalakad papunta sa kinaroroonan nila. Napangiti na lang siya ng makilala niya agad kung sinong guwapong lalaking papalapit sa kanila.
"Hi! Babe!" isang matamis na halik sa labi ang binigay ni Braylon, aa kanyang girlfriend, na fianceé, na niya ngayon. Kanina pa siya naghihintay sa loob ng café. Sanay na siyang naging nahuhuli ang kanyang finaceé, sa usapan nilang dalawa.
"Kanina ka pa ba?" tanong ni Penelope, nakahawak ang kamay niya sa matipunong braso ng kanyang fiancé.
"Hindi, naman kararating ko lang din." pagsisingungalin ni Braylon, ayaw lang niyang ipaalam sa fianceé, niya na kanina pa siya dito. Siguradong kapag nalaman nito na kanina pa siya dito naghihintay ay magsosorry ito sa kanya ng paulit-ulit. Kahit na sabihin niyang ok lang ay paulit-ulit na magsosorry ang kanyang fianceé, sa kanya.
"Ehem! Masyadong sweet naman. Congrats, Braylon, kamusta ka na? Ngayong engaged ka na sa bestfriend ko?!" tanong ni Avery.
"Salamat, heto sobrang saya! Magiging Hernandez, na ang bestfriend mo." ngiting sagot naman ni Braylon. Napatingin siya sa magandang binibining katabi niya sa wakas ay engaged na siya sa babaeng pinakamamahal niya. Ilang buwan din niyang pinag-isipan kung paano siya magpropoposed kay Penelope. Ilang buwan ang nakakaraan ay nakaipon siya ng sapat na pera pambili ng singsing na ibibigay niya kay Penelope. Hindi, naman ito kamahalan tulad ng ibang singsing na gusto sana niyang bilhin para sa kanyang girlfriend. Para sa kanya, ang nabili niyang singsing sa halagang sampung libo ay mahal ang presyo para sa kanya. Sa estado ngayon ng pamumuhay nilang pamilya ay malayong-malayo ito kumpara sa dati nilang buhay. Simulang mamatay ang kanyang kakambal.