bc

Kape Tayo?

book_age18+
598
FOLLOW
1.9K
READ
dominant
billionairess
drama
twisted
mxb
bisexual
office/work place
cheating
first love
husband
like
intro-logo
Blurb

'Di inaasahan ni Penelope Sanchez, na aalukin siya ng kasal ng kanyang boyfriend na si Braylon Hernandez, sa gabing inakala niyang isang simpleng dinner lang ang magaganap. Alam nilang dalawa na hindi magiging madali ang pagplaplano nila ng kasal. Maraming silang haharapin na problema. Kaya napagdesisyunan nilang dalawa na kumuha ng isang Wedding Planner. Paano kung ang kinuha nilang Wedding Planner, ang sisira ng kasal nilang dalawa. Maraming Twist ito. Ito ang unang handog ng Tayo Series. Enjoy

chap-preview
Free preview
Kape Tayo 1
Kape Tayo? Chapter 1 "Penelope, bat 'di na lang kayo kumuha ng wedding planner? Para 'di kayo mahirapan magplano ng kasal ninyo. Mas ok 'yun kaysa kayo mismo ang maglakad sa kasal ninyo." mungkahi ni Avery.  "'Yun din naman ang iniisip ko pero sasabihin ko muna kay Braylon." nag-aalinlangan si Penelope, kung kukuha siya ng wedding planner sa kasal niya. Kung siya lang talaga ay gustong-gusto niya kaso iniisip niya si Braylon, kung papayag ito. Ngayon pa lang ay stress na siya sa kakaisip sa pagplano ng kasal niya. Pero aaminin niya sa kanyang sarili sobra siyang excited na ikasal. Pangarap talaga niyang ikasal sa simbahan. Pangarap niyang maglakad sa gitna ng altar, suot ang isang napakagandang puting wedding dress at may hawak-hawak siyang isang bouquet of red roses. Sa may dulo ng altar ay naghihintay ang isang lalaking mamahalin at makakasama niya habang buhay, walang iba kundi si Braylon. Bata pa lang talaga siya 'yun na ang pangarap niya ang ikasal sa lalaking mahal niya. Noong bata pa siya lagi siyang kinukuhang flower girl ng mga kamag-anak niyang ikakasal. Doon lagi niyang nakikita ang bride na naglalakad sa gitna ng altar, suot ang napakagandang wedding dress at may hawak-hawak itong bouquet. Sa dulo ay naghihintay ang isang lalaking mamahalin at makakasama nito habang buhay. 'Di niya maiwasan na kiligin tuwing naaalala niya kung paano ang ginawang pagproposed sa kanya ni Braylon, kagabi. Hindi bongga tulad sa nakikita niya sa social media, kundi isang napakaromantic dinner sa isang coffee shop kung saan sila unang nagkita at nagkakilala.  "Ehem! Gurl! Nasa cloud nine ka pa yata. Kanina pa ako salita nang salita dito hindi ka man pala nakikinig. Nakangiti ka dyan na parang tanga." maarteng sabi ni Avery. "Sorry, naman gurl! 'Di lang talaga ako makapagmove on sa ginawang pagpropoposed sa akin ni Braylon." kilig na sabi ni Penelope. Sayang nga lang 'di niya na videohan kung paano nagproposed sa kanya si Braylon. Akala niya simpleng dinner lang ang mangyayari. 'Yun pala ay luluhod ang boyfriend, niya sa kanyang harapan at may hawak-hawak itong singsing.  _____________________________ Linggo ng hapon, nakahiga si Penelope, sa kanyang malambot at malaking kama. Nakatingin sa kisame at nakikinig ng kanta, sa kanyang cellphone. Nagpapahinga siya dahil kakauwi lang niya galing sa isang salon kung saan pinagupitan niya ang kanyang mahabang buhok. Nagulat pa nga ang kanyang hair stylist, sa gusto niyang mangyari sa buhok niya. Sinabihan niya kasi ito na gawin bob haircut ang buhok niya. Akala nga ng mga nagtratrabaho sa salon, na iyon ay hiwalay na sila ng kanyang boyfriend. Regular customer siya doon kaya halos kilala siya sa nasabing salon. Noon trim lang ang pinapagawa niya sa kanyang buhok. Konting bawas lang talaga. Ngayon ay gusto lang niya ng new look. Sigurado siyang magugulat ang kanyang boyfriend, kapag nakita siyang maikli na ang kanyang buhok. Tumayo siya sa pagkakahiga sa kanyang kama. Naglakad siya papunta sa isang full body mirror para tignan na naman niya ang kanyang bagong gupit. Sinabihan siya ng kanyang hair stylist, na kukulayan nito ang buhok niya. Simpleng highlights lang para mas lalong bumagay sa kanyang bagong gupit. Ayaw niyang ipost sa social media ang new look niya. Gusto muna niya ipakita sa kanyang boyfriend na si Braylon, ang new look niya. Habang abala siya sa kakatingin sa kanyang bagong gupit na buhok ay narinig niya ang kanyang cellphone na tumutunog. Nagmadali siyang kunin ito sa ibabaw ng kama. Napangiti na lang siya nang makita niya kung sino ang tumatawag sa kanya.  "Babe!" masayang sabi ni Penelope, tumatawag sa kanya ang kanyang boyfriend na si Braylon.  "Babe, kamusta. Parang masaya ka yata ngayon?" _Braylon "Oo, buti nga napatawag ka dahil may suprise ako sa'yo!" 'di na maitago ni Penelope, ang kanyang pagkasabik na ipakita sa kanyang boyfriend, ang new look niya.  "Talaga? Ano 'yun?" _Braylon "Secret! Kaya nga surprise diba. Kapag sinabi ko sa'yo hindi na surprise." natatawang sabi ni Penelope.  "Oo, nga naman. Babe, puwede ba tayong magdinner mamaya sa Rald's Box Café?" _Braylon "Sure! What time?" tanong ni Penelope. "7pm babe." _Braylon "Ok! Babe, see you later I love you!" masayang sabi ni Penelope.  "Ok! I love you too babe!" _Braylon Tamang-tama lang ang pagkakataon para kay Penelope, ang dinner nila mamaya ni Braylon. Maipapakita na niya agad ang new look niya. Tumingin siya sa kanyang cellphone, upang alamin kung anong oras na. Marami pa siyang oras para makapaghanda. Masaya siyang naglakad sa kanyang walk-in closet niya para pumili ng kanyang isusuot mamaya. Pagbukas palang ng kanyang walk-in closet niya agad na bumungad sa kanya ang puting kuwarto kung saan nakalagay sa loob ang mga iba't ibang kulay, design, at brand ng mga gamit, sapatos, jewelry. Bawat glass cabinet ay iisang kulay ang mga nakalagay na damit. Naka-organize talaga ang mga damit niya para hindi siya mahirapan pumili. Naglakad-lakad si Penelope, sa kanyang walk-in closet para tignan kung ano ang magandang isusuot niya na babagay sa kanyang new look. Hindi na siya nakapagshopping kanina dahil wala siyang kasama. Hindi available ang kanyang kaibigan na si Avery. Sinabihan lang siya ng kanyang kaibigan na busy ito. Kaya hindi na niya ito kinulit. Mahigit isang oras na siyang pumipili ng kanyang isusuot ay wala pa rin siyang mapili. Kaya nagpagpasyahan na niya muna na maligo. Baka mahuli pa siya sa usapan nila ni Braylon. Habang naliligo ay 'di niya maiwasan na magisip kung magugustuhan kaya ng boyfriend, niya ang bagong gupit ng buhok niya? Natapos na siyang maligo, suot ang white bath robe niya pumasok ulit siya sa kanyang walk-in closet para kumuha ng kanyang maisusuot mamayang dinner. Ilang oras na lang ay 7pm na. Naagaw ang kanyang pansin sa isang two piece red skin tight dress. 'Di niya napansin kanina ito. Ngayon lang niyang nalaman na 'di pa niya ito naisusuot dahil nakalagay ito sa isang glass cabinet kung saan nandoon ang mga nabili niya ngunit 'di pa niya naisusuot. Kinuha na niya ang red dress at pumunta siya sa isang malaking full body mirror para tignan niya kung bagay ba sa kanya ang napili niyang damit. Napangiti na lang siya ng makita nga niyang bagay sa kanyang bob haircut ang red dress na hawak niya. Dala-dala niya ang red dress papunta sa sarili niyang make up room. Light make up lang ang ginamit niya ngayon. Tinignan niya mabuti ang kanyang mukha pagkatapos niyang magmake-up.  "Ang ganda mo talaga Penelope, kahit light make up lang gamit mo." ngiting sabi ni Penelope, sa kanyang sarili habang nakatingin siya sa salamin. Tinignan niya ulit ang kanyang cellphone kung anong oras na. Meron pa naman siyang tamang oras para matapos siyang makapag-ayos. Sinunod naman niyang ayusin ang kanyang buhok. Hair blower ang kanyang ginamit para mas lalong magkavolume ang kanyang buhok. Iyon din ang sinabi sa kanya ng kanyang hair stylist. Ngayon ay kinuha na niya ang red dress na napili niya kanina. Sinuot na muna niya ang pencil cut red skirt at sinunod niyang isuot ang red criss cross slim fitted crop tank. Tinignan niya agad ang kanyang itsura sa full body mirror. Napa-wow siya sa kanyang sarili habang nakatingin siya sa kanyang sariling repleksyon sa salamin. Bagay na bagay sa kanya ang red dress na napili niya at bumagay ang light make up na ginamit niya. Ngayon ay sapatos na lang ang kulang. Pumunta siya sa isang glass cabinet sa walk-in closet niya upang kunin ang kanyang paborito niyang red high heels. Habang abala siyang tinitignan ang kanyang sarilii sa salamin ay nakarinig siya ng pagkatok sa kanyang pintuan.  "Oh my god! Penelope! Totoo ba ang nakikita ko? Pinagupitan mo ang mahaba mong buhok?!" nagulat si Patricia Sanchez, ina ni Penelope, sa kanyang nakitang bagong gupit ng kanyang unica hija. "Mommy, bagay ba?" tanong ni Penelope. Ipinakita niya sa kanyang mommy ang bagong new look niya.  "You're always beautiful Penelope. Masaya ako na natauhan ka na. Hindi, ang lalaking iyon ang nararapat sa'yo Penelope." ngiting sabi ni Patricia. Nilapitan pa niya ang kanyang unica hija, at niyakap niya ito ng mahigpit. Masaya siya na naghiwalay na rin sa wakas ang kanyang anak na si Penelope, at ang hampas lupang lalaking iyon.  "M-mommy, anong sinasabi mo?" gulat na tanong ni Penelope.  "Pinagupitan mo ang mahaba mong buhok dahil hiwalay na kayo ng lalaking iyon diba?." ngiting sabi ni Patricia.  "H-hindi! Mommy, kahit kailan ay 'di kami maghihiwalay ni Braylon. Nagpagupit ako dahil gusto ko hindi dahil naghiwalay kami ng boyfriend kong si Braylon." inis na sabi ni Penelope. Naiinis siya ngayon sa kanyang mommy kung bakit naisip nitong naghiwalay na sila ni Braylon. Nasira ang kanyang mood sa sinabi ng kanyang mommy.  "Oh?! I, thought sign yan ng paghihiwalay ninyo ng lalaking iyon? Sayang naman." dismayadong si Patricia, akala niya ay hiwalay na ang kanyang anak sa lalaking iyon. Magpapahanda sana siya ng maraming pagkain ngayong gabi para icelebrate nila ng kanyang asawa ang paghihiwalay ng kanilang anak at ang hampas lupang lalaking iyon.  "Mommy, puwede ba tigilan mo na yang kakaisip mo na maghihiwalay kami ni Braylon. Kailangan ko na umalis dahil may dinner pa kami ng boyfriend kong si Braylon, ngayon." inis na sabi ni Penelope. Kinuha na niya ang kanyang chanel red quilted caviar leather chain clutch bag. Inilagay niya dito ang kanyang wallet at cellphone. Nagmadali siyang lumabas sa kanya kuwarto. Wala siyang pakialam kung tinatawag siya ng kanyang mommy. Gusto lang niya ngayon ay makaalis sa bahay nila naiinis talaga siya sa kanyang mommy, sa sinabi nito kanina.  "Penelope! Bumalik ka dito! Kinakausap pa kita!" sigaw ni Patricia, sinundan niya ang kanyang anak pababa ng hagdanan. Sobrang laki na ng pinagbago ng ugali ng unica hija, niya. Simulang maging boyfriend nito ang hampas lupang lalaking iyon.  "Mommy please! Wag mo naman sirain ang gabi ko!" pakiusap ni Penelope. Dahil sa pagmamadali niya ay nakalimutan niyang dalhin ang susi ng kanyang kotse. Kaya tumawag siya ng isang kasambahay para utusan na kunin ang kanyang susi sa kuwarto niya.  "Penelope, yan talagang hampas lupang lalaki yan ang dahilan kung bakit lumalaban ka na sa akin! Wala ka na respeto!" galit na sabi ni Patricia.  "My god! Mommy, hindi ako lumalaban sa'yo. Ipinaglalaban ko lang ang pagmamahalan namin ni Braylon. Tsaka puwede ba mommy. Hindi hampas lupa si Braylon." ayaw ni Penelope, na makipagtalo na naman sa kanyang mommy. Ayaw niyang tuluyan masira ang gabi niya ngayon. Nakita niyang nagmamadaling bumaba ang kasambahay niyang inutusan niya para kunin ang susi ng kotse niya.  "Mam Penelope, heto na po ang susi ng kotse ninyo." sabi ni Rose, isa sa kasambahay ng pamilyang Sanchez.  "Salamat, Rose." ngiting sabi ni Penelope. Nagpaalam na rin siya sa kanyang mommy. Agad na siyang sumakay sa kanyang kotse at nagdrive na siya papuntang Rald's Box Café.  Napabuntong hininga na lang siya. Nang makita niyang nakalabas na siya ng subdivison kung saan siya nakatira. Pinipigilan lang niyang wag maiyak baka masira ang kanyang make up niya. Naiinis talaga siya sa kanyang mommy, sa sinabi nito kanina. Sa wakas ay nakarating na siya sa Rald's Box Café. Tinignan niya muna ang kanyang itsura sa rear-view mirror. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya bumaba ng kanyang kotse. Gusto lang niyang e-enjoy ang gabing ito kasama ang pinakamamahal niyang si Braylon.  "Good evening, Miss Penelope." ngiting pagbati ni Juan, isa sa mga waiter ng café.  "Good evening, Juan." sabi ni Penelope, napakunot siya dahil pansin niyang walang customer, sa loob ng café. Maliban na lang sa isang guwapong lalaking nakaupo sa may bandang gitna ng lamesa. Suot ang isang white polo t-shirt ay litaw na litaw ang moreno nitong balat at ang biceps na nakakapanglaway. Nakangiti siyang naglakad papalapit sa nakaupong guwapong lalaki.  "Good evening Mr. Handsome." ngiting sabi ni Penelope.  "Wow! Akala ko namamalik mata ako. B-bakit mo pinagupitan ang buhok mo?" takang tanong ni Braylon.  "Hindi, mo ba nagustuhan?" nag-aalalang tanong ni Penelope.  "H-hindi, naman ang ibig kong sabihin ay nakakagulat lang. Alam kong mahal na mahal mo ang dati mong mahabang buhok. Nakakagulat lang talaga." sabi ni Braylon.  "Parang 'di mo nagustuhan ang bago kong new look?" malungkot na sabi ni Penelope.  "Babe, nagustuhan ko. Nakapaganda mo lalo. Lady in red ka ngayon." ngiting sabi ni Braylon. Isang matamis na halik ang binigay niya dito bago niya inayang umupo. Nag-order na rin sila ng makakain nila. Habang hinihintay nilang dumating ang order nila ay nagkwentuhan muna sila.  "Hindi, lang ikaw ang nagulat pati ang hair stylist ko ay na shock din. Sa gusto kong mangyari sa buhok ko." natatawang sabi ni Penelope. Titig na titig siya sa kanyang guwapong boyfriend.  "Sino ba naman hindi magugulat. Sa mga nakakakilala sa'yo alam namin na mahal na mahal mo talaga ang mahaba mong buhok. Yan na ba ang sinasabi mo sa aking surprise mo sa akin?" sabi ni Braylon.  "Oo, sana na surprise ka? Hahaha!" natatawang tanong ni Penelope. Dumating na rin ang kanilang order. Magsisimula sana sila kumain ng biglang namatay ang mga ilaw. Napasigaw pa siya dahil sa takot. Isang pamilyar na tugtog ang narinig niya. Hindi, siya puwede magkamali. Perfect by Ed Sheeran, ito ang theme nilang dalawa ni Braylon. Nagulat siya ng umilaw ang maraming christmas lights sa paligid nila. Akala kasi niya kanina kaya walang customer ang café dahil inaayos na ito para sa paparating na pasko. Kaya nakita niyang nagkalat ang mga christmas light sa paligid. Napakunot noo na lang siya ng mapansin niyang nakatayo sa kanyang harapan si Braylon, na may hawak na bouquet of red roses. Ibinigay nito sa kanya ang bouquet malugod naman niya ito tinanggap. Nagulat siya ng bigla na lang lumuhod sa kanyang harapan ang kanyang boyfriend. Hinawakan pa ni Braylon, ang kanyang kamay. Natawa siya dahil sobrang lamig ng kamay nito.  "Ikaw, Penelope Sanchez, ang gusto kong mahalin at makasama habang buhay. Sana tanggapin mo ang singsing na ito." agad na kinuha ni Braylon, sa kanyang pantalon, ang singsing na ibibigay niya kay Penelope. Nanginginig pa niya itong ipinakita sa kanyang girlfriend, ang isang white gold na singsing.  "Penelope Sanchez, will you marry me?" kinakabahan si Braylon, sa kanyang tanong kay Penelope.  "Oo, naman! I will marry you Braylon Hernandez!" masayang sagot ni Penelope.  _______________________________ Nakangiting nakatingin si Penelope, sa kanya suot na singsing sa kaliwang kamay.  "Gurl, patingin nga ulit ng engagement ring mo. Wala talagang diamond?" kunot noo tanong ni Avery. 'Di naman niya kinukutya ang kanyang kaibigan. Kung siya ang makakatanggap ng ganyang klaseng singsing. Hindi, niya tatanggapin kahit mahal niya ang lalaking magbibigay nito. Hindi, rin ang singsing na suot ng kanyang kaibigan ang pangarap niya kundi isang white gold ring na may malaking diamond sa gitna, ang pangarap niyang engagement ring.  "Ano ka ba gurl!? Para sa akin heto ang pinakamagandang singsing sa buong mundo." ngiting sabi ni Penelope. Tinignan niya ulit ang kanyang kaliwang kamay kung saan nakasuot ang kanyang engagement ring. Umaapaw ang nararamdaman niyang kasiyahan sa wakas ay engaged na sila ni Braylon. Hindi nga siya nakatulog kagabi dahil hindi talaga siya makapaniwala na nagproposed sa kanya si Braylon. Buong gabi yata niya nakatingin sa kanyang suot na singsing. "Gurl, paano mo pala sasabihin kina Tita Patricia, at Tito Rafael, na engaged ka na sa boyfriend mo?" pag-aalalang tanong ni Avery. 'Di naman lingid sa kaalaman niya na tutol ang magulang ni Penelope, sa boyfriend nitong si Braylon.  Biglang naglahong parang bula ang kasiyahan ni Penelope, nang maalala niya ang kanyang magulang. Sobrang tutol ang mga magulang niya sa pakikipagrelasyon niya kay Braylon. Ilang beses na siyang kinausap ng kanyang mommy lalo na ang kanyang daddy para hiwalayan niya si Braylon. Tutol sila dahil mahirap lang ang kanyang boyfriend. Lagi hinahamak ng kanyang daddy si Braylon, minamaliit niya ito. Samantalang, ang kanyang mommy naman niya ay tinatawag na hampas lupa ang kanyang boyfriend. Ngunit kahit tutol ang mga magulang niya sa pakikipagrelasyon niya kay Braylon, ay pinaglaban niya ito. Ngayon ay iniisip niya kung paano niya sasabihin sa mga magulang niya na engaged na siya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Penelope.  "Hindi, ko alam gurl." malungkot na sabi ni Penelope. Siguro ay kakausapin niya muna si Braylon, tungkol dito.  "Gurl, ano ka ba! Sigurado ko naman na wala na magagawa sila tito at tita. I know ipaglalaban mo ng p*****n si Braylon." ngiting sabi ni Avery, may naisip siyang isang solusyon kung saan sigurado talaga siyang wala ng magagawa ang mga magulang ng kanyang kaibigan para tumutol. 'Di nga lang niya alam kung magugustuhan ba ni Penelope, ang sasabihin niya.  "G-gurl, may naisip akong paraan upang 'di tututol sila tita at tito sa pagpapakasal mo." sabi ni Avery. Kinakabahan din siya sa kanyang sasabihin.  "Huh? Ano naman yan?" takang tanong ni Penelope.  "S-sabihin mo na buntis ka!" ngiting sabi ni Avery. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cheating Heart

read
41.8K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

NINONG III

read
365.3K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
455.1K
bc

NINONG II

read
620.1K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.9K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
270.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook