JEANN
"Oy, gaga, ano ang ginagawa mo? May pagtaas ka pa ng kamay. Type mo si Sir Gonzaga?" gulat na tanong niya.
"Ano? Hindi, okay?" Umirap ako.
"Teka, bakit ganyan ang mukha mo?" Sabay sundot ni Dianne sa mukha ko dahilan para mapaayos ako ng upo.
"Hah?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Namumula ka, Jeann," sambit niya at inis naman akong tumingin sa kanya.
"Ako? Namumula? Imposible," inis kong sabi at sinukbit ang bag ko kasabay ng pagharap sa kanya. "Iiwan na ba kita?" taas-kilay kong tanong at natatawang kinuha naman niya ang bag.
Sumunod ito sa akin papuntang canteen dahil lunch break na namin.
Bakit hindi ko pa rin maiwasang maalala ang mukha ni Sir? Ngayon lang ako nagkaganito sa lalaki. Jusko!
"Jeann, galit ka ba?" tanong ni Dianne kaya nalukot naman ang noo ko. "Kung galit ka dahil hindi ka pinili ni sir as assistant niya, huwag mo namang idamay ang pagkain, okay?" nakangising sabi niya sa akin na tila nang-iinsulto.
"Ano? Type ko 'yon? No way! Hindi ako magkakagusto sa isang katulad niyang mapili," paliwanag ko sa kanya.
"Ayaw pa umamin," sabi nito habang umiiling-iling pa.
"Dianne, wala nga akong gusto kay Sir Ice, okay?" sigaw ko sa kanya.
Ngayon ko lang napagtanto na nakatayo na ako sa upuan habang pinagtitinginan ng mga tao sa paligid. Dahan-dahan akong umupo habang hiyang-hiya sa sinabi ko.
Argh! nakakainis talaga! Hindi ko siya gusto, okay? Sinabi ko lang iyon dahil iyon ang totoo. Hindi ako magkakagusto sa kanya! Period.
Nang matapos na kaming kumain ni Dianne ay dumiretso kami papuntang faculty dahil nalimutan kong puntahan si Tanda para sa kapalit ng pagpasa ko ng project. Bumungad sa akin si Ice-I mean, si sir Ice at Kayla na nag-uusap habang nakangiti naman ito kay sir.
Ang landi talaga, akala mo ay walang boyfriend...
"Jeann, tinatawag na tayo ni Tanda," bulong ni Dianne dahilan para matauhan ako at pumunta sa pwesto ni Sir Roy.
"Mabuti naman at nakarating ka na, Ms. Vasquez, dahil ngayon ko sasabihin sa iyo kung ano ang gagawin mo kapalit ng pagpasa mo ng project bukas," sambit nito habang binubuksan ang isang papel na naka-folder sabay abot sa akin.
"Ano'ng gagawin ko rito, sir?" tanong ko rito.
"I want you to handle that man," sambit nito habang napapahilot sa sentido. "Kilala kang maldita sa room niyo kaya gusto kong ikaw ang magturo sa estudyanteng iyan. Gusto kong lagi mo siyang kasama sa bawat gawain. At kapag nagawa mong maipasa niya ang buong subject, bibigyan kita ng mataas na grado sa subject ko."
Hindi ko alam pero napatingin ako sa litrato na nasa folder. Isang lalaki na animo'y isang siga. Isabay mo pa ang mga tattoo nito sa braso.
"Teka, sinasabi niyo po bang magiging bantay ako nito?" Turo ko sa litrato habang gulat na gulat.
"Yes, Ms. Vasquez. No more but dahil pumayag ka na," sambit niya sabay bigay ng isang pilas ng papel sa akin. "Iyan ang section niya. Simula ngayong araw ay ililipat na kita sa section niya, Ms. Vasquez. May pirma na ng principal at iba mong mga teachers iyan bilang pagpayag," paliwanag nito kasabay ng pagtayo at nilahad ang kamay.
Parang nanuyo ang lalamunan ko habang ang katabi ko rin ay parang timang na nakanganga.
Mabilis na hinawakan ni Sir ang kamay ko habang bakas sa mukha nito ang ngisi.
"You may go now," pagtataboy nito sa akin.
"Sir, pero hindi po ako-"
"Ms. Vasquez, kung ayaw mong bumagsak sa lahat ng subject mo," inis nitong sabi.
Padabog akong lumabas ng room habang bakas sa mukha ko ang inis at irita.
"Nakakainis talaga ang matandang 'yon!" sigaw ko habang naglalakad kami ni Dianne papuntang room.
"Grabe. Hindi ko in-expect na magiging bodyguard ka ng isang 'yon, Jeann. Ang saya!" malakas na sigaw ni Dianne at nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Are you insulting me, Dianne Torres, o ginagalit mo ako?" inis kong tanong sa kanya nang nakaharap. Nagtaas ito ng dalawang kamay na tila sumusuko.
"Chill, Jeann, okay? Hindi kita inaasar. I'm just saying na kasalanan mo rin kung bakit ka napunta sa sitwasyong 'yan."
"Argh! Kakainis!" Irap ko sa kanya at nagsimula na ulit maglakad habang nasa likuran ko siya. Maraming mga bumabati sa akin pero hindi ko na lamang sila pinapansin dahil wala ako sa mood para makipag-usap.
Nang makarating ako sa room ay padabog kong kinuha ang bag ko. Ano pa ba ang gagawin ko kundi ang lumipat ng kwarto sa kabilang building!
"Bakit nakabusangot si Jeann?"
"Narinig mo na ba 'yong balita na magiging ST siya ng isang studyante sa section 20 kaya inilipat siya?"
"Kawawa naman siya."
Rinig ko ang bulungan ng dalawa kong kaklase.
"Wala ba kayong magawa sa buhay kaya pinagtitsismisan niyo ang nakatalikod sa inyo?" inis kong tanong at dahan-dahan silang hinarap na dalawa. Kita ko ang gulat sa mga mukha nila.
"Sorry po, Ms. Jeann," mabilis nilang saad na dalawa at napayuko.
"Sa susunod na marinig ko pa ulit na pinagtitsismisan niyo ako ay hindi ako magdadalawang-isip na pabagsakin ang isang katulad niyo!" inis kong sabi sa kanilang dalawa at mabilis naman silang tumango.
"Hindi na mauulit."
"Opo, hindi na talaga."
Napangisi ako dahil marami sa mga kaklase ko ang nakatingin sa amin at nagbubulungan. Ang ayaw ko sa lahat ay ang kinakalaban ako patalikod.
Nadapo ang tingin ko sa lalaking nasa pinto at walang iba kung hindi ang kilalang playboy ng campus, it's Kaito Sebastian. Tinaasan ko siya ng dalawang kilay pero tila wala itong pakialam na umalis.
"Tumayo na kayong dalawa dahil ayaw kong masayang ang ginto kong oras sa inyo na walang silbi," galit kong sabi sa kanila at mabilis silang tumayo paalis sa harapan ko.
"Hindi ka pa rin nagbabago," umiiling na sabi ni Dianne.
"Samahan mo ako sa bago kong room." Padabog kong sinara ang pinto bago maglakad.
Humanda talaga sa akin ang matandang iyon dahil gagawin ko ang lahat para makaalis agad sa section na 'yon! For Pete's sake! That is the last section at ayaw kong tumagal sa mga katulad nila!
"Don't worry, bibisita ako ro'n," natatawang sabi ni Dianne at mukhang nang-iinsulto na naman ito.
"Shut up!" inis kong sabi sa kanya.nti-unti akong napadilat nang ma-realize na ngayon pala ang pasahan ng project.
To be continued...