PROLOGUE
JEANN
Unti-unti akong napadilat nang ma-realize na ngayon pala ang pasahan ng project. Gusto kong mapasabunot ng buhok dahil sa kagagahan ko at kulang na lang ay iumpog ko sa pader ang ulo ko dahil sa dami ng pwede kong makalimutan, bakit ang research paper ko pa?
Kung minamalas nga naman!
Mabilis kong isinukbit ang bag ko at nagpaalam kay mommy na aalis na. Pipigilan pa sana ako nito pero naunahan ko na siya. Tinawagan ko agad si Dianne para magpatulong pero ang loka ay hindi naman sumasagot sa tawag ko. Pagkarating ko sa parking lot nitong Hustone University ay mabilis akong tumakbo para habulin ang subject ng research, pero bigo ako dahil paalis na si Tanda. Hingal na hingal akong lumapit dito kasabay ng pag-ayos sa buhok ko.
"Ms. Vasquez, bakit late ka sa subject ko?" inis nitong tanong at ngumiti naman ako na parang walang nangyari.
"Sir, gusto ko sanang sabihin na dinala po kasi si Mom sa hospital kaya anong oras na ako nagising-"
"Ilang beses ka nang late sa klase ko, Ms. Vasquez, at sa tuwing male-late ka, lagi ka na lang may dahilan," saad nito habang salubong pa rin ang kilay.
Napabuntonghininga na lamang ako kasabay ng pagpikit. Sorry mom!
"Hindi na po mauulit, sir." Kasabay ng pagyuko ko ay kita ko ang mabigat nitong pagbuntong hininga.
"Lagi na lang ba akong maha-high blood sa katulad mong bata ka." Kasabay ng pag-irap nito. Mabilis kong hinarang ang aking kamay para pigilan siya.
"Sir, sandali po. Gusto ko sanang humingi ng isang pagkakataon para sa research paper. Please, sir, gagawin ko ang sasabihin niyo basta bigyan niyo lang po ako ng isang araw para maipasa ang project ko," nagmamakaawa kong saad sa kanya dahil kapag bumagsak ako sa isang subject ay katapusan ko na sa mommy at daddy ko.
Kita ko ang kakaibang ngiti ang biglang sumilay sa labi nito at hindi ko iyon nagustuhan.
"Then deal, Ms. Vasquez, ipasa mo ang project mo hanggang bukas dahil may ipapagawa rin ako sa 'yo," sagot nito at mabilis nang tumalikod.
Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko-kung masaya ba o magtataka-dahil sa kakaibang excitement na bumalot sa mukha niya.
"Jeann!" I rolled my eyes nang makita ko si Dianne na kumakaway pa palapit sa akin habang nakangiti. Naiinis ako dahil hindi niya sinagot ang tawag ko.
"Kanina pa ako tumatawag sa 'yo, bakit hindi mo man lang sinagot?" inis kong tanong sa kanya, tapos siya, natatawa lang niyang ipinakita ang phone niya.
"Dead battery, girl," paliwanag niya kasabay ng paghawak sa braso ko. "Tara na nga at kanina pa naghihintay ang next subject natin."
"Sa susunod nga ay bumili ka ng new phone! Para kang naghihirap niyan, eh," himutok ko sa kanya sabay irap.
"Hawak ng mom and dad ang bank card ko kaya maingat ako sa paggastos ng pera this time, Jeann," nakangiting sagot niya at kumindat pa sa akin.
"Whatever."
Hindi na ako umangal pa at sinabi ko sa kanya na tulungan ako sa research paper ko. Tumango naman siya.
Pagkarating namin sa Chemistry class ay hinanda ko na ang lab coat ko dahil baka magkaroon kami ng activity. Ganito talaga kapag Chemistry subject dahil may mga chemical kaming nagagamit na baka ikapahamak namin. Mabuti nang maging maingat.
Napatingin kami sa pinto nang bumukas ito at niluwa nito ang assistant principal habang suot ang pulang skirt nito, isabay mo na ang salamin niyang kulay pula rin.
"Okay, class! Sad to say pero nagpaalam na ang professor niyo sa Chemistry," panimula nito at nagkatinginan naman ang lahat. Kahit ako ay nagulat din.
Kung hindi ako nagkakamali ay siguradong ang edad nito ang dahilan kaya nag-resign na ito. May katandaan na rin kasi. Nalulungkot tuloy ako dahil wala na akong mapagtitripan tuwing Chemistry time.
Oh, I forgot to tell you na mabait akong tao. Sobrang bait!
"But there's someone who will replace him. Mr. Gonzaga, maaari ka nang pumasok." Saad ng assistant principal na tila may pinapapasok hanggang sa isang lalaki ang naglakad papasok sa room.
Halos manlaki ang mga mata namin dito sa lab dahil sa pagpasok ni Mr Gonzaga. Parang bumagal ang takbo ng oras habang naglalakad ito papasok sa loob at tila may nakakasilaw na aura ang nakapaligid sa kanya. Isa lang ang nakikita ko, para bang may anghel na bumagsak sa langit-ay mali isang napakagwapong anghel ang nakatayo ngayon sa harapan nitong room.
"Hi, class, I'd like you to meet your new Chemistry teacher. Mr. Gonzaga ikaw na ang bahala sa kanila," sambit ni Miss at napatango naman ito.
"Yes, thank you," ngiting sagot nito at pa-cute namang nagpaalam si Miss.
Parang bumilis ang t***k ng puso ko at kulang na lang ay lumabas ito sa katawan ko. Ngayon lang ako nakakita ng katulad niya. Para talaga siyang isang anghel na galing sa langit at bumaba sa lupa para hanapin ang babaeng magmamahal sa kanya.
"Okay, class, I'm Ice Farthen Gonzaga. Ako ang magiging Chemistry teacher niyo. At gusto ko lang sabihin na 21 years old pa lang ako and single." Kumindat ito. Halos kiligin ang lahat ng nandito pero ako ay na-starstruck sa kanya.
Maraming mga estudyante ang kinikilig sa kanya habang nagsasalita siya. Teka, nagsasalita ba siya? Bumubuka ang bibig niya pero parang wala akong naririnig kung hindi ang t***k ng puso ko.
Ano itong nararamdaman ko?
Ilang minuto lang akong nakatitig sa kanya nang biglang magtaas ng kamay ang president ng class namin.
"Sir, ako na lang ang assistant niyo." Sabay ngiti nito.
Mabilis kong itinaas ang kamay ko. Gusto kong magpakain sa lupa dahil hindi ko alam kung bakit ganito ang kinikilos ko.
"A-ako," mahinang saad ko.
Kita ko ang titig ng mga kaklase ko na kahit si Dianne ay hindi alam kung ano ang ire-react.
"It's better if the president of the class ang magiging assistant ko. Thank you, Miss, for your cooperation," sambit ni sir Ice sabay ngiti sa akin. Tumayo na ito at isinama ang presidente ng klase namin habang ako ay tulala sa pangyayari.
"Oy, gaga, ano ang ginagawa mo? May pagtaas ka pa ng kamay. Type mo si Sir Gonzaga?" gulat na tanong niya.
To be continued...