CHAPTER 11

1034 Words
"Bella anong nangyari?" nag-aalalang tanong sa akin ni Salvania at hinarang ako. "Basta mamaya ko nalang ipapaliwanag kailangan kong makaalis dito." sabi ko sa kanya habang umiiyak. "Tara, may alam akong sekretong daan palabas ng palasyo." sabi niya sabay hila sa akin sa isang sulok. May hinila siyang tali at bumukas ang butas na nasa sahig. "Tanging ito nalang ang maitutulong ko sayo Bella dahil hindi ako makakababa dyan. Sundan mo lang ang lagusan at may--" hindi natuloy ni Salvania ang sasabihin niya dahil may mga kawal na paparating. "Hindi pa yun nakakalayo!" sigaw ng kawal na paparating. "Sige na Bella." bulong niya at isinara na ang pinto. Napakadilim dito at wala akong makita. Nangangapa lang ako sa aking dinadaanan hanggang sa nahulog ako sa isang butas. Aray! Kahit na ang sakit sakit na ng katawan ko ay pinilit ko paring kumapa sa dilim na daan hanggang sa may nakita akong isang liwanag kaya sinundan ko ito at kinapa muli. Para itong isang maliit na pinto. Hinila ko ang siradura nito at binuksan. Nakahinga ako ng maluwag dahil nasa labas na din ako ng palasyo pero napaka delikado ng daan dahil apoy na ang nandoon. Dahan dahan kong tinahak ang daan na iton habang naka-kapit ng mahigpit sa mga bato. "Gusto mo ng tulong?" alok ng lalaki kaya napatingala ako at nakita ko siyang naka upo sa punaka dulo ng bato at may kasama siyang puting halimaw. "Sino ka?" tanong ko sa kanya. Ngunit hindi na siya naka sagot agad dahil sumigaw na ang kawal. "Nandito siya!" sigaw ng kawal sa mga kasama niya. Lagot! Mukhang mahuhuli na ata nila ako. Nagpanik na ako dahil tumatakbo na sila papalapit sa amin. "Sumama ka na sa akin." sabi ng lalaki sa akin at isang hila niya lang sa kamay ko ay naka tayo na ako sa batong inuupuan niya. "Sumakay ka kay Luna." sabi niya sa akin at pinasakay ako sa mabalahibong puting halimaw na ito. "Hanggang dyan ka nalang. Bella pinag-uutos ng prinsepe na sumama ka sa amin." sabi ng isang kawal. "Hindi siya sasama sa inyo dahil sasama siya sa akin." sabi ng lalaki at nagpalabas siya ng bughaw at napakalamig niyang kapangyarihan. Sa isang padyak lang niya ng kanyang paa ay lumitaw ang isang larawan na iginuhit dati ni Prinsepe Red bago kami naka punta sa mundo na tinawag niyang Alfheim. "Pakibigay sa kanya!" sigaw ng lalaki at ipinalipad ang isang papel bago pinatakan ng dugo ang ginawa niyang larawan at sa isang iglap ay nandito na kami sa ibang lugar. "Nandito na tayo." sabi niya at naglakad na. "Pasensiya na kung masyadong biglaan. Lahat ng mga katanungan mo tungkol sa pamilya mo ay masasagot na Bella." sabi niya sa akin at hinawakan ang aking ulo. "Teka, sino ka ba? Paano mo nalaman ang pangalan ko? Nasaan tayo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya habang sinusundan siyang maglakad. "Ako si Prinsepe Cresent Kaiser Allenswoth. Nitong mga nakaraang araw ay sinusubaybayan kita at inaalam ko kung ikaw nga talaga ang nawawalang kong kapatid. At nasa lugar tayo na tinatawag na Romgar ang mundo ng mga bampira, serena, at werewolves." sabi niya at huminto kami sa isang napakalaking tarangkahan. Nakatatlong katok muna ito bago bumukas ang pinto at pumasok kaming dalawa. Nakakamangha dahil napakaraming kulay sa paligid. May mga nagtataasang mga puno makukulay na mga bulaklak. "Dito ang kaharian ng Allenswoth." sabi niya sa akin. "Cresent!" sigaw ng isang babae bago bumaba ng palasyo at patakbong lumapit sa amin kasama ang isang lalaki. "S-siya na ba ang nawawala kong anak? Kuhang kuha niya ang ginto mong mata James." sabi ng babae at mas lalo pang inilapit ang mukha niya sa akin upang suriin ako. Lumayo naman ako ng kaunti dahil naiilang ako sa ginagawa niya. "Teka sino ba kayo?" nalilito kong tanong sa kanila. Habang tinititigan ko ang babae ay ngayon ko lang napagtanto na siya ang babaeng nasa larawan. Siya yung babaeng gusto ni Prinsepe Red. "Kami ang iyong mga magulang Bella. Matagal ka na naming hinahanap. Ang buong akala namin ay wala ka na ngunit itinago ka pala ni Red. Napaka-walang puso niya talaga." sabi naman ng lalaking kasama nito. "Kung ganon, kayo ang mga magulang ko. Bakit? Bakit ngayon niyo lang ako natagpuan." tanong ko sa kanya. "Habang namamasyal ako sa Alfhiem nakita ko kayo ni Red na namamasyal din. Kaya naisip ko na sundan siya dahil nagbabakasakali akong ikaw ang nawawala kong kapatid na bigla nalang dinakip habang natutulog kami. Walang makapagsabi kung sino at ano ang dahilan kung bakit ka dinakip kaya palihim akong nag-imbistiga. Hanggang sa narinig ko ang pag-uusap ninyo ng babaeng may katawang ibon." mahaba niyang litanya. "Nako baka pagod ka pa sa paglalakbay ninyo. Siguro ay doon nalang natin ito pag-usapan sa palasyo. Upang masagot ang lahat ng katanungan ni Bella." sabi naman ng lalaki. "Ano pong pangalan ninyo?" tanong ko habang naglalakd kami patungo sa palasyo. "Ako si Reyna Lezlie ang iyong ina at siya aman ang iyong ama na si Haring James." sagot ng babae sa akin. Kung ganon ay isa palang hari at reyna ang mga magulang ko. Ibig sabihin ay isa akong prinsesa? Ibig sabihin hindi nalalayo ang estado namin ni Prinsepe Red dahil isa din akong Prinsesa. Bigla tuloy akong nalungkot ng maalala ko ang narinig kong pag-uusap nila Prinsepe Red at Haring Surtr. "Bakit po pala ako dinakip ni Prinsepe Red?" tanong ko sa kanila. (My Hot Professor Is A Vampire malalaman niyo lahat parang ito yung book 1) "Mahabang Kwento anak. Ngunit ang nasisiguro ko lang ay gusto niyang makaganti sa nagawa namin sa kaniya at sa kanyang kapatid. Masyado kasi siyang naging gahaman sa kapangyarihan at binura niya ang aming mga alaala upang mapasakanya ang iyong magulang at ako naman ay sa kanyang kapatid na si Acrine. Ngunit hindi lang yun ang nais niya hindi pa siya nakontento sa dalawang kaharian na sinakop niya dahil sinakop niya pa ang kaharian ng mga werewolves at kinuha ang makapangyarihang kwintas na pagmamay-ari ng halimaw na naninirahan sa Muspelhiem upang magkaroon ng malakas na kapangyarihan." sabi ng aking ama. ~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD