CHAPTER 12

1148 Words
Hanggang ngayon ay hindi parin maialis sa isip ko ang mga nalaman ko. Hindi ako makapaniwala na gagamitin lang ako ni Prinsepe Red upang makaganti sa mga magulang ko. Ngunit sa kabila ng lahat alam kong may kabutihan parin sa kanyang puso at ramdam ko ito ng mga nagdaang araw. Hindi niya ako pinagmamalupitan at nagiging mabuti na ang pakikitungo niya sa akin. Ngunit hindi ko naman akalaing may kapalit rin pala ang lahat ng iyon. Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatanaw sa kisame ng aking silid. Kasalukuyan akong nandito nakahiga sa napakalambot kong kama matapos kong maligo sa napakandang banyo ng silid na ito at suot ang napakagarang damit. Ganito pala ang pakiramdam ng mabuhay na parang prinsesa ngunit sa kabila ng karangyaang tinatamasa ko ngayon ay parang may kulang parin. Siguro ay hindi lang talaga ako sanay na ganito ang nararanasan ko ngayon. At dahil malapit ng sumikat ang araw ay kailangan na naming matulog. Ito ang oras ng pagtulog ng mga bampira. Nakakatuwa dahil hindi sila kumakain ng karne dahil ang kinakain lang nila dito ay dugo ng tupa at prutas. Sa kaharian ng muspelhiem tangging mayayaman lang ang pweding kumain ng karne na mula pa sa Midgard at sa mahihirap naman at tagasilbi ay prutas. Yun ang tangging kabayaran sa pagsisilbi nila sa palasyo. Natatakam na tuloy akong kumain ulit ng karne. Parati kasi akong tumatakas ng pagkain kapag naka toka ako sa kusina. Dahil sa kulang ang kinain kong prutas kanina ay lumabas ako para kumuha ulit ng panibagong pagkain. "Oh, bakit gising ka pa?" tanong ni Cresent sa akin at kasama niya nanaman ang puting halimaw. "Kulang kasi yung kinain ko kanina. Nahihiya namana akong kumuha ng marami." sabi ko sa kanya napangisi naman siya sa sinabi ko. "Tara kukuha tayo ng prutas." sabi niya sa akin kaya naglakad kami pababa ng hagdan. Kumuha ako ng maraming prutas na nasa basket. "Wala ba kayong karne dito?" tanong ko sa kanya. "Wala, dahil ang mga dugo ng tupa ang nagsisilbi naming pagkain at kung kulang pa ay kumakain kami ng prutas. Ang mga karne ay nandoon sa lugar ng Werewolves." sabi niya sa akin. "Saan ba yun. Kanina pa kasi ako natatakam na kumain ng karne kaya hindi ako makatulog ng maayos." sabi ko sa kanya. "Sige, ikukuha kita ng karne bukas." sabi niya sa akin. "Salamat." sabi ko sa kanya at nagpatuloy na sa pagkian ng iba't-ibang prutas. "Ano bang tawag sa puting halimaw na kasama mo?" tanong ko sa kanya habang naka tingin sa halimaw. Napatawa naman siya sa sinabi ko. "Hindi halimaw si Luna. Isa siyang puting lobo." sabi niya naman aa akin kaya napatango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Palubog na ang araw ng magising ako at sumasakit ang tyan ko dahil sa mga halo halong prutas na kinain ko kaninag umaga. "Magandang gabi mahal na Prinsesa." bati sa akin ng isang taga silbi ng makababa ako ng hagdan at nagtungo sa kusina ng palasyo dahil nakakaamoy ako ng Karne ng baka. Naabutan ko doon si Cresent na nagluluto ng Karne. Lumapit ako sa kanya at kumuha ng isa hiwa ng luto na karne. *nom-nom-nom* Ang sarap talaga ng inihaw na karne ng baka. Grabe ang sarap talaga. "Maganda gabi kapatid ko." bati niya sa akin habang naka ngiti. "Maganda gabi rin. Saan ka ba kumuha ng karne ng baka?" tanong ko sa kanya. "Sa Kaharian nila Haring Wolverious isa ako na may naghatid sa kanila ng mga karne kaya humingi ako." sagot niya kaya napatango naman ako habang ngumunguya. "Bago ko nga pala makalimutan. May isasagawang kasiyahan dito sa palasyo bukas ng gabi dahil nakabalik ka na. May pupunta dito mamaya para sukatan ka ng magiging damit mo." sabi niya sa akin habang nagpapaypay. "Talaga. Nakakatuwa pakiramdam ko nasa isang napakagandang panaginip ako." sabi ko sa kanya. "Hindi ka nanaginip Bella." sagot niya at nagpatuloy sa pagpaypay. Red's POV Napahiyaw ako sa inis habag nagwawala sa aking silid at kinakalat lahat ng gamit ko. "Bella!!!" sigaw ko sa pangalan niya. Hindi ako makapaniwala na matutunton kami ng panganay na anak ni James dito sa Muspelhiem. Tok.Tok "Kamahalan..." tawag pansin sa akin ng isang kawal. "Anong kailangan mo?" naiinis kong tanong sa kanya. "May isasagawa pong kasiyahan sa palasyo ng Allenswoth bukas ng gabi dahil bumalik na po ang nawawalang prinsesa." balita niya sa akin. "Sige, makakaalis ka na." pantataboy ko sa kanya. Napangisi ako dahil sa balitang sinabi niya. Tsk. Sisigimuraduhin kong maibabalik kitang muli dito sa Muspelhiem. Bella's POV "Ayan, ang ganda niyo po mahal na Prinsesa." puri sa akin ng isa kong taga silbi matapos niyang ayusin ang buhok ko at pinasuot ako ng magarang damit na kulay pula. "Mahal na Prinsesa hindi sa umuusisa ako ngunit gusto ko lang malaman kung ilang buwan na po ang dinadala niyo?" tanong niya sa akin. "D-dinadala?" kunot noo kung tanong sa kanya dahil hindi ko mawari ang ibig niyang sabihin. "Hindi po kasi pangkaraniwan ang laki ng tyan niyo at parati po kayong maghahanap ng karne." sagot niya sa akin kaya napanganga naman ako at kinapa ang aking tyan. "Ang ibig niyo po bang sabihin ay b-buntis po ako?" gulat kong tanong sa kanyanat tumango siya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman dahil sa nalaman ko. Kung matutuwa ba ako o hindi. Ngunit kahit na hindi ako mahal ni Prinsepe Red ay mamahalin ko parin ang magiging anak namin. "Siguro nga po. Ngunit nakakalungkot lang hindi kami mahal ng ama niya." napait naman akong ngumiti sa kanya. Alam ko naman kasi tawag lang ng laman ang nararamdaman sa akin ni Prinsepe Red at hindi pagmamahal. "Tara na Bella nasa baba na ang mga bisita." sabi ni Cresent na bigla nalang sumusulpot. "Maraming salamat... Ah ano nga po ulit ang pangalan niyo?" tanong ko sa kanya at napakamot naman ako ulo ko. "Susan." sagot niya sa akin. "Maraming salamat po manang Susan." sabi ko naman sa kanya at ngumiti ganon din ang ginawa niya ngumiti din siya at tumango bago kami lumabas ng kwarto ni Cresent at bumaba sa hagdan. Ngunit wala palang kami nakakababa ay sumigaw na ang lalaking tinatawag nilang buttler na Simon ang pangalan. "Mga panauhin narito na ang aming mahal na Prinsepe Cresent Kaisler kasama ang mahal na Prinsesa Bella na higit labing pitong taon na nawalay sa kaharian ngayon may nagbalik na!" anunsiyo ni Simon at nagpalakpakan naman ang lahat at namamanghang nakatingin sa akin. "Mabuhay ang pamilyang Allensworth!" sigaw ni Simon at sinabayan naman siya ng mga madla. Puro mga papuri ang mga naririnig ko sa kanila. "Tara na." sabi ni Cresent at naglakad na kami pababa ng hagdan habang ako naman ay nakahawak sa kanyang braso. Nakakatuwa dahil marami akong mga nakilala na galing pa sa ibang mundo at ibang lugar. ~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD