CHAPTER 13

980 Words
Red's POV "Red." tawag sa akin ni Surtr ng makapasok na siya ng aking silid habang ako naman ay abala sa paguhit ng pentagram upang maka punta sa Romgar. "Anong kailangan mo?" malamig na tanong ko sa kanya. Hindi sana sumama si Bella sa lalaking yun kung hindi dahil sa pagiging pakialamero ni Surtr. "Ganyan ka na talaga makipag-usap sa hari? Sabagay mukhang ako ang sinisisi mo sa pagkawala ni Bella ay hindi sa pagsama niya sa kapatid niya." sabi niya sa akin. "Surtr kung wala ka namang matinong sasabihin pwede bang umalis ka na." nagtitimpi kong sabi sa kanya. Hindi ko siya pweding kalabanin dahil sa oras na gagawin ko yun tiyak na mapapalayas ako sa Musplehiem. "Ikaw saan ka pupunta?" maang-maagan niyang tanong. "Wala ka na doon." napapikit kong sabi sa kanya. "Ah alam ko na. Sa pagdiriwang sa kaharian ng Allenswoth kung hindi ako nagkakamali." sabi niya sa akin na may nakakalokong ngiti. Kaunti nalang talaga! "Wala ka na doong pakialam." inis kong sabi sa kanya. "Syempre may pakialam ako. Susugod ka doon mag-isa para ano para sapilitang kunin si Bella? Sa tingin mo sasama siya sayo matapos niyang malaman ang lahat ng baho mo. Kung ako sayo magpahupa ka muna ng galit at mag-isipisip kung paano mo ulit makukuha ang tiwala niya. Ano ka ba parang di ka nakaranas paano sumuyo ng babaeng nagtatampo. L-O-S-E-R." sabi niya sa akin saka umalis ng aking silid. Kahit papaano ay may matinong isip din pala ang letseng yun. Syempre nakagawa na ako ng pentagram kaya napagdesisyunan ko na pumunta doon para makita si Bella kahit na sa malayo. Halos hindi ko siya makilala dahil sobrang ganda niya ngayong gabi. Oo aaminin ko maganda na siya dati pero mas gumanda pa siya ngayon. Lalong lalo na suot niya ang pulang gown na mas lalong nagpapatingkad sa maputi niyang balat. Matapos niyang makipag-usap sa ibang mga bisita ay lumabas na siya ng palasyo at nagpunta sa hardin kaya palihim ko siyang sinundan. Namitas siya ng pulang rosas at inamoy ito. Naglakad siya papunta sa tabing dagat at naupo dito habang pinagmamasdan ang maliwanag na buwan. Hinimas niya ang patag niyang tyan at may binubulong. Hindi ko marinig dahil nasa malayo ako't nagmamasid. Gustong gusto ko siyang lapitan, yakapin at halikan ngunit alam kong galit parin siya sa akin. "Bella!" sigaw ng boses lalaki kaya napalingon rin ako sa kinaruruonan nito. Naka sakay siya sa isang napakalaki at puting lobo. Hindi ko magkakamali. Siya nga yung panganay na anak ni Red at ni Eliz. Nag-uusap sila doon habang nakatingin din sa buwan. Siguro nga kailangan ko munang makontento sa ngayon. Sa huli napagdisesyonan ko ng bumalik sa Muspelhiem pero sa hindi ko inaasahan ay pagbukas na pagbukas ko palang ng aking silid ay naroon si Hel prenteng nagkaupo sa aking higaan habang hinihintay ako. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Nandito lang naman ako para maningil na ng utang mong buhay." sabi niya sa akin at tumayo at naglakad papalapit sa akin. "Gusto kong ialay mo na si Bella sa akin sa lalong madaling panahon. Lalong lalo na ngayon na nagdadalang tao siya. At dahil anak mo naman ang dinadala niya ay kukunin ko narin. Hindi ko na kailangan ng anak mo sa babaeng mahal mo dahil mas malakas ang kapangyarihan ng batang dinadala niya ngayon at ramdam ko yun." sabi niya sa akin at naglibot-libot sa aking silid. "Ngunit hindi pa siya umabot sa edad na 18." inis na tugon ko sa kanya. "Umabot man siya o hindi gusto kong gumawa ka na ng hakbang upang bawiin siya ka kamay ng mga Allensworth. Dahil kung hindi mo gagawin yun ay ikaw ang malalagay sa panganib." sabi niya at naglaho na siya na parang bula. Napabuntong hininga nalang ako. Ngunit hindi ko parin mapigilang mapangiti dahil sa nalaman ko. Nagdadalang tao si Bella at magkakaroon na kami ng anak. Kaya pala hinihimas himas niya ang tyan niya kanina at mukhang kinakausap niya ang anak namin. Ngunit nakakalungkot lang dahil iaalay ko na siya kay Hel kahit wala pa siya nasisilang ay hindi ko manlang siya masilayan kahit isa bago ko siya ibigay kay Hel. Bella's POV Lumabas muna ako saglit sa palasyo upang magpahangin. Mendyo nahihilo kasi ako sa dami ng tao at napapagod din ako kakalakad at makipag-usap sa mga bisita. Naglakad ako hanggang sa dulo ng dalampasigan. Napakagandang pagmasdan ang bilog at maliwanag na buwan. Napapaisip tuloy ako kung ano ang ipapangalan ko sa magiging anak namin ni Red. "Anak ano kaya ang magandang ipapangalan ko sayo?" tanong ko sa anak ko habang hinihimas himas ang aking maliit na tyan. "Napakaswerte mo dahil lalaki ka sa napakagandang lugar na ito. Di tulad sa lugar na kinalakihan ko. Dito mahangin maganda ang klema maraming puno at bulaklak. Makakapaglaro ka kung kailan mo gusto. Walang mag-aalipin sayo dito. Hindi ka makakaranas ng mabibigat na trabaho." sabi ko naman habang kinakausap ang aking tyan. Alam ko naman na wala pa nabubuo ang tenga niya kaya hindi niya pa ako naririnig. Pero nakakatuwa lang. Gusto ko lang siyang kausapin. "Bella!" sigaw ni Cresent mula sa likuran ko. Tumabi naman siya sa akin na umupo sa buhangin at nagkwentuhan lang kami doon. Nag-uusap kami kung ano ang magandang pangalan ng magiging anak ko. Nakakatuwa nga dahil ang pangalan niya ay si Prinsepe Jeo ang nagbigay at ang isa niya namang pangalan ay ang Hari ng mga werewolves na si Haring Wolverious. Mga ilang saglit pa ay nagpasya na kaming bumalik sa kasiyahan. "Anak nariyan lang pala kayo." nag-aalalang sabi ni Ina sa akin at timakbong lumapit sa amin at niyakap ako. Isang napaka lambing at komportableng yakap ng isang ina na napakatagal ko bago maranasan at maramdaman. ~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD