CHAPTER 1

945 Words
Red's POV "Paanong?" takang tanong ko sa sarili ko. "Nabuhay kang muli dahil isinakripisyo ng kapatid mo ang kanyang munting bubay." sagot naman ng higanteng babaeng kalansay sa harapan ko. Sabay turo ng mga buto na nakakalat sa gilid ko. "Garm itapon mo na ang kalat sa labas" utos niya sa malaking asong nasa gilid niya. "Nagawa niya na ang isang kondisyon ngayon naman ay may natitira pang dalawang kondisyon na kaylangan mong gawin." sabi niya naman sa akin. "Ano naman yun?" tanong ko sa kanya. "Hmm... Una, Dakipin mo ang anak na babae ng hari at reyna ng mga bampira. Mamalagi siya sa poder mo hanggang umabot siya sa edad na 18 bago mo siya ialay sa akin. Pangalawa, ialay mo sa akin ang una mong magiging anak mula sa babaeng minamahal mo. Maswerte ka nalang kapag naging kambal ang inyong anak dahil tag-isa tayo." yun ang mga kondisyon niya. "Ano bang pakulo ito? Ayaw kong makapiling ang supling ng taong kinamumuhian ko! At paano ko nakakasigurado na kambal ang magiging anak namin ni Eliz papaano kong isa lang siya?" sagot ko naman sa kanya. "Hindi mo alam ang iyong hinaharap bampira. Bastat sundin mo nalang ang nais ko upang humaba ang bubay mo. Ano deal?" tanong niya sa akin. "Deal." sagot ko sa kanya bago bigla nalang may kung anong liwanag na pumasok sa akin. Kaya napaubo ako. "Kapag hindi mo sinunod ang kagustuhan ko ay mamatay ka. Bago ko nga pala makalimutan pumunta ka sa Mispelhiem sabihin mo kay Surt na ako ang nag-utos sayo na mamalagi doon habang ginagawa mo ang misyon mo. Maari ka nang umalis." sabi niya sa akin at bigla nalang nawala. "Aaahh!" daing ko at bigla akong napasigaw sa sobrang gulang nang bigla nalang akong kinalmot ng asong ulol. Bigla nalang nagliwanag ang tinatapakan kong pentagram at napunta ako sa nagliliyab na lugar. Ito na ba ang Muspelhiem? Ibig sabihin dito naka tira ang hari ng Apoy. Agad akong naglakad papunta sa tarangkahan ng kanyang palasyo. Nang makarating ako doon ay agad na sumalubong sa akin ang lalaking naka suot ng kulay itim na polo at pantalon at may pulang kapa. At ang kanyang buhok naman ay pinaghalong pula at itim. "Anong ginagawa mo dito sa aking kaharian bampira?" tanong niya sa akin ng makita niya akong nakatayo sa tarangkahan ng palasyo niya. Nakakalula ang laki nito kumpara sa ordinaryong palasyo. Mas doble ang laki ng palasyo niya kaysa sa palasyo ni Hel. At may mga talon pa sa gilid ng palasyo na ang dumadaloy at bumabagsak na tubig ay kumukulong putik. "Iniutos sa akin ni Hel na dito muna ako mamalagi habang ginagawa ko ang aking misyon." sagot ko naman sa kanya. "Oh sige maari ka nang makapasok." sagot niya sa akin at agad naman akong tumakbo at lumapit sa lanya. Habang naglalakad kami sa pasilyo ay tinanong niya sa akin kung ano nga ba ang misyon na pinag-utos sa akin ni Hel. Sinabi ko naman sa kanya ang lahat ng pangyayari simula sa aking muling pagkabuhay. "Ah ganon ba, napakawalang kwenta naman pala." seryosong sagot niya sa akin ngunit ng maka talikod siya ay nakita ko siyang ngumiti na para bang alam niyang may ginagawang laro nanaman si Hel. Kung ano mang plano niya bahala na. *** Andito ako ngayon naka tanaw sa bintana kung saan natutulog ang mag-asawang hari at reyna ng mga bampira. Agad kong nilipad ang mataas na palapag ng palasyo. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag tumingin sa natutulog na mag-asawa. Agad kong kinuha ang kanilang munting prinsesa sa maliit niyang higaan. Matapos kong gawin ang misyon ko ay agad na din akong bumalik sa Muspelhiem. Tinitigan ko ang sanggol mahimbing na natutulog sa aking higaan. Hindi ko ba pweding ibigay nalang agad ito kay Hel? Nandidiri na ako sa pagmumukha niya dahil nakikita ko ang pagmumukha ni James sa kanya. Agad akong lumabas ng kwarto at dumeretso sa tinutuluyan ng mga alipin habang bitbit ang sanggol nila Eliz. Nadatnan ko ang isang alipin na kalahating donkey at kalahating tao ngunit mukha rin itong matanda na at may kulot na magulong buhok at may tenga ng isang donkey. Ibinigay ko sa kanya ang sanggol na hawak ko. "Kamahalan ano pong gagawin ko sa sanggol na ibinigay niyo?" tanong niya sa akin habang hawak hawak ang sanggol. "Gusto kong ikaw muna ang magbantay sa kanya habang siya'y maliit pa. Kapag malaki na siya at kaya niya na ang ibang mga gawain dito sa palasyo ay siya ang kasama niyo sa mga gawain na yun. Maliwanag ba?" Sagot ko sa kanya. "Maliwanag po. Ngunit ano naman ang itatawag ko sa kanya. Ano po ba ang pangalan niya?" tanong niya naman sa akin. "Tawagin mo siya sa pangalang.... Bella." sagot ko sa kanya habang napapaisip ng marinig ko ang tunog ng kampanilya. "Bella." ulit ko sa magiging pangalan ng sanggol. "Sige na maari ka nang umalis. May mga trabaho ka pang gagawin." sabi ko naman sa kanya bago umalis. "Saan mo naman kinuha ang sanggol na yun?" tanong naman sa akin ni Surt nang makarating ako sa sala ng palasyo at nakita ko diyang printeng naka upo dito. "Alam mo naman kung ano ang misyon na inutos sa akin ni Hel diba?" sagot ko naman sa kanya. "Oo na oo na ikaw na. Sa tingin mo ano kayang laro ang gustong laruin ni Hel?" tanong niya sa akin habang makangisi. "Bahala siya, basta kailangan ko lang gawin ang inuutos niya matapos ito ay wala na akong pakialam." sagot ko naman sa kanya at dumeretso na sa aking kwarto. ~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD