NAGISING si Niomi dahil sa tumunog ang kanyang cellphone. Tinignan niya muna ang oras, magtutwo o'clock na ng hapon at hindi pa rin siya nakakakain ng umagahan pati na rin ng tanghalian.
Pagkatapos kasi niya umiyak kaninang umaga ay umakyat agad siya sa kanyang kwarto at natulog ulit.
"Hello?" wika niya nang sagutin na niya ang tumatawag sa kanya.
"Aemie? This is Sean. Please, help me." bakas sa pananalita ni Sean na worried ito. Napakunot-noo na lang si Niomi sa sinabi ni Sean sa kanya
"Help? Saan? Bakit? Ano meron?" nagtatakang tanong niya.
"It's my dad. Sinet-up na naman niya ako sa isang babae." sa puntong iyon gusto niyang tumawa pero halata na sa boses ni Sean ang frustration kaya nakinig na lamang siya "Mababaliw na ako dito. Please, please… I need you to come here."
Nasa Laguna si Niomi sa mga oras na 'yon at alam niyang nasa Manila si Sean... Pero tinanong pa rin niya si Sean kung nasaan ito just to make sure. "Nasan ka ba ngayon?"
"I'm at Seda Nuvali Laguna. Do you know how to come here?" He asked her. "If you don't know, I'll just book you a car ride… just please help me out."
Literal na lumaki ang mata niya dahil sa kanyang narinig. "Small world nga naman." mahinang wika niya
"What? Do you know how to… Aemie?" nagtatakang tanong ni Sean.
"Wala! Sabi ko pupuntahan na kita diyan."
She hung up. Hindi na niya inantay ang sasabihin ni Sean at nag-ayos na siya agad.
Nagpalit na lang siya ng damit pagkatapos ay umalis na agad ng kanilang bahay. Nag-book siya ng taxi at saka pumunta sa hotel na nabanggit ni Sean. Medyo malapit lang naman ang hotel sa kanilang bahay pero nag-taxi na lang siya para mas mabilis na makapunta doon. Isa pang dahilan ay tinatamad siyang mag-drive ng kotse niya.
Tinext niya agad si Sean nang makarating siya sa hotel, mabuti na lang ay nagreply agad ito sa kanya at sinabi nito kung nasaan siya. Nang nasa tapat na siya ng restaurant na sinabi ni Sean ay doon lang siya nakaramdam ng kaba. Hindi niya alam kung sino ang makakaharap niya doon.
Tinext niya muli si Sean.
To: Sean
Ayoko na. Uuwi na ako. Di ko ata kaya na pumunta diyan sa loob baka sabunutan ako nung babae na gusto ni Mr. Choi ipakasal sayo.
Nang sinend niya iyon inabot na ng tatlong minuto pero hindi pa nagrereply si Sean kaya pumasok na lang siya sa loob ng restaurant. Wala na siyang magagawa. Nandoon na rin naman siya, aatras pa ba siya?
Mas lalo siyang kinabahan nang tuluyan niyang makita Sean. Nakita na niya ang tatay nito pati ang babae na gustong ipakasal sa kanya ni Mr. Choi. Nandoon din ang magulang ng babaeng ipapakasal kay Sean.
Kinakabahan na siya kasi ngayon niya lang iyon gagawin. Ni hindi niya nga alam bakit siya pumayag kay Sean, eh.
Bakit ba kasi ako pumayag? Bakit ba kaibigan ko 'tong isang 'to? Gumulo lalo buhay ko simula nang kinausap niya ako sa park nang nakipagbreak sakin si Joshua, eh.
She sighed.
It's now or never! Naglakad na siya ng papunta sa table nila Sean.
Hindi siya agad napansin ng tatay ni Sean dahil busy ito at kausap nito ang babaeng sinet-up nito sa anak niya, mabuti na lang ay nakita siya agad ni Sean at pinuntahan naman siya nito.
"Sasakalin talaga kita pagkatapos nito." mahinang wika niya at sinigurado niyang si Sean lang ang nakarinig non.
"Whatever." sabi ni Sean.
"Whatever pala, ah? Iwanan kita dito, eh."
"No!" napalakas ang boses ni Sean at doon nila nakuha ang atensyon ni Mr. Choi pati na rin ang magulang nung babaeng sinet-up kay Sean at yung babae.
Nakita niyang nakakunot ang noo ang tatay ni Sean at nakatingin ito sa kanya "Aemie? What are you doing here?" halata sa boses ni Mr. Choi na iritado ito.
Kinabahan siya dahil sa tanong nito. Hindi na siya mapakali. Mas kinabahan siya dahil sa tanong ni Mr. Choi kasi in the first place dapat wala siya doon at dapat hindi niya pinapakiaalaman kung ano ang gusto ni Mr. Choi para kay Sean.
"Ah.. Mr. Choi... Uhmm.." hindi niya talaga alam ang sasabihin niya. Pakiramdam niya hihimatayin siya ng wala sa oras.
"Mr. and Mrs. Song," narinig niyang wika ni Sean doon sa magulang ng babaeng sinet-up sa kanya. Tumingin naman sila kay Sean. "Remember what I said earlier? I can't marry your daughter because of her." tinignan ni Sean si Niomi at inakbayan ito "She's my girlfriend." nakita niyang ngumiti pa si Sean.
Mas lalo siyang kinabahan sa sinabi nito kasi halata na ang pagka-dismaya sa mukha ng magulang ng babaeng sinet-up kay Sean.
"Oh? But your father keeps on insisting that you don't have a girlfriend. Are you guys fooling us?" tanong ni Mrs. Song. “Just tell it to us right now. Don’t waste our time. Sean.”
"No, Mrs. Song. It's just that..." panimula ni Mr. Choi.
"Excuse me, we need to go. I’m so sorry Mr. and Mrs. Song, especially to you Amy. My dad will just explain on my end." yun na ang huling sinabi ni Sean pagkatapos ay hinila na siya nito palabas ng restaurant.
Bago pa sila tuluyang makalabas ng restaurant ay pakiramdam niyang nahihilo na siya. The next thing she knew? Black na ang buong paligid niya.
PAGKAMULAT ng mata niya nakita ni Niomi na nakakunot-noo si Sean sa kanya.
"Nasaan ako?" nagtatakang tanong niya.
"Nasa emergency room." naiinis na wika ni Sean "You fool!" sabi ulit nito pagkatapos ay pinitik nito ang noo niya.
"Aray! Oh, ano bang ginawa ko?" sabi naman ni Niomi pagkatapos ay hinaplos niya ang noo niyang pinitik ni Sean.
"Nahimatay ka daw dahil sa gutom. Aish. Bakit di ka kumain? Magti-three pm na ng hapon, Aemie." iritadong wika ni Sean.
"Tss. Stop acting like you're my boyfriend, minsan talaga di kita maintindihan, Sean. Magkaibigan lang tayo okay?" Inis na sabi naman niya.
"You didn't answer my question, Aemie. And yes we're just friends alam ko yon. Masama bang maging concern sayo?" wika ni Sean at umiling ito.
"Okay, fine. May nangyari kasing di maganda kanina kaya di na ako nakakain."
Pinitik ulit ni Sean ang noo niya
"Aray ah! Sean naman! Sasakalin na talaga kita!"
Sean sighed. "Tara na nga. Saan mo gusto kumain? Papakainin kita."
"Sa Popeyes. Their chicken is so good." nakangiting wika niya.
"Oh, really? Ang dali mo namang pakainin." Sean uttered and then he talked to the doctors first and when the doctor told them that they’re good to go, they left the emergency room. Hinila ni Sean ang kamay niya at nakaramdam na naman siya ng bilis ng t***k ng kanyang puso. Naramdaman na niya iyon noong isang araw eh...
HINATID siya ni Sean sa kanilang bahay pagkatapos nila kumain sa Popeyes.
Papasok na dapat siya sa loob ng bahay niya ngunit bigla siyang tinawag ni Sean.
"Aemie?"
"Bakit?"
"Pwede ba na diyan muna ako sa inyo matulog?"
Lumaki ang mata niya sa tanong nito "Are you kidding me? Nandito sila Mama."
"What's wrong with that? Makikitulog lang naman ako?"
Hindi pa niya nasasagot ang tanong nito nang biglang lumabas ang Mama niya at tinanong pa nito kung sino si Sean.
"Kaibigan ko po, Ma. Si Sean."
"Good evening po." sabi naman ni Sean habang nakangiti at nag-mano sa Mama Ann ni Niomi.
"Gabi na. Bakit di ka pa umuwi, hijo? Wag mong sabihing umaakyat ka ng ligaw dito sa anak ko? Ngayon pa lang sinasabi ko na bawal ligawan itong si Mie. Lalo na't di pa siya okay dahil kakagaling niya lang sa break-up...."
Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa kanyang mukha pagkatapos at yumuko "Ma naman. Di mo na kailangan sabihin yan..."
"No, Mie. Dapat alam niya na..."
Tumango si Sean "Alam ko naman po, Ma'am. Joshua broke her heart on their third anniversary. She told me about it.”
Hinampas niya sa dibdib si Sean "Isa ka pa! Sasakalin talaga kita diyan." inis na wika niya kay Sean.
Tumawa lang ang kanyang Mama Ann "Oh sya, bakit nandito ka pa, Sean?"
Medyo naging worried ang mukha ni Sean at tila nag-aalangan pa sa itatanong niya "Can I sleep here for the night? Sa Manila pa po kasi yung bahay ko, kung aalis po ako ngayon aabutin na ako ng dilim sa bundok habang nagdadrive ako..." Napansin ni Sean na nag-iba ang aura ng Mama Ann "Pero if you don’t want po, okay lang din naman po. Nagbabakasakali lang naman po ako na ku---"
Tumingin ang Mama ni Niomi sa kanya bago muli tumingin kay Sean. "Okay lang hijo, pero may kondisyon ako sayo."
"Whatever the condition is, it’s fine with me, Ma’am." masayang wika ni Sean.
Tumango si Mama Ann "Tulungan mo si Mie na paghuli ng isda sa fish pond namin bukas at saka magputol ng kahoy na panggatong."