Ten

1172 Words
NAGLALAKAD na si Niomi papunta ng bahay nila sa Laguna. Namalengke kasi sila ng kanyang Mama Ann. Nagleave siya sa trabaho niya sa Manila dahil kinabukasan ay birthday na ng kanyang kapatid. Natuwa nga si Niomi dahil pinayagan siya ng kanyang boss na magleave for three days. Umuuwi kasi talaga sila Niomi sa bahay nila sa Laguna kapag may mga celebrations sila kagaya na lamang ng birthday ng kapatid niya.     Isa siyang Writer sa isang malaking kompanya at bihira lang siyang pinapayagan na magleave lalo na't madami silang trabaho ngayon sa kompanya dahil sunod-sunod na ang release ng kanilang iba't ibang books at magazine. Kaya na lang tuwang tuwa siya dahil pinayagan siya mag-leave.       "Mie, bilisan mo na riyan at magluluto pa tayo ng umagahan natin." wika naman ng kanyang Mama Ann.     Binilisan niya lang ang kanyang paglakad para naman mahabol niya agad ang Mama Ann niya kaso biglang nasira ang kanyang tsinelas at muntikan na siyang matapilok mabuti na lang may nakasalo sa kanya.         Pagtingin niya sa sumalo sa kanya napakunot-noo na lang siya nang makita niyang si Joshua iyon. Ano naman ginagawa nung lokong ‘yan dito? Sa bahay pa talaga namin sa Laguna?     "Mie, bilis-—" narinig niyang wika ulit ng kanyang Mama Ann. "Oh Joshua? Nandito ka na pala?" nakita niyang ngumiti si Joshua at tumango "Iwan ko muna kayo dito. Akin na muna yan, Mie." at kinuha na nga ng tuluyan ng kanyang Mama Ann ang bitbit niyang pinamalengke nila at iniwan na sila doon.     Nang silang dalawa na lang ang naiwan doon, nagsalita muli si Niomi. "Bakit ka nandito?" nakakunot-noong sabi niya kay Joshua "Saka ano ba? Bitawan mo nga ako." inis na wika niya ngunit ngumisi lang si Joshua.     "Wala man lang 'thank you'? I save your life, Mie. Muntikan ka ng masubsob, kung di kita nasalo, baka may galos ka na ngayon." sa tono ng pananalita ni Joshua malapit na siyang maniwala na kahit kaunti ay nag-alaalala ito sa kanya ngunit naalala na naman niya ang sinabi nito sa kanya nang nakipagbreak ito sa kanya.     "I'm serious, Niomi. Nagsasawa na ako. Sawang-sawa na ako. Ayoko sayo. Hindi kita mahal. Hindi naman kita minahal e. Pinaglaruan lang kita. You're not even my type. Masyado kang low para sa akin. I don't wa—"     "Oh come on, Joshua. Nagbabait-baitan ka dahil nandito ka ngayon sa bahay namin? Kung di lang ako nasaktan, maniniwala akong nag-aalala ka pa din sakin eh." wika niya at saka inalis niya ang kamay ni Joshua na nakahawak sa kanyang beywang.     Inalis niya na rin ang kanyang suot na tsinelas dahil baka madisgrasya pa siya kapag pinilit niya iyong suotin hanggang sa makapasok siya ng kanilang bahay.     "Mie, naman. Concern naman talaga ako sayo." malambing na wika nito sa kanya "We can still be friends naman eh, saka magkaibigan ang parents natin, for sure lagi pa rin tayo magkikita."      "Mie? Tinawag mo na naman akong 'Mie'? Wag mo na akong tawaging 'Mie' dahil ang tumatawag lang sakin na Mie ay yung Joshua na minahal ako at yung Joshua na inalagaan ako. At hindi ikaw yon. Ibang-iba ka na sa Joshua na nakilala ko three years ago!" inis na sabi niya at saka tinalikuran na ito.     Naramdaman niyang hinawakan ni Joshua ang kanyang kamay pero iniwas niya agad ang kamay niya kay Joshua.     "Mie naman....Kung di mo pa ako napapatawad sa pakikipagbreak ko sayo last week, please naman subukan mong maging mabait sa akin kahit hanggang bukas lang. Birthday bukas ng kapatid mo at iyon talaga ang dahilan kung bakit ako nandito," narinig niya pa ang pagbuntong-hininga nito "Your mom wants me to help you to prepare for your sister's 18th birthday at kung mag-aaway lang tayo di natin mapeprepare ng maayos ang dapat maprepare para bukas."      Hinarap niya muli si Joshua "Mabait? Gusto mo akong maging mabait sayo?" pakiramdam niya ay tutulo na ang kanyang luha, sinusubukan niyang kumalma pero parang di na niya kaya... "Bakit, Joshua? Naging mabait ka ba sa akin noong nakipagbreak ka sa akin last week? For Pete's sake Joshua! Last week lang yon! Sa tingin mo makakarecover agad ako?"     She want to say hurtful things to Joshua pero hindi niya magawa kaya hinahampas niya na lang ito sa dibdib nito at ang kanyang luha ay tuluyan nang tumulo. "Ako ang nasaktan dito, Joshua! Tapos gusto mo maging mabait agad ako sayo? Naiinis ako sayo! Sobra! Sa dami-dami ng araw, bakit sa anniversary pa natin!? You’re f*cking cruel!"      Sobra siyang naiinis. Sa mga oras na yon lang niya nailabas ang kanyang sama ng loob dahil noong nakipagbreak si Joshua sa kanya last week ay hindi naman niya nasabi lahat ng gusto niyang sabihin kasi na rin iniwan siya agad noon ni Joshua dahil may pupuntahan pa raw ito. Bullsh*t.     Hinahampas pa rin niya si Joshua sa dibdib nito at wala pa rin itong ginagawa sa kanya. Iyak na siya ng iyak kaya nagulat na lang siya nang bigla siyang yakapin ni Joshua. "Ano ba? Stop hugging me! Please lang!" sinubukan niyang kumalas sa pagka-yakap nito sa kanya ngunit masyadong malakas si Joshua kaya hindi siya nagtagumpay.     "Please, Mie. Let me hug you." sabi ni Joshua sa kanya at hinaplos pa nito ang kanyang likod kaso kahit na ganoon ang ginawa ni Joshua hindi pa rin siya kumakalma dahil inis ang kanyang nararamdaman sa mga oras na 'yon.     "Josh, please naman. Bitawan mo ako!," naiinis niyang wika "Hindi ko kailangan ng yakap mo! Ang kailangan ko explanation mo! Bakit ka nakipagbreak sakin? Di ko maintindihan, eh. Ipaintindi mo naman sakin!"      She heard him sigh. "I have my own reasons, Mie. Di ko pwedeng sabihin ngayon." matagal bago ulit nagsalita si Joshua "I'm sorry..." yun lamang ang huling sinabi nito     "Walang magagawa ang sorry mo. Nasaktan na ako." iyon ang huling sinabi niya nang kumalma na siya. Kumalas na rin siya sa pagkayakap ni Joshua. Pinunasan niya muli ang kanyang pisngi dahil sa kanyang mga luha. Inayos niya rin muna ang kanyang sarili at saka pumasok na sa kitchen nila. NAGULAT siya nang nakita niya ang kanyang Mama Ann. Nasa pintuan ito papasok ng kanilang kitchen.     "Oh ma? Hindi ka pa nagluluto? Gusto mo po ba ako na lang magluto?" sinubukan niyang maging maayos sa harapan ng kanyang Mama Ann kaso taksil ang kanyang mga luha dahil naiiyak na naman siya.     "Why didn't you tell me, Mie? Kung alam ko lang edi sana hindi ko pinapunta dito si Josh." niyakap siya ng kanyang Mama Ann.     "Okay lang, Ma. Nangyari na, eh. Okay lang naman ako." she tried to calm herself once again pero sa puntong iyon ayaw nang tumigil sa pagpatak ang kanyang mga luha "Ma, ang sakit. Ang sakit, sakit..."      Hinaplos lang ng kanyang Mama Ann ang kanyang likuran...      "I know that feeling, Mie. Iiyak mo lang... Nandito lang si Mama para i-comfort ka."      Hindi niya alam kung gaano katagal siyang umiyak sa bisig ng kanyang Mama Ann basta alam niyang gumaan ang kanyang pakiramdam pagkatapos ng kanyang pag-iyak.     Kahit papaano gumaan ng kaunti ang kanyang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD