Nine

1553 Words
    NANG dumating na ang pinadeliver nilang pagkain ay agad naman silang pumunta sa office ni Sean sa second floor ng building ng kanyang studio.      Namangha si Niomi sa laki ng office ni Sean. Buong second floor ng building ay office lang ni Sean. Hindi siya makapaniwala na si Sean ang may-ari niyon dahil sa edad nto, bihira lang ang nakakapagpatayo ng ganong klaseng business dahil mahal ang mga kagamitan para makabuo ng isang studio.     Agad naman silang umupo sa living room ng office ni Sean. Yes, literal na sinabi ni Niomi na living room iyong parte na yon sa office ni Sean dahil may tv doon at may sofa din. Mukhang condo unit na nga kung tutuusin ang office room ni Sean.     Meron din doon dining table. Kwarto nalang ang kulang para maging mukhang condo unit ang office room ni Sean. Magkano kaya ang nagastos ni Sean dito? Tanong niya sa kanyang sarili. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na ito ang pinagkakaabalahan ni Sean.     Kanina nga noong pagpunta nila ni Sean sa studio ay nagandahan siya agad at mas lalo siyang namangha ngayon dahil din sa magandang design ng office room nito. It looks sophisticated and sassy..     "Office ba talaga 'to ni Sean ?" tanong niya sa mga kaibigan ng binata  na nakaupo na rin ngayon sa sofa. Si Sean na kasi ang nag-hahain at nag-aayos ng dineliver sa kanilang pagkain.     Tumango si Wesley. "Yes. He own this building." sabi nito "Simula noong grumaduate si Sean noong college, nagtrabaho siya agad sa company ng daddy at mommy niya. Binabayaran din siya ng tama, parang normal na empleyado lang. Hanggang sa napromote siya at mas lumaki sweldo niya. Pero after his 21st birthday, nag-resign na siya sa company ng daddy at mommy niya..."     "He told his parents that he'll work to another clothing line company kaya siya pinayagan ng daddy niyang mag-resign." dagdag naman ni Michael sa sinabi ni Wesley.     "Pero dito niya nilaan lahat ng naipon niya sa pagtatrabaho sa company ng daddy at mommy niya?" tanong naman niya at tumango lang sila Michael bilang sagot.     Nanahimik sila ng ilang minuto pero nagsalita naman agad si Jerome.     "May boyfriend ka na ba?" lumaki ang mata niya sa tanong ni Jerome. Interesado ba si Jerome sa akin kaya niya ako tinatanong niyon? Kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang isipan kaya dinugtungan ni Jerome ang sinabi nito "Don't get me wrong, Aemie. Nakwento kasi sakin ni Sean na may boyfriend ka na."     Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ni Jerome pero hindi niya maiwasang malungkot. Dati ang saya-saya niya kapag tinatanong siya kung may boyfriend siya dahil alam niyang maipagmamalaki niya si Joshua pero ngayon wala na sila...     "Wala na," lang ang kanyang sinabi. Nakatitig lang sa kanya yung tatlo at tila inaantay ang iba pa niyang sasabihin "He broke up with me. Last week lang. Third anniversary na da---" hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil nagulat siya nang may nagtakip sa kanyang mata.     "Stop it. I don't want to see you cry again because of that guy. Wag mo na ikwento." alam niyang boses 'yon ni Sean. Besides, si Sean lang naman alam kung anong nangyari bakit sila naghiwalay ni Joshua.     "Fine. Basta alisin mo na 'tong kamay mo sa mata ko." pagkasabi niya niyon naramdaman niyang inaalis na ni Sean ang kamay nito sa mata niya.     Tumayo agad siya sa kinauupuan niya at hinarap si Sean "Hindi naman ako iiyak, eh. Umiyak ba ako nung kinwento ko sayo kung bakit kami nagbreak?" tanong niya kay Sean na nakakunot-noo.     Sa pagkakatanda niya hindi naman siya umiyak noong kinwento niya kay Sean kung bakit sila nagbreak.     "Technically you didn't cry. Pero malapit ka nang umiyak non." sabi pa sa kanya ni Seungcheol na nakaismid.     "At least di ako umiyak."      "Pero malapit na."     "Di nga ako umiyak, eh." giit pa niya     "Malapit na." ulit naman ni Sean.     "Hindi naman kasi ako umiyak." sabi niya ulit sabay hampas sa dibdib ni Sean.     "Ehem. Baka naman nakakalimutan niyong may ibang tao dito." napalingon silang dalawa sa nagsalita. Si Michael pala.         Nakatingin sa kanilang dalawa yung tatlo.     "Mamaya na kayo mag-talo diyan, kumain na tayo." sabi naman ni Jerome habang nag-iistretch ng kamay at umunat bago tumayo patungo sa may dining table.     Agad umupo si Niomi sa upuang nasa harapan ni Jerome at tinabihan naman siya ni Sean. Si Wesley naman ay nasa gitna ni Jerome at Michael.     Kumuha agad ng chicken si Niomi at inilagay sa plato nito. Kumuha muli siya ng chicken para kay Jerome at nilagay niya iyon sa plato nito. Marahil nagulat sila Michael, Wesley at Sean sa kanyang ginawa kaya napatingin sila sa kanya.     Hindi na lang niya pinansin ang inasta ng tatlo at kumain nalang ulit.     Makalipas ng ilang minuto ay biglang nabilaukan si Jerome kaya dali-daling tumayo si Niomi at kumuha ng tubig sa water dispenser pagkatapos ay binigay niya agad iyon kay Jerome. Tinignan naman siya ni Wesley at Michael pero si Sean naman ay nanatiling nakatingin sa kinakain nito.     "Ah, thanks?" nag-aalangan na sabi ni Jerome.     Hindi niya maintindihan kung bakit parang nag-iba ang aura ng mga nasa paligid niya. Dahil ba yon sa ginawa niya kay Jerome? Kakain na sana ulit siya nang biglang tumayo si Sean sa kinauupuan nito at lumabas ng office nito. Napakunot-noo siya.      "Sundan mo." wika ni Wesley     Nagtataka siya. Bakit naman niya susudan si Sean?     "Kumakain pa ako. Hayaan mo na siya." sabi naman niya.     "Kapag may nangyaring masama kay Sean..." hindi pa tapos ang sinasabi ni Michael pero tumayo na siya.     "Sige na. Susundan ko na." sabi niya pagkatapos ay sinundan na niya ang binata.     NANG MAKALABAS siya ng office ni Sean, nakita niyang nakaupo sa may lapag si Sean kaya umupo siya sa harapan nito.     "Oy, anong drama mo? Kumain ka na don."      Nakayuko pa rin si Sean at hindi pa rin siya pinapansin. Hindi niya maintindihan bakit ganoon ang inaasta nito sa kanya.     "Tara na." sabi pa niya at saka hinawakan niya ang kamay ni Sean. Doon lang siya tinignan ni Sean. "Uy, tara na." pilit niyang tinatayo si Sean pero ayaw nito.     "Kung ayaw mo bumalik doon, sabihin mo nalang kung bakit ka nagkakaganyan? Ang moody mo. Di kita maintindihan. Seryoso." tuloy-tuloy niyang sabi pero ayaw pa rin siyang kausapin ni Sean "Nagseselos ka ba?" dagdag niya. Doon lang niya ulit nakuha ang atensyon nito.     "Bakit naman ako magseselos? I’m not jealous, Aemie." sabi nito sa kanya pero nakaiwas ng tingin si Sean.     "Sus. Eh, bakit hindi ka makatingin ng diretso sa akin?" nang sinabi niya iyon ay tinignan naman siya ni Sean "Masyado kang obvious, alam mo yon." nakangising wika niya.     Nanahimik siya ng ilang minuto. Gusto niyang marinig magsalita si Sean kaya inantay niya itong magsalita kahit na matagal....     "It's the first time you meet him, but you're acting like that..." panimula ni Sean "It's not fair, you know. Do you like Jerome?" umiling naman siya agad sa tanong ni Sean "Oh, so you don't like him? But why are you acting like that?"     "Hindi ko siya gusto." sabi niya at tumango naman si Sean sa sagot niya     "If you don't really like him, you should treat Michael and Wesley the same way you treat Jerome. Nakukuha mo ba point ko? Iba kasi yung treatment mo kay Jerome. Nakakapagtaka talaga. I think you like him." alam niyang sa punto at boses ni Sean ay naiirita ito na naiinis.     "Hindi ko siya gusto... Siguro attracted lang? Dahil magaling siya kumanta. He's handsome yes pero hindi ko siya gusto." sabi niya at tumango naman si Sean sa sagot niya.     "Attracted? Pe—" hindi na natuloy ni Sean ang sasabihin niya dahil nagulat siya sa ginawa ni Niomi. Hinalikan ni Niomi si Sean sa labi nito.      Nakita niya rin ang pagblush ni Sean.     Ang cute. She thought.     "Ang kulit mo. Nagseselos ka lang ayaw mo pa aminin. Saka ang kulit mo talaga, hindi ko nga gusto si Jerome." sabi niya pero hindi pa rin nagsasalita si Sean "You should be honored, Sean. Ikaw pa lang nahahalikan kong lalaki. Kahit si Joshua hindi ko na nahalikan." tumayo na siya sa kinauupuan niya "Bumalik ka na doon sa loob. Kakain pa ako. Ikaw din."      Hindi na niya inantay ang respond ni Sean at dumiretsyo na siya sa office room ni Sean.     NANG makabalik si Niomi sa loob ng office room ni Sean ay nakita niyang kumakain pa rin ang mga kaibigan ni Sean kaya umupo na siya sa upuan niya at nagpatuloy ulit sa pagkain.     "Okay na kayo?" tanong agad ni Michael at tumango naman siya     Napatingin naman ang tatlo kay Sean nang bumalik na ito office room. Nakangiti kasi ito na tila wala nang bukas.     "Oh? Bakit ganyan ka makangiti, Sean?"     "I'm happy. Isn't it obvious?" sabi ni Sean sabay tingin sa kanya. Hindi niya alam pero pakiramdam niya bumilis ang t***k ng kanyang puso sa pagtingin na 'yon sa kanya ni Sean.     Hindi nalang niya pinansin ang naramdaman niyang iyon dahil wala rin naman mangyayari kung papansinin niya iyon.     Mr. Heart, wag ka munang tumibok ng ganyan. Kakagaling ko lang sa break-up tapos titibok ka nanaman ng ganyan? Please lang. Kaibigan ko lang si Sean. Ayokong magkaroon ng false feelings para sa kanya. Magkaibigan lang kami.     But, did I just kiss him? You’re so messed up, Niomi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD