Eight

1029 Words
    "WHERE the hell are you, Sean?!" inis na sabi sa kanya ni Mr. Choi, his father, sa kabilang linya ng telepono. Sinabihan siya ng kanyang ama na kakausapin siya nito at saka si Niomi pero nang makalabas sila ng elevator ng condo sa kung saan sila na-trap ni Niomi ay dumiretsyo agad sila sa studio ni Sean.     Sean owned a recording and a dance studio. Iyon ang kanyang pinagkakaabalahan ng mga nakaraang linggo. Naging mabenta ang kanyang studio at madami agad ang nagpapareserve ng time slot doon.     Hindi nga niya inakala na ganoon ang magiging epekto niyon. Akala niya nga, hindi papatok ang studio na kanyang pinaghirapan.     Bago kasi bumalik ang kanyang kaibigan na si Joseph sa Korea ay tinuruan siya nito kung paano magproduce ng mga kanta at kung anu-ano pang dapat gawin para maging maayos ang kalabasan kapag nagproduce ng isang kanta, kaya ngayon ay iyon ang kanyang ginagawa. He applied all the things that Joseph taught him.     Minsan naman ay pumupunta ang kanyang kaibigan na si Steven para magturo ng sayaw sa dance studio niya. Hindi naman siya lugi dahil kahit kaibigan niya si Steven ay nagbabayad ito ng tama sa kanya sa pag-reserve pa lang ng time slot sa dance studio niya.     Pero madalas ang kasama niya sa kanyang studio ay sila Jerome, Michael at Wesley. Gumagawa sila ng kanta at sila mismo ang nagpopruduce niyon.     Si Jerome ang kanilang singer. Kumakanta din kahit kaunti si Sean pero mas lagi siyang nagra-rap kagaya nalang ni Wesley at Michael.     "Dad, may importanteng lakad ako ngayon." iyon lang ang kanyang sinabi.     Hindi alam ng kanyang dad na may recording at dance studio siya at ayaw niyang malaman iyon ng kanyang dad dahil sigurado siyang ipapasara lang iyon ng kanyang dad. Ang alam kasi ng kanyang magulang ay nagtatrabaho siya sa isang malaking men's clothing line company, pero alibi niya lang iyon.     "Mas importante pa yan kaysa sakin? Gusto ko lang kayo kausapin ng girlfriend mo, hindi mo pa magawa?" naiiritang tanong sa kanya ni Mr. Choi.     "Dad, please. Madaming araw na pwede mo kaming kausapin, wag lang ngayon." Sean replied and then he hung up.     Wala na siyang panahon sa pakikipag-usap sa kanyang ama dahil kahit na anong sabihin nito sa kanya ay hindi siya susunod sa gusto nito.     "Kasi naman. Bakit sinabi mo na ngayon tayo kausapin? Ayan tuloy." biglang sabi ni Niomi na nakaupo sa sofa ng recording studio ni Sean.     "Hayaan mo na." iyon lang ang kanyang sinabi.     Maya-maya lang ay dumating na si Jerome, Michael at Wesley sa recording studio ni Sean. Kitang-kita ni Sean ang naging reaksyon ni Niomi. From poker face biglang ngumiti ito.     "Hey, Aemie. Don’t tell me you have a crush on them? You literally just saw them today. Stop it.” pabirong sabi niya at nakita niyang sinamaan siya ng tingin ni Niomi.     "Kung nagseselos ka, Sean. Sabihin mo lang." pabirong wika rin ni Niomi at nilapitan nito si Jerome. "Hi?" naghihiyang sabi ni Niomi kay Jerome.     "Hi, Aemie. Nakukwento ka na samin ni Sean." sabi naman ni Jerome.     "Oh my god! Buti hindi mo ako kinausap sa English. Jusko. Anong pangalan mo?" nakangiti pa ring tanong ni Niomi kay Jerome.     "Forever mo." sabi naman ni Jerome kay Niomi at pakiramdam ni Niomi ay namumula na siya dahil ang init init ng kanyang pisngi. Kinikilig siya. "Kidding. I'm Jerome." dagdag nito at saka nakipag-shakehands kay Niomi.     Sean rolled his eyes at saka nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya.     Pagkatapos naman makipag-shake hands ni Jerome ay nagpakilala na si Michael at Wesley.     "Ah, ikaw pala yung Michael na nakausap ko." wika ni Niomi at tumango naman si Michael bilang sagot     "Yeah, ako pinakagwapo saming apat 'no?" sabi naman ni Michael kaya pinaghahampas siya nila Jerome, Wesley at Sean.     "Wag kang maniwala kay Michael, di yan nagsasabi ng totoo." dagdag naman ni Wesley "I'm Wesley by the way."      Ngumiti naman si Niomi sa sinabi ni Wonwoo. "Nice to meet you, Jerome, Michael and Wonwoo."      MAKALIPAS ang ilang oras ay pinakinggan ni Niomi ang mga kantang naproduce ni Joseph.     "Twenty yung title?" nagtatakang sabi ni Niomi "Teka, oh my god! Boses 'to ni Jerome, right?" nakangiting wika ni Niomi at tumango naman si Mingyu sa tanong niya "OH MY GOD! Ang ganda pala ng boses mo?" direktang tanong niya kay Jerome.     "I guess? Lima kaming kumakanta diyan, how did you know na ako ang kumakanta sa line na yon?" tanong naman ni Jerome kay Niomi.     "I just know that it's you." mailking sagot niya. His voice is easy to notice. Ang sweet pa ng pagkakanta nito.     Tahimik lang si Sean na katabi ni Niomi. Wala siyang nirereact sa mga sinasabi ni Niomi pero hindi niya maiwasang hindi mainis sa mga papuring sinasabi nito kay Jerome. Jealous? Yeah, he’s kinda jealous Jerome easily caught her attention.     "Aemie, tigilan mo na yang pagpuri kay Jerome. Nagseselos na yung isa dito." wika ni Michael kaya nawala ang atensyon niya kay Jerome dahil sa sinabi nito sa kanya.     Tinignan ni Niomi si Sean na katabi niya. Tahimik lang ito. Nakatingin lang sa cellphone habang tumitingin ng posts sa f*******:. "Sabi ko naman sayo kung nagseselos ka, sabihin mo sa akin." sabi ni Niomi sabay hampas sa braso ni Sean dahil ayaw siya nito pansinin.     "I’m not jealous." wika naman ni Sean at saka tumayo na ito sa pagkakaupo niya. "Kumain nalang tayo. Anong gusto niyo ipadeliver dito?" tanong na ni Sean sa kanilang lahat     Nagkatinginan sila Jerome, Michael at Wesley sabay ngiti "CHICKEN!" pagkatapos nila iyon sabihin ay sabay-sabay rin silang tumawa     Umiling lang si Sean sa inasta ng tatlo niyang kaibigan at saka tinignan si Niomi "Ikaw, Aemie? Anong gusto mo?" pilit na ngumiti siya rito     "Chicken na lang din." sabi naman ni Niomi sa kanya at saka ngumiti "Eh ikaw? Anong gusto mo?"     "Ikaw, Aemie." wika ni Michael.      "Ikaw ang gusto niya." mahinang wika naman ni Wesley kaya sinamaan ni Niomi silang dalawa ng tingin at pagkatapos naman ay nag-peace sign lang silang dalawa.     Hindi pinansin ni Sean ang tanong sa kanya ni Niomi at tumawag na lang agad sa isang restaurant para mag-order ng isang bucket ng chicken para sa kanilang lunch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD