“Payback Time”

2465 Words
5 “Payback Time”   KINABUKASAN SA SCHOOL   Sana swertihin naman ako ngayong araw na ‘to. Malayo sa kahihiyan kay Cliff. Sabi nga always start your day with a smile.   Papunta na ko ng first class ko. Konti na lang late na ko kaya binilisan ko na ang paglalakad.   Kapag sinuswerte ka naman na parang minamalas eh makakasalubong ko pa si Cliff.   Didiresto ba ko o magiiba ng daan? Kaso male-late na ko kapag hindi pa ko dumiretso. Naglakad na lang ako ng mabilis habang nakatungo ako. Iniharang ko yung notebook ko sa mukha ko para hindi nya ako mapansin.   Yung lakad ko kasing bilis ng t***k ng puso ko. Hindi nya ako makikita, makikilala at kakausapin.   Please wag mo akong pansinin!   “Torrence.”   Mga paa ang una kong nakita. Paa ng lalaki. Paa ni─ Cliff.   “I’m invisible.” dire-diretso pa din ako. Kunyari hindi ko alam na sya si Cliff.   “You’re not invisible. I can see you.” Hinarangan nya ako. “What are you doing?” tanong nya.   “Pasensya na male-late na kasi ako.” Nakatungo pa din ako.   “Hindi ka male-late.” Sagot nya.   Hindi ko pa din sya tinitingnan. Sa floor pa din ako nakatingin at hindi ko pa din inaalis yung pagkakatakip nung notebook sa mukha ko.   “Ah ka..kase 8am ang start ng klase ko eh.” Umiwas ako sa kanya.   “I know. We’re classmates, remember?” sagot nya.   Oo nga pala. Magkaklase nga pala kami kay sir Von. So hinarang nya lang ako para sabihin yun? Syempre, alangan namang may iba pang dahilan. Ayoko nang magassume.   “Ganun ba? Sige salamat.” Medyo nauutal na ako habang kinakausap sya. Na-stroke na ata ako.   Tumalikod ako kaagad tsaka naglakad papunta sa kabilang direction. Bahala na ang klase ni sir Von, sanay naman sya na late ako palagi. Ayoko nang makipagusap ng matagal dito kay Cliff dahil baka mauwi na naman sa isang malaking kahihiyan.   “Torrence wait!” Sigaw nya sa akin. Teka, baka hindi naman si Cliff ang kausap ko. Sobrang haba na ng napag-usapan namin. Hindi ako sanay at alam kong imposible.   Pero pagkasigaw nya ng wait ay mas lalo akong nagmadaling maglakad.   Useless din, naabutan din nya ko.   “What’s wrong with you? And why are you covering your face?” Inalis nya yung notebook ko sa mukha ko.   So kunyari hindi ko pa din alam na sya si Cliff.   “Oh hi there Cliff. Kanina ka pa?” Pagpapanggap ko. Dapat great pretender na lang ang title nitong story na ‘to, tutal dun naman ako magaling – ang magpanggap.   Nagwave sya sa mukha ko. “Kanina pa tayo magkausap. Bakit ka ba tumatakbo?”   Lumingon ako sa likuran ko. “Ah ikaw ba yung kausap ko kanina? Akala ko kasi yung mga bullies. Sige na, alis na ako.” Tumalikod ako bigla pero hinarang nya ako ulit.   “I said wait.” Sabi nya sa’kin. Mukhang naiinis na sya. Eh bakit ba naman kasi nya ako sinunsundan? Sinabi ko na nga di ba na aalis na ako ng ilang beses. Sobrang kulit nya.   Huminga ako ng malalim tsaka bumwelo. Bakit naman kasi kung kailan ayaw ko syang makita tsaka sya nagpapakita!   “Cliff, hiyang-hiya na ko sa’yo. Wala na nga akong mukhang ihaharap sa mga tao eh.” Ibinalik ko ulit yung notebook sa mukha ko.   “Look, I didn’t mean to embarrass you yesterday sa harap ng maraming tao.” Mahinahon nyang sabi. Bigla akong kinilig. Kinakausap nya talaga ako at hindi ako nananaginip. Halos nawala lahat ng pag-aalinlangan ko.   “Nangyari na eh. Wala na kong magagawa.” Nakayuko pa din ako.   “I’m sorry.” Sabi nya at nanlaki naman ang mga mata ko. Si Cliff nagsorry sa akin. Bakit pakiramdam ko may pag-asa kami. Kahit friends lang okay na sa akin. Basta magkasama kami araw araw at magusap na parang ordinaryong tao.   Ganito ba yung eksena ng magjowa? Feeling ko kami na tapos may nagawa syang kasalanan. Dahan-dahan akong napatingin sa mukha nya. Ang pogi ng mukha nya habang nagsosori. Super gentleman. May pakialam pala sya sa’kin.   “Me too.” Bigla na lang lumabas sa bibig ko.   “Huh?” Yung mukha nya halatang naconfuse sa sinabi ko. Di ko kasi kontrolado ‘tong bibig ko minsan, nakakainis.   Balik ulit ako sa pagtatago ng mukha. “Ah, ha─ ok lang yun. Don’t worry.” SInubukan kong ibahin ang sagot ko baka sakaling hindi nya narinig yung una.   Me too? Anong me too? Ang engot ko talaga. Nakakaramdam ako ng heaven. Parang magiging close kami ni Cliff. Grabe ang sarap sa feeling kung sya palagi ang laging kakausap sa’kin every morning. Mas nagkakaron ako ng confidence kapag nakatago yung mukha ko.   “Gusto mo bang kumain?” Hala, aatakihin na ako sa puso. Napahawak ako sa dibdib ko. Parang maiihi na ako ngayon sa kinatatayuan ko. “Gusto mo bang kumain?” Inulit nya ulit.   OMG! Niyaya ba nya kong magdate?   “Ha – kasi.” Hindi ko alam. Ano ba ang dapat kong isagot. Call a friend na oh. Ano bang tamang sagot sa ganitong situation?   “Tanggalin mo nga kasi yan!” Kinuha nya yung notebook na pinantatakip ko sa mukha ko. Halos slow motion ang lahat habang inilalagay nya ang notebook sa bag ko. My gosh, ang dami na naming kontak. Ako lang ata yung nakuryente na buhay pa din at hindi sunog.   “What now? Gusto mo bang kumain?” Inulit nya ulit. Seryoso yung mukha nya at ang hinahon magsalita. Hindi ko alam kung pinagti-tripan nya lang ako o isang dare ‘to para sa kanya. Pero kahit ano pang dahilan nya wala na akong pakialam. Pagkakataon ko na ‘to.   “Si – sige.” Ano bang sinagot ko? Hindi man lang ba ako magpapakipot? Isa pa, wala naman akong budget masyado para sa ganito. KKB ba dapat kami? O ililibre nya ako. Kelangan ko ata talaga ng tulong.   Nag-isip sya sandali. “Good. Gutom na kasi ako.Tara sa cafeteria?” Bakit pakiramdam ko napipilitan sya. Baka ako lang yun. Hay, grabe, ang init init sa labas pero sobrang lamig ko.   “Okay.” Sobrang hirap magpahard to get lalo na’t minsan lang may magyaya sa akin na lalaki. Tapos si Cliff pa. Naku naman, bakit sobrang lamig ko eh ang init init sa labas. Akala ko nagbago na ang isip nya sa tagal kong sumagot.   Feeling ko nagpupuso yung mga mata ko. Nasan ba si Katy, gusto kong makita nyang magkasama kami ni Cliff. Totoo ba to? Magkasabay kaming naglalakad papuntang cafeteria.   “Are you okay?” tanong nya ulit sa’kin. Bakit ba ang dami nyang tanong? Siguro nagsisisi na ‘to at niyaya nya ako.   Napatingin ako sa kanya. “Yeah. I’m fine.” Di ko pa din alam kung anong nangyayari. Alert ako na anytime may sisigaw ng it’s a prank!!   Syempre super fine ako andyan ka eh.   Kung pwede lang talagang yun ang isagot ko sa kanya.   “Kasi parang – ” tumigil sya sandali. “ – never mind.”   Habang naglalakad kami ni Cliff may isang grupo ng mga lalaki na nagtatawanan sa hallway. Super ingay nila. Parang mga hindi nagsisipasok sa klase.   “Grabe mga students na yun. Maswerte sila at nakakapag-aral sila tapos paeasy easy lang.” Ooops. Hindi ko naman gustong patamaan si Cliff. At parang ang bargas nung pagkakasabi ko.   “Wala akong ibigsabihin dun Cliff. Sila kasi─” Tumingin ako kaagad sa kanya. Ayokong ma-offend sya.   “You don’t have to explain.” Naglakad na lang ulit kami.   Tahimik na lang ako, nakakahiya eh. Malapit na kaming lumagpas sa grupo ng mga lalaki ng parang mamukaan ko yung isang malakas ang tawa.   Unbelievable. Estudyante pala sya dito. Hindi ko inaasahang dito ko pa sya makikita. Napatigil ako saglit dahil naisip ko yung utang nya, gusto ko syang singilin. Kaso nakakahiya kay Cliff.   “May problema ba?” Tanong nya ulit. Naku, ayokong isipin ni Cliff na ayoko syang makasama. Puro tanong na sya simula kanina pa so hindi na ako nag-abalang magexplain.   “Wala naman. Tara na.” Tipid kong sagot.   Naglakad ulit kami. Sayang naman pagkakataon ko na sanang singilin yung barumbadong lalaki nay un. Di bale madami pang ibang pagkakataon.   “Hoy tindera!”   Tindera? Sinong tindera? Sobrang lakas ng pagkakasigaw   “Do you know them Torrence?” Pasimple syang tumingin sa mga nasa lalaki sa nadaanan namin.   “Hindi. Bilisan na lang nating maglakad.” Tamang cover na naman ako sa face ko.   “Okay.” Nailing pa sya.   Parang natuturn off na si Cliff sa’kin.   Kung sino man yung tindera na yun hindi ako yun.   “Tindera ng alahas!” sigaw ulit nung lalaki.   Ako nga ata yun. Baka yung barumbado yung tumatawag sa’kin. Sya pa talaga yung malakas ang loob na tumawag sa’kin gayung sya yung may utang. Baka naman magbabayad na sya.   “Hoy tindera ng peke alahas. Alam mo bang hindi nagustuhan ng mommy ko yung kwintas? Dahil pagdating ko sa’min tapos na yung party at naputol agad yung chain!” Ang bargas talaga. Nahihiya na ako.   Lumingon ako saglit at inirapan ko sya. Diretso lakad pa din. Baka makahalata kasi si Cliff na ako nga yung kausap nun.   “Walang quality at di maganda ang alahas sa tindahan nyo! Ang cheap! Malamang ikaw din!” Nagtawanan sila ng mga kasama nya.   Anong ibig nyang sabihing ako din? Nakakapikon na talaga sya huh. At isinisigaw pa nya sa harap ng maraming tao. Ang kapal ng mukha nya. Ikumpara daw ako sa alahas?   “Cliff saglit lang huh.” Nakangiti kong sabi kay Cliff.   Tumigil din si Cliff.   “Kilala mo yun?” Tumingin si Cliff sa’kin then dun sa mga tambay na gangsters.   “Hindi. Pero may utang sya sa’kin. Don’t worry. Mabilis lang ako.” Tumakbo ako papalapit sa nakakainis na lalaking yun.   “Hoy ang kapal din naman ng mukha mo no? Ikaw nga ‘tong may utang sa’kin. Ikaw pa ang may lakas ng loob mageskandalo! Bayaran mo na ko!”   Eksenadora daw ako. Hindi ako natakot kahit madami sila.   “Woah. Eh hindi naman ako natuwa sa service mo. Bakit ktia babayaran?” sabay tawa ng mga barkada nya.   Umakyat ang dugo ko sa ulo. Napakabastos ng bibig nitong lalaking ‘to. Naririnig pa naman ni Cliff ang lahat.   “Wala akong pakialam kung nagustuhan ng nanay mo yung kwintas o hindi. Basta bayaran mo ako.”   “Eh kung ayoko?” Medyo inilalapit pa nya yung mukha nya sa mukha ko. Nakakadiri!   “Okay. Madali naman akong kausap.” Dahil medyo naasiwa ako sa kanya.   “So hahalikan mo na lang ako?” Mas lalo nyang inilapit yung mukha nya sa’kin.   Eh kung hindi ba naman sya hari ng kayabangan eh. Hindi ko na kaya ‘to. Napatingin ako kay Cliff. Hindi ba nya ako tutulungan? Grabe ang feeling ko talaga. Bakit naman nya ako tutulungan hindi naman kami.   Tatapusin ko na ‘tong usapan na ‘to.   “Hindi. Pero may itatanong ako sa’yo.” I folded my arms over my chest.   “Mga tol may itatanong daw. Miss hahalik ka lang magpapaalam ka pa.” Sigaw nya sa mga kasama nya at nagcheer pa silang lahat.   Nuknukan ng yabang. Akala mo gwapo!   “Asa ka pa. Mas cute pa yung daga namin sa bahay kaysa sa’yo eh.”   Yung tumatawa nyang mukha eh biglang napalitan ng simangot. Nagtawanan yung mga kasama nya at pakiramdam ko nakapuntos ako dun.   “Pakipot ka pa eh. Ayaw mo ba ng PDA?” bumanat sya ulit. He nudged me. Nakakabadtrip. Si Cliff lang ang gusto kong hahawak sa’kin.   Sobrang feeling nya talaga. Di bale sana kung si Cliff sya.   Oh si Cliff. Lumingon ako, mabuti andun pa din sya. Mabuti naman. Pinapanood nya ata kami. Nakakahiya.   Dikitan pala ang gusto nya ha. Nilapitan ko pa ng mas malapit ang antipatikong lalaki at tsaka ako tumingin sa mga mata nya.   “Alam mo bang may molder kapag ginagawa ang alahas?” Nakapamewang pa ko.   “Ano ba naman yan, kahit yung aso namin alam yan eh.” Mayabang nyang sagot. Sobrang korni din nya. Parang hindi nagiisip.   “Eh alam mo ba ang ginagawa sa alahas bago ilagay sa molder?” I raised my eyebrow. Tumaas na ang presyon ko dahil sa antipatiko na ‘to. Okay na ang simula ng araw ko pero bakit kasi sumingit pa sya.   “Ano ba namang klaseng mga tanong yan?” pang-aasar nya at paapir-apir pa sa mga tropa nya.   I smirked at him. “Ganito!” Sabay sipa sa kanyang private part.   Nabigla sya at hindi makagalaw at dahan-dahang napapaupo.   Sigawan yung mga tropa nya. “Wow pare tunaw na yan. Pwede nang ilagay sa molder! Wooooo!”   Hinipan ko ang mga kamay ko tsaka ko pinagkiskisan, sign na sisiw lang ang lahat. Buti nga sa kanya. Masyado kasi syang mayabang. Iniwan ko syang nakaupo sa kalsada at agad akong tumakbo pabalik kay Cliff.   “Sorry medyo natagalan.” Nahihiya kong sabi. Sana hindi sya na turn off sa’kin.   Feeling mo naman talaga. Kahit anong gawin mo wala syang pakialam.   Pero natawa lang sya. Hindi sya nasagot.   “Cliff?” tanong ko sa kanya.   “Sorry. Hindi ko kasi inaasahang ganun ka katindi. Nakakatakot.” Natawa sya kaya hindi ko alam kung natatakot ba sya o hindi.   “Natatakot ka sa’kin? Don’t worry, hindi ko naman gagawin yun sa’yo. Para lang yun sa mga bastos na katulad nya.” Nagmayabang pa ako. Hindi dapat nagpapa-api ang mga babae. Dapat matapang din at malakas ang loob para hindi kinakayan-kayanan lang.   “No. I mean, most of the girls na nakikita ko eh yung mga finesse para magpa-impress sa’kin.” Tapos tumawa lang sya habang nailing. “   “Hindi kasi ako ganun. Teka, ganun ba ang gusto mo? Sorry ha. Sobrang bargas ng ginawa ko.” Kumunot ang noo dahil sa pagkahiya. Pinagmamasdan ko lang sya at parang gulat na gulat sya sa nakita nya.   Nagtawanan lang kami ni Cliff habang naglalakad papuntang cafeteria. Mukhang maganda ang start ng araw na ‘to. Makasama ko ba naman si Cliff kumain at magantihan ko ba naman yung antipatikong lalaking yun. Aba ang sarap sa feeling. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang tanong na kung bakit ako niyaya ni Cliff. Sana hindi ito panaginip lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD