“He’s A Gangster”

1602 Words
4 “He’s A Gangster” JEWELRY STORE             Sobrang pangit ng araw na ‘to. Mabuti na lang at wala na ako sa school. After kasi ng klase ko ay dumidiretso ako dito sa jewelry store.   Dito ako nagta-trabaho after ng class ko. Hindi naman kasi lahat dapat iasa sa scholarship ko. Isa pa gusto kong makatulong kay papa. Ayaw nya ngang magworking student ako kasi ayaw nyang may masabi ang family ni mommy sa kanya na di ako kayang buhayin. Atupagin ko daw yung pag-aaral ko, tsaka humanap na daw ako ng insipiration, in short boyfriend. Hindi nya lang alam nakahanap na ako, kaso ayaw naman sa akin.   Ang malas ko naman talaga ngayon! Absent kasi yung kasama kong naka-duty. All around din kasi ako dito. Halos dapat araw araw nililinis ko ang mga alahas. Natatakot pa naman ako mag-isa dito kasi baka may mangholdap. May CCTV nga eh kung patay na naman ako eh di wala din.   “Here’s your order ma’am. Kakadating lang po nyan kanina. Yan lang po ang item namin this month. Ni-reserve ko po para sa inyo dahil valued customer ka po namin.” Iniabot ko ang order ng customer. May online shopping din kasi kami. Mas maganda yun kasi online na sila nagbabayad, wala na akong kailangang hawakang pera. “Balik po ulit kayo sa susunod. Please check your emails for coupons na din po.” Pahabol ko habang papabalabas ang customer.   Balik simangot ako pagkaalis ng mga customers. Pagod na kasi ako ng sobra.   Grabe ang klase ng alahas dito. Iba ibang klase, eh kwinstas, bracelet, hikaw, singsing and relo lang naman sila pero madaming brand. Sobrang hirap tandaan noong nagsisimula palang ako dito. Nakakatakot kasi kulang ang sweldo ko pambayad kapag nawala ko or nasira ko ang kahit alin sa mga ‘to.   “Miss, may kalat sa daanan ko. Pakilinis nga!!” Utos ng isang customer at dali-dali din naman akong lumapit. Hindi na lang kasi ‘to jewelry store, parang gift shop na din. Pinalakihan na nung may ari para madali na daw sa mga customers makahanap ng ibang panregalo bukod sa alahas. Meron kaming items para sa kahit anong okasyon. Tapos may relaxing area, na kapag napagod ang customer or naghihintay ng order, pwede silang maupo, magkape at magpahinga. May libre kasing beverages dito, kaya minsan ang daming tao pero nagpapalamig lang naman tsaka nakikiinom.   Dali-dali naman akong lumapit dun sa customer para linisin yung pinagkainan nung umalis na customer. Ang aarte ng mga nakain dito. Pwede naman sa ibang table, kailangan dun pa talaga sa hindi pa naliligpit.   Grabe natataranta na ko. Yung isang customer nagagalit na. Balik counter agad ako.   “Good afternoon sir. Welcome sa Rockpile Jewelry Store. What can I do for you?”   “Sa sobrang tagal mo hindi ko na maalala yung bibilhin ko!” sigaw nung customer. Sobrang nakakatakot sya. Kung walang ibang tao dito sa store iisipin ko holdaper ‘to. “Pasensya na po sir, may ginawa lang po ako saglit.”   “Hindi ko naman tinatanong!!” Pagsusungit nya ulit.   Kainis ‘tong lalaking ‘to ah. Hindi naman ako ganun katagal. Napaka-OA. Smile pa din ako dahil customer sya.   “Sorry po sir kasi absent po yung kasama ko dito kaya ako po ang nagawa ng lahat.” Nakuha ko pa ngang magexplain na naman kahit di nya ulit tinatanong.   “Wala akong pakialam! Customer ako dito kaya dapat ako ang inuuna mo.” Pabarumbadong sagot nung customer.   Hindi ba nya naintindihan yung sinabi ko? Baka bingi sya kaya parang wala syang narinig. Tumataas yung dugo ko. Konting pasensya pa.   “Sir nauna po kasi yung isang customer─”   Grrrrrrrrr. Nagsasalita pa ko, bigla kong tinalikuran. Bastos lang. Nakakabwusit.   “Ano bang pinakapopular nyo na item dito?” Tinitingnan nya yung mga nasa estante.   “Depende po sir sa kung anong okasyon ─”   “Ano nga yun? Ano?”   Talagang hindi na nya ako pinatapos.   Patience Torrence patience.   “Like I said sir, depene po sa okasyon. But our best sellers po namin dito ay Chopard Swiss watch, rainbow gemstone-diamond huggie hoop, and baguette-round rectangle diamond cluster. Kung set naman po popular itong oval blue topaz jewelry set.” Habang itinuturo ko sa kanya kung anu-ano yung mga yun.   Ang bait ko no? Customer is our priority kahit na ganito ka-rude.   “Teka teka! Ang hihirap naman banggitin ng mga sinabi mo. Wala kong natandaan. Eh kwintas, hikaw, relo at bracelet lang naman lahat yan.” Pilosopo nyang sagot. I agree naman sa kanya kung hindi sana sya bulong pa ng bulong. Parang baliw.   "Ganun po talaga sir. Pero kung para sa inyo po ang item, I highly recommend po ang pinky rings.” Tumigil sya sandali. “Para po kasi sya sa mga gangster.” Tiningnan nya ako ng masama. “Suggestion lang po.” Umiwas ako ng tingin kasi konti na lang mamamatay na ako sa talim ng mga tingin nya.   “Ang dami mo ding sinasabi miss. Simpleng lang yung hinahanap ko. Meron ba kayong –” then tiningnan nya yung list namin at parang nahihirapang mag-isip. “ – silver necklace?”   Batukan ko kaya ‘to? Patanong-tanong pa ng best seller at patingin-tingin pa sa display eh kwintas lang pala ang hinahanap. Kakaubos ng pasensya.   “Marami po sir. Ano po bang style ang hinahanap nyo?” syempre parte ‘to ng trabaho ko. Dapat kong itanong ‘to para alam ko kung anong ibibigay sa kanya. Kung para sa kanya lang din eh kadena ng aso ang irerecommend ko.   “Wag na lang kaya akong bumili dito. Ang dami mong tanong eh. Para sa mommy ko yun. Ikaw na ang bahalang pumili!” Parang nahihiya sya nung sinabi nyang para sa mommy nya yung cake.   Kung pwede ko lang syang sagutin na maghanap na lang sya ng ibang store eh ginawa ko na. Mukha naman talaga syang gangster, pero gangster na bibili ng regalo para sa nanay nya, ayos din naman.   “Ah sige po sir.” Nagprepare ako ng order.   Genuine Diamond Cabochon White Mother-of-Pearl locket with 18 inches rolo chain rhodium plated sterling silver ang pinili ko para sa kanya. Ako daw ang pumili, eh di ito ang pinili ko para makaalis na din sya kasi naiinis na ako.    “Here’s your order sir, 7,000 pesos po. What type of payment po ang gagamitin nila?.” Ipinatong ko sa counter yung order nya.   Parang namutla sya sa pagkarinig ng price ng kwintas. “Sigurado ka ba? Baka hindi para sa akin yan.”   Siraulo pala ‘tong lalaking ‘to eh. May nakikita pa ba syang ibang customer dito sa counter bukod sa kanya? Naku naman talaga. “Sir, very popular po itong necklace na ‘to and para talaga sya sa mga nanay. Pwede naman pong installment. I just have to check your credit score.”   Dumukot sya sa bulsa nya at nagbilang ng cash. “Oh ayan.” Ipinatong nya ang bayad sa counter kaya naman kinuha ko at binilang.   Hinawakan ko sya para pigilan. “Pero sir kulang pa po ang bayad nyo ng 500 pesos.”   “Mabuti nga binayaran pa kita eh. Sa sobrang daldal mo alam mo bang late na ko sa birthday ng mommy ko?” Dire-diretso na sya palabas.   Arghhhhh. Balak pa talaga nya kong pagabonohin? Sisihin pa ko sa pagkalate nya? Kasalanan nya kaya lahat.   “Pero sir hindi po pwede. Kailangan nyo pong magbayad ng tama!” Mahinahon pa ako nyan ha.   At dire-diretso pa din sya sa paglabas ng store. Hindi naman pwedeng magabono ako. Wala akong pera ngayon. Hinabol ko sya bago pa man sya makalayo.   Sobrang pikon na pikon na ako. Hindi ko na matiis. Humarang na ko sa daanan nya. Eh ano kung malaki sya. Hindi ako natatakot.   “Hoy! Kung naghahanap ka ng mura sana dun ka na lang sa palengke nagpunta at bumili ng pwet ng baso!! Doon sampung piso lang may kwintas ka na!!!!” Nakapamewang pa ako. Di ko alam san ko kinukuha yung lakas ng loob para gawin ‘to.   “Ikaw ang nagbigay sa’kin nito. Hindi mo naman tinanong kung magkano ang budget ko? Isa pa cash naman ang ibinayad ko kaya dapat discounted!! Laki nyong magpatanong ng interest kapag credit! Tikal nyo din!” maangas na sabi nung lalaki.   “At balak mo talagang isisi sa’kin ang mga kalokohan mo. Hoy mister hindi mo ako masisindak. Magbayad ka kung hindi tatawag ako ng pulis!” Inilalahad ko yung kamay ko at iniintay yung kulang nya.   Grabe hindi pa din sya nakinig kahit sumigaw na ko. Itinulak nya ako para makadaan sya at tinakbuhan pa din nya ako. Habang ako eh nakahandusay na sa kalsada dahil sa ginawa nya. Sa sobrang bilis nyang tumakbo hindi ko na sya nasundan dahil hindi naman ako pwedeng lumayo at walang tao sa store. Kung hahabulin ko sya baka hindi lang 500 pesos ang mawala sa’kin at baka makulong pa ako.   Ugh! Hindi ko makakalimutan ang mukha ng bwisit na lalaking yun. Mashoshort pa ko ngayon dahil sa kanya. ‘Wag lang magku-krus ang landas namin, naku. Nakakagigil lang. Napakaantipatiko. Nakakasira lalo ng araw. For sure gangster talaga yun tapos kulang ang nakotong sa mga tao kaya kulang ang ibinayad sa akin. Naku, kapag nakilala ko lang ang nanay mo humanda ka.   AAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Hindi ko na mabilang ilang beses akong sumigaw ngayong araw. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa habang naglalakad pabalik sa store. Nakakainis talaga!!!!   BUWISIT kang gangster ka!!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD