ANTHEA"S POV Napamulat ako ng aking mata, ramdam pa rin ang init. Dahan-dahan akong napalingon sa aking tabi. Nandoon si Exiel—nakahiga, hubad at payapang natutulog. Malalim ang kanyang paghinga, para bang napawi ang pagod at tensyon sa katawan niya matapos ang matinding pagtatalik na aming pinagsaluhan. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha-Hindi ko maiwasang mapangiti habang nilalaro ng aking daliri ang matangos niyang ilong. Napakagwapo niya, lalo na sa ganitong kaamong anyo. Napakapit ako sa kumot na bumabalot sa katawan ko, habang ang init ng kanyang mga halik at haplos ay tila naiwan pa sa aking balat. Maingat kong ginuhit ng hintuturo ang linya ng kanyang panga, pababa sa kanyang leeg. Naalala ko kung paano siya naging mapusok kanina—puno ng pagnanasa ngunit may halong ingat, na para

