ANTHEA’S POV
"Okay, that's great, Anthea. Tingin sa kabilang side. That's it. That's it. One, two, three! Good, girl!... Okay, break muna tayo." Sabi ni Alex na. Ang photographer.
Napabuntong-hininga ako habang ibinababa ang kamay kong ilang minuto nang naka-extend. Ang sakit ng ulo ko, parang sasabog na. Ang hirap pala maging model—hindi lang basta naka-pose ka't maganda ka sa picture.
Humakbang ako sa gilid, naupo sa makeup chair habang inaabot ng assistant ang towel at tubig. Pawis na pawis na ako.
"Ay, bakla! Pagod ka na?" lumapit si Choopa, ang manager kong super duper fabulous sa kanyang neon green na outfit at oversized sunglasses na kahit indoors ay ayaw niyang hubarin.
"Oo, Choops. Para akong na-heatstroke sa pose na 'yon." Napangiti ako kahit pagod. Siya kasi ang stress reliever ko sa ganitong mga araw.
"Tiis ganda, 'day! Pero in fairness, ang ganda mo kanina. Para kang Greek goddess na lost sa EDSA."
Napatawa ako. Talagang may pa-compare pa sa EDSA.
Biglang bumukas ang pinto ng studio at pumasok ang isang pamilyar na presensya—si Anthony.
"Anthea, let's go. Pinapatawag ka na ni Mama at Papa." Malamig ang boses niya. Naka-black leather jacket siya, designer jeans, at may shades pa sa loob ng studio. May aura talaga ng pagkamayabang ang kapatid ko si Anthony. Kambal ko siya. Sa aming dalawa siya ang mas napapaburan ng mga magulang namin. Dahil mas dominante ang lalaki lalo na sa business. Pero wala naman siya naitutulong. Puro lang siya lakwatsa. Minsan nagdadala oa siya ng problema. Pero parang okay lang kela mama at papa. At least ako kumikita ako sa pagmomodelo ko. May sarili akong pera. Akala kasi nila mama at papa nakadepende lang kami sa kanila. Hindi ako. I have my own savings.
Kaya naiinis ako lalo na at ganito oag pinapatawag ako nila mama at papa.
"Anthony, pwede namang tumawag, 'di ba? Hindi mo naman kailangan pumunta rito"
"Hindi rin kita pupuntahan kung hindi lang sila makulit. So hurry up. I have better things to do."
Inis din nitong sagot sa akin.
"Grabe, kahit isang minuto lang ang tanda mo sa’kin, kung makautos ka akala mo boss kita," irap ko.
"Pssssh. Eh kung ako 'yung favorite sa bahay, kasalanan ko ba?"
Bago pa ako makasagot, si Choopa na ang pumasok sa eksena.
"Ay, naku! Eto na naman 'tong walking arrogance. Anthony, baka pwedeng iwan mo attitude mo sa labas ng studio?"
"Wow, Choopa. Ito yong pinakagusto ko pag nagkikita tayo. Kunyari hate mo ako. Pero un pala gusto mo lang magpa-choopa. Gusto mo Choopa-in kita d'yan, aminin mo." Arogante nitong sabi.
*Ay kadiri! As if! Kahit gutom ako sa atensyon, hindi ako ganon ka-desperada para sa'yo."
"Sabagay, sayang naman kung di mo kayang saluhin ang yabang ko."
"Excuse me? I’d rather date a cactus. At least hindi nagsasalita."
"Mas may personality pa 'yon sa'yo."
“Baliw,” sabay talikod ni Choopa, umirap pa habang umalis.
Napahawak na lang ako sa sentido. “Seriously? Kailangan bang mag-asaran kayo sa harap ng buong crew?”
“Eh, siya naman nagsimula.”
“Lahat na lang, kasalanan ng iba, no?”
“Magbihis ka na nga. Ayokong abutin ng gabi dito.”
As much as I hated to admit it, gusto ko nang umuwi. Pero sana lang, hindi ko kasama ang kambal kong para akong may kakambal na ego.
Tahimik lang ang biyahe pauwi—pero hindi dahil sa traffic. Iba ang bigat na nararamdaman ko. Si Anthony, tulad ng dati, hindi nagsasalita. Naka-cross arms habang nakasandal sa leather seat ng black luxury SUV, may kasamang dalawang bodyguard sa harap.
Para kami laging may entourage, parang presidente.
Pagbaba namin sa driveway ng mansion, bumukas agad ang pinto ko—inalalayan ako ng isa sa mga bodyguards niya.
Pagpasok sa loob ng bahay, agad akong sinalubong ng malamig na katahimikan. Naroon sina Mama at Papa sa sala—parehong nakasuot ng formal clothes, parang may presscon. Sa coffee table, may nakaabang na documents at isang wine glass na nangangalahati na.
"Anthea, umupo ka," utos ni Papa, hindi man lang tumingin sa akin nang dumating ako.
Napatingin ako kay Anthony, pero umakyat na siya agad sa hagdan. Kasunod ng isang bodyguard niya.
"May problema po ba?" tanong ko, bagamat ramdam ko na ang bigat ng hangin. Tumibok ang dibdib ko nang mas mabilis.
"Anak," mahinang umpisa ni Mama, pero kita sa mukha niya na pilit ang pagiging kalmado. "We’ve made a decision. At kailangan naming sabihin sa’yo ngayon din."
"Kailangan mo nang magpakasal," sabat agad ni Papa, diretso, walang paligoy-ligoy.
"H-Ha?" Nanlaki ang mata ko. "Pakakasal?"
"Yes," tuloy ni Mama. "Kay Mr. Renato Villaruel. Isang kilalang businessman. May-edad na siya, oo, pero..."
"HINDI! Wait lang—si Mr. Villaruel? ‘Yung—‘yung lolo sa business circles na maraming mistress?! Seryoso kayo?"
Tahimik ang lahat.
"Anthea," sagot ni Papa. "Kailangan natin ito. If we don’t agree to this union, our company will collapse. Ilang investors na ang umatras. Isang kasal lang ang hinihingi niya, and in return, he’ll save our business."
"At ano naman ako, bargaining chip?" Tumayo ako. "Anak n’yo ako, hindi ako puhunan!"
"Anak ka nga, kaya gusto ka naming iligtas. Pati ang pamilya natin," sagot ni Mama, may luha na sa mata.
"Then let Anthony marry his daughter or something! Or let him take care of it! Hindi ba siya ‘yung paborito niyong anak?”
"Don’t be childish, Anthea!" singhal ni Papa. "We raised you well. You’ve lived in luxury all your life. Now it’s time you give back. This is bigger than you."
Hindi ko alam kung iiyak ako o sisigaw. Nanginginig ang mga kamay ko. Pinilit kong pigilan ang luha pero kusa na itong tumulo.
“So I’m really just... a pawn?”
Tahimik silang pareho.
Umiling ako. “This isn’t love. This is prison.”
Tumalikod ako, pilit pinipigil ang luhang pumatak na. Pero bago ako makaalis, bumaba si Anthony mula sa hagdan, hawak ang phone, may hawak ding susi ng sports car niya.
May ngiti sa labi niya—yung tipong wala siyang pake.
"Good luck.” Sabay talikod at labas ng bahay, sinundan ulit ng bodyguards niyang parang alalay sa demonyo.
Hindi ko na napigilan. Umiyak ako. Hindi lang dahil sa kasal, kundi dahil sa pakiramdam na kahit kambal ko siya—ni minsan, hindi siya naging kakampi ko.
Palagi akong nag-iisa. Palaging ako ang kailangang sumunod.
Bakit ako? Bakit hindi siya?
Bumagsak ako sa sofa, ni hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko nang sunod-sunod. Pilit kong binura ang mga patak gamit ang palad ko—pero parang walang katapusan.
Ang buong buhay ko, planado na para sa akin. Bawat hakbang, bawat galaw, bawat desisyon—lahat, may dikta. Sa pamilya naming mayaman, ang kalayaan ay parang luxury item na hindi ko kayang bilhin.
Pero ngayon...
Tumayo ako. Dahan-dahan. Huminga ako nang malalim.
No. Enough.
Hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko mahal. Hindi ako magiging trophy wife ng isang matandang manyakis. At lalong hindi ako magpapakulong habang ang kambal kong walang puso ay gumagala sa mundo na parang hari.
Umakyat ako sa kwarto ko at agad na nag-lock ng pinto. Kinuha ko ang luma kong backpack—yung ginagamit ko noon sa modeling trips abroad. Binuksan ko ang closet at kumuha ng ilang damit. Simpleng t-shirt, maong, sneakers. Yung hindi ako mapapansin. May maliit lang akong maleta. At naglagay lang din ako ng ilang gamit.
Bumunot ako ng cash mula sa secret stash ko sa ilalim ng drawer. Emergency money na tago ko para sa mga ganitong klaseng moment—hindi ko akalaing magagamit ko nga talaga.
Tumigil ako sandali, humarap sa salamin.
“Anthea,” mahina kong sabi sa sarili ko. “Kung gusto mong mabuhay bilang ikaw... ngayon na ang panahon.”
Nag-message ako kay Choopa:
Anthea: Choo, I need help. No questions. Tatakas ako tonight.
Pagkatapos no’n, pinatay ko ang phone at itinago sa backpack. Ayoko na ng drama. Ayoko na ng dikta.
Ayoko na ng buhay na hindi ako ang pumili.
Tonight, I leave. No more Anthea the obedient daughter.
Ngayon, ako na si Anthea... ang babaeng handang lumaban para sa sarili niyang buhay.