Chapter 4

1791 Words
ANTHEA'S POV Madilim na nang lumabas ako ng kwarto. Tahimik ang buong mansyon—lahat ng ilaw sa hallway ay dimmed. Nilakasan ko ang loob ko. Hindi ako pwedeng kabahan ngayon. I know this house like the back of my hand. Saan umiikot ang mga guard, kung anong oras nagpapalit ng shift, kung aling pinto ang walang alarm. Dati, ginamit ko lang ‘tong kaalaman para mag-sneak out sa parties. Ngayon, ginagamit ko para sa kalayaan ko. Dahan-dahan akong dumaan sa likod na gate ng garden, may maliit na pintong dating ginagamit ng gardener. Minsan, tinatahak ‘to ni Anthony kapag gusto niyang umiwas sa paparazzi. Pero ngayon, ako naman ang kailangan umiwas. Walang nakakita sa akin. Pumara ako ng tricycle, nagtago ng mukha gamit ang hoodie. Hindi ako tumingin sa likod. Baka kasi pag ginawa ko ‘yon, mawalan ako ng lakas ng loob. Pagdating sa terminal, doon ko lang ulit binuksan ang phone. Isang unread message lang ang nandoon—galing kay Choopa. Choopa: Gurlll!!! May kakilala ako sa Sulvec, Ilocos. Saktong may beach house siya. GO NA DOON! Tiningnan ko ang signage ng terminal sold out na lahat ng biyahe papuntang Ilocos Sur hanggang kinabukasan ng umaga. Walang choice—kailangan kong magpalipas ng gabi. Hindi pwedeng bumalik. Hindi rin pwedeng makita ako ng kahit sino. Nilibot ko ang paligid ng terminal, bitbit ang backpack at maliit na maleta. Malamig ang hangin, pero mas malamig ang pakiramdam ng isang taong tumatakas. May nakita akong maliit na hotel sa kanto. Wala sa booking apps, walang sosyal na pangalan—pero may “Vacant” sign na lumiliwanag. Sakto. Pumasok ako. Maasim ang amoy ng lumang wood polish. Tahimik. Wala halos customer. “Isa pong room,” mahina kong sabi sa matandang babae sa front desk. “Cash?” tanong niya. Tumango ako. Inabot ko agad. Hindi niya ako tinanong kung taga-saan ako o bakit ako mag-isa. Pagkapasok ko sa loob ng silid nagpalit ako ng simcard ng cellphone ko. Para hindi nila ako matawagan. Pwera kay Choopa. Kinabukasan. Maaga pa lang ay gising na ako. Hindi ako makatulog ng maayos. Bawat tunog sa hallway, iniisip kong baka may sumunod sa akin. Pero wala. Tahimik. Safe. Naka-check out ako bago mag-tanghali at agad bumalik sa terminal. This time, may available na biyaheng Ilocos Sur—12:00NN ang alis. Pagkaupo ko sa bus, saka lang ako nakahinga nang malalim. This is it. No turning back. Sa gitna ng mahabang biyahe, hindi ko na napigilan. Tahimik akong umiyak habang nakasandal sa bintana, pinapanood ang mga dumadaang poste at bundok na parang mga alaala ng nakaraan na unti-unting nilalamon ng dilim. Ito na ba talaga 'yon? Tumakas ako sa lahat ng alam ko. Sa pamilya ko. Sa kinabukasang hindi ko pinili. Pero bakit parang may parte pa rin sa akin ang natatakot? Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko. Ang alam ko lang, hindi ko kayang pakasalan ang lalaking hindi ko mahal. Pagkababa ko ng bus, iginala ko ang mga mata ko.Gabi na. Madilim. Ang bigat pa rin ng dibdib ko. May mga tricycle na nakapila. Pumili ako ng isa—wala pa ang driver, kaya naupo muna ako sa loob. Isang lalaki ang binulyawan ng matanda sa karinderya. Binato pa ng tinapay. Narinig kong tinawag siyang Exiel. Tumatawa ang mga kaibigan niya, pero ako, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Magulo ang buhok niya, may balbas. Pero may kakaiba sa mga mata niya—Tumingin siya sa akin. Nagtagpo ang paningin namin. Parang tumigil ang paligid ko. Binawi ko agad ang tingin ko. Sumakay siya sa tricycle, tapos tumingin sa akin. “Miss, saan ka ba magpapahatid?” Tumingin ako sa cellphone ko. Naalala ko ang message ni Choopa. Sulvec. “Manong, pwede bang ihatid mo ako sa Sulvec?” Manong. Oo, alam kong medyo rude, pero iyon ang naunang pumasok sa isip ko. Halata sa mukha niya na na-offend siya. Pero pumayag siya. Tahimik ang biyahe. Madilim ang daan. Hawak ko lang ang sarili ko. Walang tiwala sa kahit kanino. Wala akong ibang sandalan kundi ang sariling lakas ng loob. Pagdating namin sa Sulvec, tinanong niya kung saan ako bababa. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ang alam ko lang, wala akong pupuntahan. Kaya ang lumabas sa bibig ko— “Kahit saan, Manong. Kahit saan mo ako dalhin. Kahit gahasain mo na ako. Patayin. Okay lang sa akin.” Narinig ko ang buntong-hininga niya, at ang tono ng inis sa boses niya. “Aba, Miss, mukha lang akong hoodlum pero hindi ako kriminal…” Bumaba ako ng tricycle. Iniabot ko ang bayad—limang libo. Pilit niyang ibinibalik ang apat na libo Alam kong sobra iyon, pero ayokong may utang ako sa kahit kanino. Umupo ako sa may waiting shed. Ang lamig ng hangin. Ang dilim. Ang lungkot. Pero mas mabuti na ito kaysa mabulok sa kasal na hindi ko ginusto. Ilang minuto ang lumipas, nagdesisyon akong maglakad. Tinahak ko ang daan na madilim. Medyo malayo layo na rin ang aking nalakad, bigla akong napatigil. Bumalik ang tricycle. Si Exiel. “Miss! Sumakay ka na sa tricycle ko!” Ayoko na sanang tumigil, pero nang sinabi niyang baka siya pa ang masisi kung may mangyari sa akin… doon ako napatigil. Napahinto ako. Tumagpo ang mga mata namin. “Akala ko ayaw mong madamay sa problema ko.” Lumapit siya, binuhat ang maleta ko. Nagdikit ang mga kamay namin. Parang may dumaloy na kuryente. Hindi ko maintindihan. “Kung ano man yan, ipagpabukas mo na.” Tahimik akong sumunod. Hindi ko alam kung anong klaseng bahay ang pupuntahan ko. Pero noong nakita ko sina Inang at Tatang, may bigla akong naramdamang kakaibang init. Hindi ko na maalala kung kailan huling beses na may ngumiti sa akin nang ganun. “Makikitulog muna siya rito,” narinig kong sabi ni Exiel. Inis ang tono niya, “Pasensiya na po sa inyo. Naabala ko pa po kayo. Kahit ngayong gabi lang po,” sabi ko. Seryoso ako. Ayoko nang maging pabigat. Pero nang sinabi ni Tatang na sa kubo ako matutulog, napatingin ako kay Exiel. Nagtama ang aming mga mata. Nakaramdaman ako ng kiliti sa puso ko. “Ano nga pala pangalan mo, iha?” tanong ni Inang. “A-Anthea po.” Naglakad si Exiel sa bandang kusina. "Inang, may pagkain pa po kayo?" Tanong ni Exiel. Nagbuklat ng mga plato na nakapatong sa lamesa. "A, meron pa, anak. May itlog at toyo pa. Ikaw, iha kumain ka na ba?" Medyo kumulo ang sikmura ko. Dahil kanina pa din talaga ako nagugutom sa byahe. "Naku, baka ma-allergy pa yan sa ulam natin. Mahirap na magkagalis pa yang mala-porselanang kutis niyan." Kumakain na si Exiel sa lamesa at nakakamay lang ito. Mukhang seryoso ang mukha. Sumungit. Hindi siya nakatingin sa amin. Nagsalita si Inang. "Ikaw talaga, Exiel hindi mo man yayain itong bisita natin kumain." Bumaling ang tingin ni Inang sa akin. "Pagpasensyahan mo na, iha. Heartbroken lang kasi iyan kaya ganyan ang ugali." "Inang!?" Sabi ni Exiel. Bumaling ito sa ina. Hinila ako ni Inang sa hapag kainan. Napaupo ako sa tapat ni Exiel. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin ng medyo matalim. Naasiwa ako. Kaya yumuko ako. Nilagyan ako ng plato ni Inang sa harap ko na may kanin. "Ayan, Iha sige kumain ka. Huwag mo alalahanin yan si Exiel." Napatingin ako ulit kay Exiel. Patuloy ito sa pagkain. "May problema ba, iha? Kumakain ka ba ng toyo at itlog?" Tanong ni Inang. "A, e...." "Inang, bigyan mo siya ng kutsara at tinidor. Mukhang hindi ata siya nagkakamay." May bigat sa boses ni Exiel. "Ay, oo sandali." Kumuha ng kutsara at tinidor si Inang at inilapag sa tabi ng plato ko. "Ito, iha kumain ka na." Kinuha ko ito. "Sa-salamat po." Nakaramdam ako ng ginhawa. Mabuti pa ito si Inang. Ibang iba sa mama ko. Hindi ko narasan ang ganito sa mama ko. Yong simpleng ganitong gestures lang. Napansin ko ang pagbago sa expresiyon ni Exiel. Mukha itong napa-smirk. Napatitig ako sa mga mata niya. Ang ganda ng mga mata niya. Pagtinitigan mo pala siya. Ang gwapo niya kahit may balbas. At manipis ang mga labi niya. Hindi ko alam bakit may kakaiba akong nararamdaman. Marami na rin akong naka-date na lalaki. Nakakaharap. Pero siya kakaiba. Parang slow-mo ang dating. Napadako ang tingin ko sa mga braso niya. Ma-muscle. Parang ang sarap pisilin. Bakit ngayon ko lang napansin. Kanina ko pa siya kasama. May kumikiliti sa puso ko. Bumalik lang ang ulirat ko ng napatitig siya sa akin. Bigla kong binawi ang paningin ko. At nag-init ang pisngi ko. Lalong tumalim ang titig niya. "May problema ba?" Anito. Napailing ako. Kaya sinimulan ko na ang pagkain. Sa sobrang gutom ko naparami ako ng kain. Lalo na ng matikman ko ang kamatis na pareha sa toyo. Magiliw lang nanakamasid si Inang at Tatang. Nagsalita si Inang. "May boyfriend ka na ba, iha?" Muntik na ako masamid sa tanong niya. "Po?.....a, e. Wala pa po." Sagot ko. Nagulat pa ito. "O, talaga? Sa ganda mong iyan?" Napatingin ako kay Exiel. Bahagyang nakakunot ang noo nito. Patapos na siyang kumain. Nagsalin ito ng tubig sa baso niya. Lumagok ito ng tubig. Napatitig ako sa lalamunan niyang gumagalaw habang umiinom. "Wala po talaga." Ewan ko ba kung bakit kay Exiel ako nakatingin habang sinasagot ang Inang niya. Napatingin din siya sa akin. Diyos ko! Anthea ano ito? Pakiramdam ko para akong natutunaw sa mga titig niya. Anthea, ngayon mo lang nakilala ang taong to. Sabi ng isip ko. Tumayo siya. "Exiel, akin na yong susi ng kubo mo. Dadalhin ko na roon ang gamit ng bisita natin." Ani Tatang. "Ako na po, Tang." Lumabas na ito. "Tapos ka na ba, iha?" "O-opo. Ang sarap po ng ulam ninyo. Ngayon lang po ako nakakain ng toyo." May mga katulong kami sa bahay minsan nakikita ko na ito ang ulam nila. "Sige, iha sumunod ka na doon kay Exiel. Sa likod. Para makapagpahinga ka na." "Pasensiya na po, Inang tulungan ko na po kayo." Akma kong kukunin ang plato sa kaniya. "Hindi na, iha ako na bahala rito. Bisita ka namin." "Sige po. Salamat po." Tumayo na rin ako at kinuha ang bag ko. Ang maleta ko ay dala na ni Exiel. Nag -aantay ito sa may pinto. Tumalikod na siya at naglakad papunta sa likod bahay. Sinundan ko siya. Malawak ang likuran makikita mo ang lawak ng palayan. Tapos nakita ko ang isang kubo. Well, parang hindi kubo. Oo, gawa sa kawayan pero ang ganda ng pagkagawa. Binubuksan na ito ni Exiel. Nagulat ako ng bigla itong nagsalita. "Siguraduhin mo lang na ngayong gabi ka lang rito." Matigas ang tono ng boses niya. Galit ba siya? Siya nga nagdala sa akin dito tapos galit siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD