EXIEL'S POV
P*t*ng*n*! ka talaga, Exiel. Akala mo ba kaya mong umiwas sa babae?
Akala mo ba hindi ka na muling magtitiwala?
Bakit ngayon, parang gusto mong umatras?
Sh*t! Ang ganda ng mukha niya kasi. Para siyang birheng bumaba mula sa langit.
Mukhang anak-mayaman. Halatang di sanay kumain gamit ang kamay—kaya ayun, pinakuha ko pa kay Inang ng kubyertos.
Ngayon lang din daw siya nakatikim ng toyo.
Ilang beses na rin nagtama ang mga mata namin. At sa bawat pagkakataon, napapako ako sa tingin niya.
Sa labi niyang mapupula.
Ini-imagine ko kung gaano kasarap halikan ang labi niyang 'yon.
May kung anong kilabot ang gumapang sa katawan ko.
Ewan ko ba kung bakit ko nasabi na hanggang ngayong gabi lang siya. Parang bigla akong nainis—sa kaniya, sa sarili ko.
Galit ako sa sarili ko. Dahil pinagbigyan ko siya. Dahil naawa ako. Dahil natakot akong mapahamak siya kung saan man siya magpalipas ng gabi.
Napatitig siya sa akin bago nagsalita.
"Galit ka ba? Di ba ikaw naman ang nagyayang pumunta ako rito?"
"Oo," sagot ko, malamig ang tono. "Sinusulit ko lang ang binayad mo. Para patas."
Bumuntong-hininga ako. "Bukas, ihahatid na kita kung saan mo gusto."
Pagkabukas ko ng pinto ng kubo, pumasok ako, dala-dala ang maliit niyang maleta.
"Iwanan na kita rito." Itinuro ko ang mga bahagi ng bahay. "’Yan ang kwarto. Doon naman ang banyo."
Tahimik siyang umikot sa loob ng kubo, parang bata sa bagong mundo.
"Ang cute ng kubo," bulong niya habang pinagmamasdan ang paligid. "Mukhang presko at tahimik. Masarap sigurong tumira rito."
Naglakad siya papunta sa maliit na sala. Napansin kong tumigil siya sa tapat ng lamesita. Tinitigan niya ang mga litrato, at agad napatigil nang mapansin ang isa roon—ang lumang larawan namin ni Raquel.
"Siya ba ang asawa mo?" tanong niya, bakas sa tono ang interes.
Agad kong hinablot ang picture frame.
"Hindi," mariin kong sagot. "Hindi ko siya asawa."
Mabilis kong tinanggal ang larawan sa loob, at walang alinlangang pinunit ang bahagi kung saan naroon si Raquel.
Na-realize kong matagal na pala 'yong nandoon. Dapat noon ko pa tinanggal.
Nilamukos ko ang pinunit na larawan at mariing isinuksok sa bulsa ng aking pantalon. Para bang sa bawat guhit ng mukha ni Raquel sa papel, gusto ko na ring burahin ang bigat ng nakaraan.
Tahimik lang siyang nakatingin sa akin, "Alis na ako. Pahinga ka na," sabi ko, nag-iwas ako ng tingin."Isara mo ng maigi yong pintuan."
Pagkalabas ko ay napa-buntong-hininga ako.
Kinabukasan.
Naalimpungatan ako sa ingay ng mga tinig mula sa labas. Hindi pa man ganap na mulat ang mga mata ko, alam ko na agad kung kanino 'yong boses. Si Inang... at si Anthea.
Pinilit kong manahimik habang nakahiga, nakikinig lang sa pag-uusap nila mula sa kusina.
"Ang ganda po talaga ng lugar ninyo, Inang. Presko, tahimik. Parang ang sarap tumambay lang buong araw," ani Anthea, halatang masigla ang tono.
"Aba, kung gusto mo, iha, puwede kang manatili rito sa amin. Pwede ka naman sa kubo ni Exiel. Hindi naman natitirhan yun. Dapat kasi ikakasal na yang Exiel kaso..." Hininaan ni Inang ang boses niya kaya hindi ko narinig.
May gulat sa boses ni Anthea. "Ay ganun po ba?"
Natigilan ako. Napa-upo ako sa banig. Si Inang talaga ang aga aga tsinitsismis ako.
"Gusto ko po munang manatili rito." Ani Anthea.
Parang biglang nagising ang diwa ko nang tuluyan. Tumayo ako at dumiretso sa may pinto, bahagyang sinilip ang dalawa.
Si Anthea, nakangiti habang umiinom ng kape, nakasuot ito ng manipis na short at damit. Mukhang pantulog. Si Inang naman, abalang naglalagay ng pandesal sa pinggan, parang tuwang-tuwa na may kasamang bagong mukha sa bahay.
Napabuntong-hininga ako.
Magtatagal siya rito?
Nagpaalam si Inang sa kaniya na iwanan niya muna ito. At lalabas lang muna siya sandali at maghahatid ng kape at pandesal kay Tatang sa labas na nagsisibak ng kahoy.
"Sige po Inang." Sabi nito.
Saka ako lumabas sa silid ko pagkaalis ni Inang. Nagulat si Anthea nang makita ako. Napalingon siya mula sa mesa, hawak pa rin ang tasa ng kape. Kita ko agad ang bahagyang pagkabigla sa mga mata niya.
Nakapamewang ako, nakakunot ang noo.
Diretso akong lumapit sa kanya. Hindi ko na pinigilan ang inis na kanina ko pa kinikimkim. Halos magdikit na ang mukha namin.
"Tama ba ang dinig ko?" mariin kong tanong. "Magtatagal ka rito?"
Hindi siya agad nakasagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.
"Oo," sagot niya, mahinahon. "Bakit? Bawal ba?"
Napasinghap ako, bahagyang napailing.
Tumayo siya, inilapag ang tasa. Wala na ang ngiti sa labi niya.
"Uupahan ko na lang ang kubo mo. Ayokong maging pabigat," aniya, malamig ang tono.
Pinagmasdan ko siya. Di ko na napigilan—tumigas ang panga ko habang nagsalita.
"Teka lang. Ano ba talaga ang drama mo? Bakit nandito ka sa Ilocos?"
Napatigil siya. Kitang-kita ko kung paanong sandaling napatda ang mukha niya. Nagdadalawang-isip. Lumikha ng saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Ano?" usisa ko pa, bahagyang nakakunot ang noo. "Tumakas ka ba? May tinatakbuhan ka?"
Hindi siya agad sumagot. Tiningnan niya ako saglit, saka nag-iwas ng tingin, tumingin sa labas ng bintana. Hindi niya ako gustong tingnan sa mata.
"May mga bagay na mas mabuting hindi na lang pinag-uusapan," mahinang sagot niya. "Nandito lang ako kasi… kailangan kong lumayo."
"Ganon ba? 'Yong tipong bigla na lang susulpot sa probinsya at magrent ng kubo dshil gusto mo yong tanawin?" Inis at asar na nasabi ko.
"Bahala ka kung anong isipin mo," sagot niya, malamig ang boses niya. "Pero hindi ko kailangang ipaliwanag ang lahat sa’yo. Hindi mo ako kilala."
Hindi ko alam kung dahil sa inis o pagkalito, pero napaatras ako. Tumango ako, halos hindi marinig.
"Oo nga. Hindi kita kilala. At ayokong makilala pa."
"Mas mabuti nga siguro," sagot niya, saka muling naupo sa silya na para bang tapos na ang usapan.
Tahimik akong tumalikod, naglakad pabalik sa kwarto ko. Isinara ko ang pinto, pero hindi ko ito nai-lock. Tumayo lang ako sa gitna ng kwarto, parang hindi alam kung anong gagawin.
Hindi ko alam kung naiinis ako sa sarili ko o kay Anthea.
Sa kanya—dahil masyado siyang misteryosa. Dahil hindi siya nagbigay ng kahit anong paliwanag, tapos bigla na lang gusto niyang manatili rito, sa lugar na para sa akin ay pahingahan mula sa gulo ng Maynila.
O baka sa sarili ko—dahil bakit ba ako naaapektuhan? Bakit ba parang kailangan kong intindihin kung ano’ng pinagdadaanan niya?
Napaupo ako sa gilid ng kama. Napailing. Pilit ko mang alisin sa isip, naiisip ko pa rin ang tono ng boses niya. Hindi galit. Hindi rin takot. Parang pagod. Parang may mabigat siyang pasan na hindi niya kayang sabihin sa iba.
Sumandal ako sa pader, tinitigan ang kisame. Ano bang pakialam ko? tanong ko sa sarili.
Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko na wala akong pakialam, hindi ko maikakaila — may bumabagabag sa akin.
Tanghali na at nasa loob lang ako ng kwarto ko. Wala ako sa mood. Gusto kong magkulong sa kwarto ko. Ayaw kong magbyahe ngayon.
Narinig ko na lang ang mahinang katok sa kwarto ko.
"Exiel." Boses ni Inang.
Agad akong bumangon, binuksan ang pinto. Nakatayo siya roon, may bitbit na basket ng pagkain at bote ng tubig.
"Pupunta lang ako sa bukid," aniya, may ngiting pagod. "Maghahatid lang ako ng pagkain ng Tatang mo. Baka mamayang hapon pa ako makabalik."
Tumango ako. "Sige, Inang. Ingat po kayo."
"ikaw na munang bahala rito. Kung hindi ka aalis, yayain mo na lang si Anthea kumain. Nasa kubo siya nagpapahinga."
Tumango ulit ako, pilit na ngumiti. "Opo, Inang."
Umalis na si Inang.
Saglit akong napatigil sa harap ng lamesa, nakatitig lang sa pagkain na inihanda ni Inang na nakatakip. Napabuntong-hininga ako.
Sumilip ako sa bintana. Sarado ang pinto ng kubo sa kabila, pero bukas ang bintana. Kita ko ang manipis na puting kurtina na pinaglalaruan ng hangin. Tahimik.
Kinuha ko ang isang pinggan, nagsandok ng kaunting pagkain.
Naglakad ako papunta sa kubo, may bitbit na pinggan ng ulam at kanin.
Pagdating ko. Kumatok ako.
Walang sumasagot. Pinihit ko na ang pinto. Para makapasok ako. Inikot ko sa loob ang aking paningin. Walang tao.
May narining akong lagaslas ng tubig. Sa loob ng banyo.
Baka naliligo siguro ito. Kaya naglakad ako papunta sa may kusina at inilapag ang plato ng kanin at ulam.
Hindi ko sadya na mapatingin sa banyo
Nanlaki ang mga mata ko na bahagya itong nakabukas.
At hindi ko sadya na makita si Anthea.
Nakatalikod ito. Hubo't hubad.
Napako ako sa kinatatayuan ko.
Hindi ako makagalaw.
Hindi ko rin agad maibaling ang tingin ko sa ibang direksyon.
Nando’n siya…Naliligo. Nakatalikod. Hubo’t hubad. Walang saplot ni anuman.
Ang bawat patak ng tubig na dumadaloy sa balat niya, parang slow motion sa paningin ko.
T*ng*n* mo, Exiel. Ano’ng ginagawa mo?
Gusto kong umiwas. Gusto kong lumayo. Pero nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Hindi lang dahil sa gulat. Kundi dahil sa unti-unting init na umaakyat sa katawan ko.
Dahan-dahan, may gumigising sa akin… isang bagay na hindi ko naisip na mararamdaman ko ulit. Lalo na sa isang babaeng ngayon ko lang nakilala.
Ang puti ng kaniyang kutis, mala-porselana. Ang hubog ng kaniyang katawan. Bilugan at maumbok ang kaniyang puwetan.
Nasaisip ko ang sarap himasin ang bahaging iyon.
Hindi ko akalain na tinatayuan na ako.
Sh*t Exiel! Ang ganda niya. Parang gusto ko siyang pasukin sa loob ng banyo.
Ang sarap niyang pagmasdan. Hindi ito tama, alam ko. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Pero hindi pa rin ako makagalaw.
Bigla ako napahawak sa harapan ko.
Sobrang tigas na ito.
Sumisikip sa ilalim ng suot kong Boxer shorts. Mabilis ang t***k ng dibdib ko, para akong mababaliw.
Hindi ako pwedeng magpadala. Hindi ngayon. Hindi sa ganitong sitwasyon.
Umalis ka na, Exiel, saway ko sa sarili ko.
At sa wakas, nagawa kong ibaling ang tingin at tahimik na lumabas ng kubo—bitbit ang bigat sa dibdib at ang init na pilit kong kinokontrol.