Chapter 11

1588 Words

ANTHEA'S POV Pagkatapos ng hapunan, naglabasan na ang mga lalaki sa bakuran. Dala nila ang mga monoblock chair, ang iba naupo sa paso, at nagsimula na naman ang kulitan at tawanan. Si Exiel, syempre, nandoon sa gitna. Tumatawa habang hawak ang bote ng softdrinks, parang hindi napapagod. Ang saya-saya ng paligid—puro kwentuhan ng laro, biruan, at kung paano nila “siguradong” mananalo sa paliga. Ako naman, nagpaiwan sa loob para tumulong sa pagliligpit ng mga kalat at pinagkainan. Nagwawalis ako habang si Inang ay nagbabanlaw ng mga plato. “Salamat, hija ha,” sabi ni Inang habang pinupunasan ang lababo. “Bihira ‘yang ginagawa ng bisita rito.” Ngumiti lang ako. “Okay lang po, Inang. Masaya rin naman po ako.” Habang abala ako sa pag-aayos, narinig kong biglang lumakas ang sigawan sa labas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD