ANTHEA"S POV Lumabas na ako ng bahay nila Exiel. Hindi ko na siya pinansin pagkatapos na umalis ang dalagitang si Flora. Dali-dali na akong naglakad pabalik sa kubo sa likod. Pagkatapos ay isinara ko na ang pinto. Huminga ako ng malalim. Malalim para maibsan ang naramdaman kong tensyon kanina. Mamaya kausapin ko si Inang. Babayaran ko ang kubo sa pagtira ko rito. Tumunog ang cellphone ko. Isang tawag. Kahit numero lang ang nakalagay alam kong si Choopa ito. Sinagot ko ito kaagad. "Hello, Choopa?" "Naku, Anthea!" Mukhang may takot at tensyon din sa boses niya. "Choopa, a-ano balita?" "Anthea, kakaalis lang ni Anthony. Walanghiya talaga yang kambal mo. Sinakal ako. Pagkatapos hinipuan pa ako! Demonyo talaga yang kapatid mo! Ghorl, hinahanap ka nila! Sabi ko hindi nga kita mak

