EXIEL'S POV Mainit ang araw habang binabaybay ko ang kalsadang masukal, may kaunting alikabok, at tahimik ang paligid. Galing ako sa palengke—bitbit ang ilang gulay, manga, at bangus para sa tanghalian namin na pinabili ni Anthea.. Magaan ang pakiramdam ko. Habang papalapit ako sa kanto ng bahay, biglang bumigat ang dibdib ko. May tatlong magagara’t itim na sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay namin. Malalaki. Tila mga SUV na hindi mo basta makikita sa mga liblib na lugar tulad nito. Sino ang may-ari ng mga ‘yon? Huminto ako sa gilid ng daan, bumaba sa tricycle at naglakad papasok, may kaba na sa dibdib. Habang palapit ako, napansin ko ang ilang lalaking naka-itim na parang mga bodyguard. Tila alerto ang galaw, mga mata’y palinga-linga, parang may pinoprotektahan o may inaabangan

