1
ILANG oras na yata kaming naghihintay ni Kelly sa boyfriend niya. Doon kasi sa condo unit ng boyfriend niya gaganapin ang birthday niya so dahil wala siyang susi, nganga kami ngayon habang nanghihintay dito sa may park.
"For sure marami siyang hinahandang surprise for me kaya natagalan siya." Sabi ni Kelly.
Tumango lang ako. Maybe she's right but I don't think so. His boyfriend is not that kind of man.
Lucio Vin Palermo
I know him. Kilalang kilala ko na siya to the point na mas kilala ko pa siya kesa sa girlfriend niya. Stalker? No. I am just a woman who's madly inlove with him. We were classmates since first year college. Paano ko ba naman hindi makikilala ang number one na kalaban ko palagi sa honor roll. Palagi lang akong pangalawa sa kaniya pero ayos lang.
But of course, hindi niya ako kilala noon. Bakit naman niya mapapansin ang babaeng napaka-simple lang at puro pag-aaral lang ang ginagawa. Isa pa, he's not the kind of man na namamansin ng kaklase. He's too confident with himself. Mga barkada niya lang ang pinapansin niya noon and of course, iyong mga babae niya.
"Omg, he's calling!" Sabi ni Kelly.
Hinayaan ko lang siyang makipag-usap sa boyfriend niya.
Kelly Roxas. My bestfriend since we were kids. Hindi kami magka-klase noong college dahil iba ang course niya but same school pa rin naman. Shinwoo University.
Akalain ko ba namang siya pa ang magiging girlfriend ng lalaking matagal ko nang pinapangarap. Ang sakit lang. Iyong gusto mong umiyak pero kailangan mong maging masaya para sa kaibigan mo.
"Catherine, wake up! Naroon na raw siya sa condo niya. Let's go. Nae-excite ako kasi baka may kakaiba siyang pakulo."
Assuming si Kelly. Realtalk. She always assumed things with her boyfriend. And in the end, palagi lang naman siyang nganga. Nag-expect at nasaktan.
Tumayo na ako bitbit ang paperbag ng ilang decorations na gagamitin namin. Mamayang gabi kasi ay pupunta ang mga friends namin para mag-celebrate at dahil ako ang bestfriend, ako ang kailangang tumulong.
Walk in distance lang naman ang layo ng park na pinagtambayan namin papunta sa building ng condo unit ni Palermo. Ewan ko ba dito kay Kelly kung bakit hindi nalang siya nagpasundo sa boyfriend niya.
Pumasok kami sa building at hinayaan ko si Kelly sa pakikipag-usap sa receptionist.
"Girl, tara na." Sani niya sa akin.
Sumunod lang ako sa kaniya. Sumakay kami sa elevator saka niya pinindot ang number 8 na button.
Close kami. Syempre bestfriends kami mula pa noong mga bata kami. Alam na namin ang ugali ng isa't isa. Marami ring nagtataka kung paano kami nagkasundo samanhalang ang laki naming pagkakaiba. Well, ganoon yata talaga kapag kaibigan. You can accept her for who she is.
Madaldal siya. Madaldal din naman ako pero kapag kausap lang ako. Mahilig siya sa mga sexy na damit, ako sakto lang. Depende sa sitwasyon. Lagi siyang naka-make up, ako naman, hindi masyado. Nangangati kasi ang mukha ko sa make up. Madalas siyang mag-bar at makipagsosyalan sa mga friends naming mayayaman, ako naman masyadong seryoso sa trabaho ko at mas gusto kong nasa apartment ko lang.
Ang daming differences pero we're still best of friends.
Nang makababa kami sa elevator ay sumunod lamang ako kay Kelly sa paglalakad sa hallway. Tumigil kami sa room 803.
She pressed the doorbell.
Bumukas naman agad ang pinto ay bumungad sa amin ang....
Napalunok ako. Hindi ba niya alam na kasama ako ni Kelly? Normal na talaga sa kaniya ang ganyan, napansin ko lang.
Hubadero 'tong di Lucio Palermo.
Nakasuot lamanh siya ng short at topless siya. Oo, hubad. Kita ang ABS!
"Honey! Magdamit ka nga. Hindi ba, I told you, gusto ko, ako lang ang makakakita ng katawan mo?"
I want to roll my eyes pero baka mapansin nila. Sa harap ko ba naman maglandian. Hindi naman masakit. Okay lang ako.
"Kakatapos ko lang mag-shower." Simpleng sagot ni Palermo.
Pumasok na kami sa condo unit. Maganda at malaki. Ito ang unang pagkakataon kong makapasok rito. Syempre, hindi naman ako ang girlfriend. Nakakapagtaka kung ilang beses na akong nakapunta dito, 'di ba?
"Cath, you can start the decorations. Tutulungan kita mamaya. Okay?"
Pilit akong ngumiti kay Kelly. Paano kasi ang higpit ng hawak niya sa braso ni Palermo. At ayun, hinila na niya papunta sa kwarto.
Napailing nalang ako. Paano ko nakakayang makita ang lalaking laman ng puso ko sa piling ng iba? Simple lang. Palagi ko ring isinisiksik sa isip ko na hanggang doon lang ako. Masyado siyang mataas para abutin.
He's a CEO to his family company. Walong taon na mula nang mag-graduate kami sa college at napaka-stable na ng trabaho niya. Hindi ko ma-reach. Parang si Kelly, may sarili na siyang boutique sa mall. Hay, ganoon talaga kapag ipinanganak na mayaman.
Naalala ko rin na halos 12 years ko na siyang minamahal. Ang tindi rin ng puso ko.
Nang maka-graduate ay nagtrabaho ako sa company ng Uncle ko tutal business management naman ang course ko. Sineryoso ko ang trabaho noon hanggang mabayaran iyonf mga utang ng pamilya namin pati ang tuition na ginastos ng uncle ko noong college ako. Nakapagpundar na rin ako ng maayos na bahay para sa pamilya ko sa probinsya. May nabili rin akong hindi ganoong kalaking farm para sa Papa ko.
Dito sa manila, nangungupahan ako ng apartment dahil nga dito ang trabaho ko. Hanggang ngayon, doon pa rin ako nagtatrabaho sa uncle ko. Ako na ang may hawak ng sales report ng company. Nagsimula ako noon bilang simpleng intern lang. Taga timpla nila ng kape, taga xerox, in short, itusan. Hindi naman kalakihan ang company pero masasabi kong kilala rin kaya malaki ang sales monthly.
Sa estado palang ng trabaho, ang layo ko na kay Palermo. Samantalang ang bestfriend ko... sila talaga ang pinagtadhana. Kami, pinagtagpo lang pero hindi tinadhana.
Hindi ko alam kung paano naging sila. Hindi rin naman kasi sila magkakilala noong college. Sa pagkaka-kwento ni Kelly, nakilala niya lang si Lucio sa bar and ayun, nag-click daw sila at niligawan siya.
Ako namang nagselos at nadurog ang puso, hindi na nagtanong ng iba pang detalye kasi baka masaktan lang ako ng bongga. Basta ang alam ko lang mag-jowa sila. Iyon lang. Dalawang beses ko palang yata nakasama sa mga party si Palermo, well party ng friends na kasama si Kelly. Bukod doon, wala na. At ngayon ko nga lang ulit siya nakita.
Hindi naman ako pangit, hindi rin sobrang ganda. Alam ko namang may karisma pa rin ako dahil may mga nanliligaw naman sa akin. Iyon nga lang, masyadong makulit ang puso ko. Gusto 'yong lalaking mahirap abutin at imposibleng maging akin. Iyong 12 years naman na 'yon, hindi ko inilaan sa kaniya. Inuna ko lang talaga ang sarili ko at pamilya ko kaya hanggang ngayon, wala pa akong lovelife.
Tumunog ang doorbell. Tatayo sana ako pero lumabas sa kwarto si Palermo. Hmm, mukhang walang nangyayaring kababalaghan dahil nakashort siya at nakasuot ng black na plain tshirt.
Sinilip ko iyong dumating. Sa pagkakaalam ko, mamayang gabi pa 'yong iba naming friends.
"Bro, bakit hindi ka sumasagot sa tawag? Tangina tumakas lang ako kay Grandma. Muntik na akong hampasin ng walis—oops, may bisita?"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa akin siya nakatingin.
"f**k you, umuwi ka sa mansyon. You are not allowed to stay here."
"Bakit naman? Dahil may babae ka? Teka nga, hindi 'yan ang girlfriend mo bro—"
"Shut up." Sabi ni Lucio. "f*****g go home, Aries."
Ngumisi iyong Aries habang nakatingin sa akin. "May girlfriend 'tong pinsan ko. Manloloko 'tong gago na 'to." Humagalpak pa siya ng tawa.
"Honey, ang tagal mo."
Biglang lumabas si Kelly. Napalipat ang tingin sa kaniya nung Aries.
"Bro, putangina threesome?"
"Umuwi ka na, gago."
"Oo na, uuwi na ako. Makakaistorbo ako."
Walang anu-ano ay isinara ni Lucio ang pinto. Pinsan ba niya 'yon? Parang naaalala ko siya noong college. Mga sikat kasi sila niyan sa school.
"Is that your cousin?" Tanong ni Kelly.
"Yes." Matipid na sagot ni Lucio. Ang hilig pa niya sa serious face. Akala mo palaging galit. Kaya walang nagtatangkang mangopya sa kya noong college e.
"Honey naman, ang cold mo ngayon. It's my birthday 'di ba? Can you at least be extra sweet?"
I rolled my eyes. Totoo na. Hindi ko talaga maintindihan 'tong bestfriend ko kung bakit feel na feel niyang mahal siya ni Palermo na 'yan. Ang dami ko lang kasing naririnig na marami siyang fling. Isa pa, may mga kumakalat ding pictires na mga kalandian niya sa bar. Pero itong si Kelly, ayon, hindi daw jowa niya ang malandi kundi 'yung mga babae. Ewan ko ba. Medyo tanga din sa pag-ibig ang bestfriend ko. Parang ako lang.
Nagbukas ng TV si Lucio. Umupo sila sa living room. Ako, eto pinasama ni Kelly para lang matunghayan ang landian nila.
Kanina lang nag-expect siya ng surprise pero wala naman. Saka aasa pa ba sya diyan sa jowa niya? Sa isang magazine nga na nabasa ko, may section doon na about Palermo's. Ang nakalagay don, si Lucio Vin Palermo ay isang loving and kind son. Parang hindi naman.
Hindi ko rin tuloy alam kung bakit mahal ko ang lalaking 'yan. Basta na-fall nalang ako sa kaniya noong college kami dahil iba ang dating niya. Matalino, gwapo, mayaman. May ibubuga talaga siya tapos isang beses, pinahiram niya akong ballpen. Mula yata noon, minahal ko na siya. Iyong ballpen na pinahiram niya noon? Nakatago pa rin sa akin kahit wala nang ink. Gano'n ko siya tine-treasure.
Pero in reality, hanggang doon lang naman 'yon. Hindi ako nage-expect ng kahit ano. Mahal ko nga siya, e mahal ba ako? Ni hindi nga ako kilala. Kahit pa classmate ko siya noon at girlfriend niya ang bestfriend ko, hindi niya ako kailanman tiningnan.
Snobber siya at masyadong seryoso. Hindi rin siya friendly. Ako ang living proof dahil ako ngang bestfriend ng girlfriend niya, hindi niya magawang batiin.
Ang daming negative traits ang nalaman ko kay Lucio pero itong bobong puso ko, walang paki. Basta tumitibok pa rin para sa kaniya. Bilib talaga ako sa sarili ko. Sobrang loyal ko.
"Cath, okay na 'yong decorations? Do you need help?" Tanong ni Kelly.
Ngumiti ako. "Kaya ko na 'to. Maaga pa naman. Matatapos ko 'to bago sila magdatingan, don't worry."
Nakakahiya naman kung puputulin ko 'yong lampungan nila 'di ba? So, kaya ko na 'to. Gagawin ko 'to lahat. Dakilang bestfriend ako e.
Tumunog ang cellphone ko. Si Sam. Isa sa mga friends namin na nanligaw noon sa akin.
"Uy, Sam."
"Saan ka? Anong oras ang celebration ni Kelly?"
Sumulyap ako kina Kelly. Ayun, busy sa paghahalikan. Napailing alang ako pero syempre deep inside, may selos.
Ako dapat 'yun e. Pero siyempre joke lang.
"Dito kami sa condo ng boyfriend niya. Tinutulungan ko siyang magdecorate para mamaya. Isesend naman niya mamaya sa group chat 'yung exact address." Sabi ko.
"Alright. May ipapabili ka ba para mamaya?"
"Wala naman." Sagot ko.
"Sige. I'll hang up. See you later."
Pinutol ko na amg tawag. Hindi na ako tumingin sa gawi nila Kelly. Jusko, narito ako baka nakakalimutan nila? Isinama ba ako rito para maging taga-video sa magiging s*x scandal nila?
Tinuon ko nalang ang pansin ko sa ginagawa ko. Ganito lang talaga ako. Magaling ako magtago ng feelings. Kahit mahal ko 'yang Palermo na 'yan, hindi naman ako bitter na aawayin ko ang bestfriend ko dahil doon. Syempre masaya pa rin ako para sa kanila. Pero mas masaya kung maghihiwalay sila. Joke lang ulit. Masaya talaga ako para sa kanila.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Okay, ano 'yon?!
"Bro! May ka-threesome ka daw?!"
Nasapo ko ang noo ko. I know him. Syempre, paano ko hindi makikilala ang kapatid ng lalaking mahal ko.
"f**k, why are you here?!" Sigaw ni Lucio saka hinarangan sila aa may pinto.
"Sabi ni Aries may mga chicks ka dito. Inutusan niya kaming mag-spy, bro. Hehe."
Hindi ko kilala iyong kasama ng kapatid ni Lucio.
"Ludwig Ivan, alam ba ni Mom na narito ka? Ang alam niya nasa business meeting ka sa La Union."
"Kakauwi lang namin ni Arion. Magkasama kami. Then Aries told us na maging spy dito sa condo mo at alamin ang nangyayari."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanila. Kitang kita sa mukha ni Lucio ang inis.
"Go home." Utos ni Lucio. "Arion, Ludwig, gusto niyo pa bang mabuhay?"
Tumawa iyong dalawa. "Gustung gusto pa namin. Peace, bro. Aalis na kami."
Mabilis pa sa alas kwatrong nawala 'yong dalawang lalaki.
Napahawak sa sentido niya si Lucio.
"Is that your brother, honey?"
"Yeah. They are just... having fun." Sagot ni Lucio.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Anim na buwan na silang magjowa pero hindi pa naipapakilala si Kelly sa family ni Lucio. I wonder why.
"Ang cute nga nila e. Para silang mga bata." Sabi ni Kelly.
"Isip bata." Sabi ni Lucio. "Do you want to eat something? I'll order some food."
"Sabi na nga ba mahal na mahal mo ako e. Sige order ka. Dagdagan mo na rin ha, for Catherine." Sabi ng bestfriend.
Gusto kong sabunutan si Kelly. Inalok lang siyang kumain, mahal na mahal na agad siya. Ewan ko ba.
Hindi na sumagot si Lucio. May tinawagan agad siya.
Ganito ba talaga sila as couple? Para kasing kung panonoorin ko sila, hindi sila ganoon ka-sweet. Hindi nakakainggit except sa paghahalikan nila syempre.
Ngayon tuloy napapatanong ako, mahal ba talaga ni Lucio Palermo ang bestfriend ko?
Pero teka, bakit ko ba sila pino-problema? Kailangan ko nang tapusin ang decorations for tonight. Bahala na silang dalawa diyan.