NAKATULALA ako sa kisame ng kwarto ko habang hindi ako makagalaw sa pagkakahiga ki sa kama ko. Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng nangyari kagabi o panaginip ko lang.
Gusto ko na sana totoo nga iyon dahil syempre, sa ilang taong pagmamahal ko kay Lucio Vin Palermo, nagkaroon ng pagkakataon na magkasama kami or magkausap kahit pa inalok niya lang akong maging s*x buddy niya. Pero sa kabilang banda, hinihiling ko pa rin na sana panaginip nalang ang lahat dahil excuse me, may girlfriend 'yong tao, and worse, bestfriend ko ang girlfriend niya.
Hindi lang isang kabet ang kalalabasan ko nito kundi isa ring taksil.
Nasapo ko ang noo ko. Ang sakit ng ulo ko pero ramdam kong may mahapdi sa p********e ko. So ibig sabihin, totoo talaga ang mga nangyari.
We had s*x. Oo, kami ni Lucio Vin Palermo—ang lalaking lihim kong minamahal ng twelve freaking years.
Bakit ba ako nagpadala kagabi? Bakit naging marupok ako? Bakit hindi man lang ako nag-isip? Bakit ko ginawa iyon at bakit ako pumayag sa guato niyang mangyari?
Ngayon, paano na ako? Paano ko haharapin si Kelly without feeling guilt. Hello, naka-s*x ko lang naman 'yung boyfriend niya na sadly, hindi pa niya natikman. Jusko, nakauna pa akong makatikim sa boyfriend niya.
Gulung gulo ako. Hindi ko maintindihan kung bakit sa akin siya tinigasan? Ang choosy naman pala ng sword niya! Anong meron ako na wala si Kelly? Bakit sa tinagal tagal niyang hindi tinigasan, bakit sa akin?
Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko. At lalong hindi ko alam ang gagawin ko. Para kong binigyan ng problema ang sarili ko.
Tumingin ako sa side table ko nang mag-beep ang phone ko.
Halos manlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nagmessage sa akin sa f*******:.
Napabangon ako. Nanatili akong nakaupo sa kama ko saka binuksan ang chat niya.
Lucio Vin Palermo
I'll wait for you.
Napalunok ako. Paano kumalma? Utang na loob, ang aga aga pero ang bikis ng kabog ng dibdib ko. Una, hindi naman kami friends sa f*******: so siguro sinadya pa nyang hanapin ako at pangalawa, nagchat siya na never ko ginawa sa loob ng twelve years and last but not the least, hihintayin niya daw ako.
Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa excitement na nararamdaman ko.
Taksil ka, girl! Inahas mo ang boyfriend ng bestfriend mo!
Hay, ano ba 'tong pakiramdam na 'to? I need to stop this. Hihintayin daw niya ako. Naalala kong usapan namin na mag-uusap kami ng maayos ngayon sa condo niya kapag kinuha ko ang kotse ko.
Hingang malalim. Kalma lang, self. Mag-uusap lang daw.
Tumayo na ako saka nireplyan siya.
Catherine Reyes
Pupunta na ako.
Itinapon ko sa kama ko ang phone ko saka dumiretso sa cabinet ko. Anong magandang isuot? Jusko, karamihan sa damit ko ay office attire. Mga shirts lang din at pants. Ang manang ko talaga mag-porma. Hindi naman sa nagpapaganda ako para kay Lucio pero gusto ko pa rin namang magmukhang tao sa harap niya.
Nang makapili ng damit ay dumiretso na rin agad ako sa banyo. Naghubad ako saka nag-shower.
Kung iisipin, mali ang nagawa namin kagabi. Napakalaking pagkakamali. Sa part niya dahil may girlfriend siya at syempre sa part ko dahil parang lumabas nga na kabet ako. Kasi kung sa akin lang, wala namang magagalit dahil single ako pero kasi siya meron.
Saka kung talagang gusto niyang maging s*x buddy ako, bakit hinxi nalang niya hiwalayan si Kelly para hindi ako magmukhang taksil na nang agaw ng jowa? Pero kung iisipin, kung maghiwalay man sila tapos magiging kami, parang ganun din. Ako pa rin ang magiging dahilan. Kamumuhian pa rin ako ni Kelly.
Napailing nalang ako.
Maya maya ay natapos na akong maligo. Nagbihis na ako. Kinuha ko ang sling bag ko na may wallet saka dinampot ang phone ko sa kama. Dala ko rin ang susi ng kotse ko. Kailangan ko na iyong maiuwi mamaya. Kilalang kilala ni Kelly ang kotse ko at mahirap na kapag nakita niya iyon sa parking lot ng condo ni Lucio.
Nagsara ako ng apartment ko saka nag-abang ng taxi. Tanda ko naman kung saan ang condo ni Lucio.
Nang makasakay ako ay hindi ko maiwasang kabahan. Paano kung naroon si Kelly? Paano kung bigla siyang magpunta dun tapos maabutan niya kami?
Mariin akong pumikit saka huminga ng malalim. Maraming pwedeng idahilan. Huwag lang niya kaming maaabutang nasa kama dahil iba na 'yon. At teka, bakit ko ba naiisip na mahuhuli niya kami sa kama? Nage-expect ba ako na may mangyayari sa amin ngayon? Jusko, self.
Bumaba na ako ng taxi. Pumasok ako sa lobby sama nagchat sa kaniya. He told me na umakyat na ako.
Hindi naman na ako sinita ng reception kaya sumakay na ako ng elevator pataas. Mas lumakas ang pagkabog ng dibdib ko. Parang nanginginig iyong mga kamay ko. Ramdam na ramdam ko 'yong pressure na may ginagawa akong hindi tama. Ganito ba ang pakiramdam ng mga kabit sa tuwing pupuntahan nila 'yung lalaki?
Nang makababa ako sa elevator ay tinungo ko ang room number ni Lucio. I pressed the ring button.
Ilang saglit lang ay bumukas iyon. Sumalubong sa akin si Luvio na nakasuot ng bathrobe. Utang na loob, self. Maghunis dili ka.
"L-Lucio, ano..." bakit ako nauutal? Kailangan kong kumalma. Kailangan kong makipag-usap ng maayos sa kaniya dahil puri at kahihiyan ko ang nakataya rito.
"Come in." Aniya saka isinara nag pinto.
Sumunod ako sa kaniya sa living room. Hindi katulad kagabi, malinis na ang buong unit niya. Nakapagpalinis na siguro siya agad.
"Lucio, si Kelly, hindi ba siya pupunta dito ngayon? Baka kasi maabutan niya ako." Sabi ko. Iyon talaga ang main concern ko.
Umupo ako sa couch. Pumuntang kusina si Lucio at pagbalik niya, may dala na siyang bottled juice. Ipinatong niya iyon sa center table.
"We talked earlier. Masakit ang ulo niya and she's not feeling well."
Tumango-tango ako. "Ah, kukunin ko na 'yong kotse ko sa parking lot." Sabi ko.
Umupo siya sa single couch sa gilid ko. Nakatingin ako sa kaniya.
"About last night..."
Naku, ayan na. Hindi ko lubos maisip na nangyayari talaga 'to.
"You agreed to be my yeah, s*x buddy. It sounded rude but it will be like, you'll be my bed warmer."
Napalunok ako. Totoo na talaga 'to. Inakala ko pang hindi niya maaalala lahat nang napag-usapan namin kagabi.
"Lucio, ganito kasi, bestfriend ko si Kelly."
"I know."
"See? Mali iyong nagawa natin kagabi. Imagine having s*x with my bestfriend's boyfriend. Pakiramdam ko kabet ako at ang sama sama ko."
"Hey." Aniya. "It's not like we're getting married. She's just my girlfriend and you'll help me by having s*x with me. It's not that we'll do it for fun or to cheat on her."
Hindi kasi iyin ang ipinupunto ko. "Lucio, look, kung sa tingin mo, ako ang makakatulong sa 'yo dahil nga ano... alam mo na, bakit hindi mo nalang hiwalayan si Kelly? Less guilt." Suhestyon ko.
"I need her in my company."
Kumunot ang noo ko. Company?
"I have upcoming projects and I needed her connection to make it success. So for now, I can't break up with her."
"Ibig mong sabihin, ginagamit mo lang ang bestfriend ko? Hindi mo talaga siya mahal?"
Hindi ako makapaniwala. User ba siya? E wala palang balls ang Palermo na 'to!
"I don't love her. I never said I love her. She knows it. But she f*****g love me so J let her to be my girlfriend."
Asshole. Ito ba ang lalaking twelve years kong minahal? Ang gago niya pala. Kaya pala napapansin ko talaga na parang hindi niya mahal si Kelly. Napaka-cold niya saka parang napipilitan nalang siya kay Kelly. Para lang pala sa project sa company niya?
"Ganoon ka ba talaga, Lucio? You're being an asshole. Paano mo nagagawang lokohin ang bestfriend ko?"
"I never cheat on her. Wala akong babae habang kami. It's not because I am an asshole, I am also a playboy. No, Miss Catherine. Marunong akong makuntento sa isa."
Bakit ganoon!? Bakit pumintig ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko.
"Pero ngayon—"
"It's a whole different story, Miss Catherine. You see, I have a situation with my f*****g dck and you're the only one who can help me with that. Maybe after havung s*x with you for several times, bumalik na iyong drive ko for s*x. And when that happens, we'll stop this."
Nagtatalo ang puso at isip ko. Ang puso ko na dahil nagmamahal sa kaniya, gusto siyang tulungan at ang isip ko na umaayaw dahil mali ito.
Pero kasi nagawa na namin kagabi.
"Don't worry. We'll not do it just for my sake." Aniya. Tumayonsiya saka may kinuhang papel sa kung saan.
Inilapag niya ang papel sa center table.
"Here's the contract. The relationship between us will be secret to anyone. Tayong dalawa lang ang makakaalam. I'll call you anytime and you need to come with me, but yes, I will also give a consideration if you're not available but make sure it's reasonable. Last, here at the blank. You can write any amount you want as a payment. I know it sounded offensive but I don't know what can I give you in return."
Naloloka ako. Any amount. Kung gold digger ako, baka billion ang ilagay ko dito. Pero hindi ko naiisip iyon. Para kong ibinenta ang puri ko sa kaniya pero jusko, I really want to help him. May part naman sa akin na alam kong hindi niya ako niyaya basta basta na mag-s*x dahil lang malibog siya. He has needs at ako lang ang makakapagbigay sa kaniya no'n.
"What can you say? Do you want to add anything? Uou want a house? A new car?"
Wala naman talaga siyang wpedeng ipambayad sa akin kundi yaman niya. Kailanman hindi naman niya magagawang ipambayad ang puso niya sa akin.
"Hey, please say something. Are you okay with this?" Tanong pa niya.
Huminga ako ng malalim. Puso ko ba o isip ang susundin ko? Hindi ko na talaga alam. Pero...
"Okay, deal."
I hate myself. Napakarupok ko. Ayoko munang isipin ang mga maaaring mangyari pero kasi si Lucio. Ay ewan ko na!
"Damn, great. Thank you, Miss Catherine." He smiled at me.
Sa ilang beses lang na nakita ko si Lucio, ito yata ang unang pagkakataon na nakita ko siyang nakangiti ng malapad. Kahit kasi noong college kami, hindi 'yan ngumingiti man lang. Even his pictures sa mga business magazine, seryoso lang palagi ang mukha niya.
"Cath na lang." Sabi ko. Masyado siyang formal.
"Alright, Cath." Aniya. Bakit ang sarap pakinggan ng pangalan ko sa boses niya? Ganito ba talaga kapag mahal mo 'yong tao?
Nahihibang na talaga ako.
"Here, drink this juice. Do you want to eat somehing? I can order some foods." Sabi niya.
I grabbed the juice saka binuksan iyon. "Okay na 'to." Sabi ko saka uminom.
Muntik ko nang maibuga sa mukha niya ang juice nang biglang bumukas ang pinto. Sa gulat ko ay napatayo ako at napakalong sa kaniya saka itinago ang mukha ko sa may leeg niya.
Ang tanga ko dahil alam kong makikita pa rin ako pero wala akong idea kung sino ang dumating. Sana hindi si Kelly. Nananalangin talaga akong huwag siya. Huwag po.
"Bro, parang pula 'yong buhok nung girlfriend mo?"
Nabawasan ang kaba ko nang makarinig ako ng boses ng lalaki.
"Oo nga, bro. Iba 'yan? Bago mo?"
Umayos ako ng pagkakaupo sa kandungan ni Lucio. Nahiya ako bigla dahil nakakapit ako sa may leeg niya na parang nakayakap pero hindi naman ako makakilos. He's looking at me.
"S-Sorry."
Inalis niya agad ang tingin sa akin. Inayos ko ang buhok ko saka nag-angat ng tingin sa mga dumating.
"Oh, hi, you're hot."
"Gorgeous."
"Tasty?"
Parang sasabog ang puso ko sa kahihiyan. Ano bang sinasani nila? Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.
"f**k you, Aries. Tasty your ass. Gusto mo pa bang mabuhay?"
"Hehe, bro naman. Nagbibiro lang. Overprotective naman ng gago." Sabi nung Aries.
Halos magkakahawig sila. Mas kamukha lang ni Lucio iyong kapatid niya na nakatingin din sa akin.
"And you, Arion, who's hot? Alam ba ng nanay mo 'yang pinagsasasabi mo?"
Gusto kong matawa dahil parang Kuya na nananaway ng mga bata si Lucio.
"Bro naman, pinuri lang e. Walang damayan ng nanay." Napakamot siya sa ulo. Tanda ki siya na isa sa pumunta dito kahapon.
"And you, alam ba ng nanay mo—"
"Nanay natin bro." Tumawa siya. "Alam na alam ni Mom syempre. Hindi pa ba siya sanay kay Dad?" Sabi ni Ludwig. Siya lang ang kilala ko sa tatlo.
"f**k, fine. Bakit narito kayo?" Tanong ni Lucio.
Feeling ko na-out of place na ako pero jusko ang pakiramdam na katabi ko si Lucio at take note, dikit na dikit ako sa kaniya, pakiramdam ko okay na ako dito.
"Tatambay?"
"Yayayain ka mag-bar?"
"Inom?"
Sabay sabay silang sumagot pero iba iba ang sagot nila.
"Let's meet at Hashtag bar tonight. Stop pestering me in the middle of the day. I will f*****g change my passcode."
"Sabi sa inyo huwag natin istorbohin. Pero sa tingin niyo ba, nag-s*x na sila? Ilan kayang position ang nagawa nila?"
Nasapo ko ang noo ko sa sinabing iyon no'ng Aries habang nakatalikod sila paalis.
"Pustahan tayo dalawa pa lang." Sabi no'ng Arion.
"Goodboy si Kuya kaya sigurado mga lima." Sabi naman ni Ludwig.
"f**k that shit." Mura ni Aries saka sila nagtawanan hanggang nakalabas na sila ng pinto.
Naiwan kami ni Lucio. Hindi ako makapagsalita.
Mabilis akong kumilos para lumipat sa sofa pero inigilan niya ako. Humigpit ang hawak niya sa bewang ko.
"I'm having a boner."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kumalong lang ako, boner agad? May problema ba talaga siya sword niya?!
"But for today... no sex." Aniya saka ako mas hinapit at hinalikan ang labi ko.
Napakarupok ko. Tanggap ko na iyon.
Ayaw ng isip ko sa idea na magiging s*x buddies kami pero eto ako, tumutugon sa halik niya. Ang lambot ng labi niya. He's a great kisser. Sino bang mapapaayaw? E masarap nga.
Nang matapos ang halik niya ay tiningnan niya ako sa mga mata ko.
"Next time, do not wear skirt." Aniya.
Kumunot ang noo ko.
"It's just that... never mind. Should I send you home?"
Tumayo na ako. Nakakahiya jusko! Alam kong sobrang pula na ng mukha ko.
"Ah, huwag na. Okay na ako. Kaya ko nang umuwi mag-isa saka kailangan ko rin namang iuwi ang kotse ko. Isa pa, ano, itong contract, pipirmahan ko na." Sabi ko.
Umupo ako sa couch. Dalawang copy iyong contract. Pinirmahan ko iyon pareho.
"I'll keep this. Saka ko na susulatan ng amount." Sabi ko. "I have to go."
"Wait."
Hinila niya ang braso ko.
"Let's formally introduce ourselves."
Siya lang naman amg hindi nakakakilala sa akin. He never knew that we were classmates. Hindi niya rin alam na ako ang kalaban niya sa honor roll. Hindi niya alam na minsan napahiram niya ako ng ballpen. Hindi niya alam dahil hindi siya interesado sa akin.
"Catherine Reyes. I'm working in my uncle's company. Not really a big company. I am working in the finance and audit department. I am working from monday to friday. From eight in the morning until six in the afternoon. Mas maigi nang alam mo iyon para alam mo kung kelan ako hindi pwede. Sometimes, nag-oovertime ako at minsan pumapasok ako kapag saturday lalo na kung maraming dapat tapusin. I'm kinda workaholic."
"Noted with that. I am always available since I am the boss to my company. Here's my calling card. My mobilr number and ny telephone number in the office. You can call me anytime. You can tell me if you need anything."
Tinanggap ko iyong calling card. Wala naman akong balak tawagan siya. s*x buddies lang kami at hindi magjowa.
"So... aalis na ako."
"Catherine."
Bakit pakiramdam ko nanghihina ako sa tuwing sasambitin niya ang pangalan ko?
"Let's meet tonight. At hashtag bar. You can come anytime or I can fetch you. Just... just wear pants."
Tumango nalang ako. Bahala na mamaya. Ida-digest ko pa lahat ng napag-usapan namin ngayong araw.
"Aalis na ako."
Nang tumango siya ay umalis na ako. Nang makalabas ako ng unit niya ay parang doon lang ako nakahinga ng maayos.
Napahawak ako sa bandang dibdib ko. Ang lakas lakas ng kabog ng puso ko. Eto na talaga. Tinanggap ko iyong gusto niya. Eto na talaga. Simula na ng pantataksil ko sa bestfriend ko.