bc

A PROMISE TO FOREVER—SPG

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
BE
HE
heir/heiress
drama
sweet
serious
bold
addiction
like
intro-logo
Blurb

Si Cassandra Smith ay lihim na minamahal si George De Leon. Hanggang tingin lamang siya dito dahil kahit kailan ay hindi mababaling ang atensiyon nito sa kanya. Bukod kasi sa napakabata pa nito ay matalik ding magkaibigan ang kanilang pamilya. Si Cassandra ay labing walong taon lamang habang si George ay nasa 28 na.

Ngunit nangyari ang hindi inaasahan, isang gabing pagnanasa, isang gabing babago sa lahat. Uusbong ang pag-ibig na matagal nang ikinukubli sa likod ng seryosong mukha.

Maaatim kayang panatilihin ang pagmamahalan ng dalawa kung marami ang humahadlang? Magagawa kaya nilang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan?

Tunghayan sa kwentong pag-ibig nina Cassandra at George sa A Promise To Forever.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"He loves me, he loves me not, he loves me he loves me not..." kasalukuyan akong nandito sa aming hardin habang pinuputol ang mga petals ng bulaklak. Marami kasing mga bisita ngayon sa loob ng bahay dahil ngayon ang kaarawan ng aking lolo Alfred. Kaya heto nandito ako ngayon sa hardin bored na bored at walang magawa sa buhay. Hindi ko pa kasi nasisilayan yung source of happiness ko. May mga bisita rin na ka age ko ang kaso hindi ko sila trip dahil mas gugustuhin ko na lamang na mapag-isa kaysa makihalubilo sa ibang mga tao. May kaibigan naman ako kaso hindi pa siya dumarating. Siya ang bunsong kapatid ni George. Mukhang malelate sila ng dating dahil kanina pa nag umpisa ang party at wala pa sila. "Cassy!" pukaw sa akin ng taong tumawag sa aking pangalan. Pag-angat ko ng tingin ay ang mukha ng kaibigan ko ang nakita ko. Masayang lumapit ako dito at nagyakapan. "You're late!" anas ko dito. Para nga kami ang tunay na magkapatid eh. Dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. "eh kasi, sinundo pa ni kuya yung gf niya eh. Sorry friend, bawi ka na lang next life!" malungkot at natatawang anas nito. Hinampas ko na lamang ang balikat nito. Hindi ko naman maiwasang malungkot. Dahil matagal ko ng crush na crush ang kuya niya. Ito nga nagsuot pa ako ng magandang damit. Akala ko tuluyan ko na itong maaakit, naakit na pala ng iba. "Huwag kang mag-alala friend. Mas maganda ka doon. Speaking of the devil" anas nito na siyang nagpabaling ng aming atensiyon sa direksyon ng mga taong pumapasok sa aming gate. Bigla akong kinabahan at para akong natuod sa aking kinatatayuan nang magtama ang aming paningin. Hindi ako makapag react ng maayos. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako or babatiin siya. Hindi ko rin mabasa ang nilalaman ng isip niya dahil sa mga titig niyang malalim. Doon lamang ako natauhan nang sikuhin ni Gina ang tagiliran ko at masayang binati sina Don Emilio at Donya Margareth ang mga magulang nila George at Gina. Masayang nagbeso beso kami. "You look beautiful, iha. Your dress suits you well. Dalagang dalaga kana nga" namamanghang anas ng ginang sa akin. Nahihiyang napangiti ako sa mga tinuran nito. "Thank you, tita" nahihiyang anas ko. Hindi ko naman alam kung makikipagbeso din ba ako kay George or hindi na. Hindi na siguro dahil masama na ang tingin sa akin ng girlfriend niya. Ewan ko ba hindi naman talaga maganda. Mas maganda pa ako dito. Mas matangkad. Mas may kurba din ang aking katawan kaysa dito. Dahil likas na may pagkapilya ako ay isinantabi ko na lamang ang hiya ko at nakipagbeso kay George. Nagulat pa nga ako ng hawakan nito ang aking bewang. Mabilis naman akong lumayo dito at napansin kong hinabol pa ako nito ng tingin. Kung nakamamatay lamang ang mga tingin ay kanina pa siguro ako naibaon sa lupa sa sama ng tingin sa akin ng gf niya. "L-lets go inside na po. My grandfather is waiting for you" anyaya ko sa mga ito. Hinila ko si Gina na ngayon ay nagdudotdot sa cellphone nito at nagpatiuna na kaming naglakad papasok sa aming mansiyon. Nadatnan namin ang aking mga magulang na nakikipag usap sa mga business partners nila at ang lolo ko naman mabilis na nakita ang mga De Leon. Mabilis kong nilapitan ang aking mga magulang at pasimpleng binulungan na andito na ang mga De Leon. Mabbilis naman silang humingi ng paumanhin sa kanilang mga panauhin at tinungo ang pwesto ng mga De Leon. "Mabuti at nakarating kayo. Akala ko ay hindi na kayo dadalo" anas ng aking lolo. "pwede ba yun? heto kasing si George napakatagal. Sinundo pa itong girlfriend niya sa airport kaya kami natagalan Don Facundo" anas ni Donya Margareth at masamang tingin ang ipinukol niya sa gf nito. Parang nahihinuha kong hindi tanggap ng ginang ang gf ni George. Bakit kaya? Pasimple ko naman itong tinignan dahil hindi ko masiyadong naimbestigahan ang ayos nito. Nakasuot ito ng backless dress with deep cut sa chest area kaya litaw na litaw ang dalawang pisngi ng maliit nitong boobs. Super revealing kung manamit. Parang babaeng nagbebenta ng aliw. "Ikaw iho, hindi mo ba ipapakilala sa amin ang gf mo?" tanong ng aking ina na siyang ikinairap ni tita Margareth. Bahagya akong napatawa at kalaunan ay tumahimik din nang kurutin ako sa siko ni Gina. Masamng tingin tuloy ang ipinukol ko dito. "Oh, sorry. Everyone, this is Marjorie." pakilala nito sa aming lahat. Todo ngiti naman ang babae. Mas lalo pa akong naasiwa ng pagsalikupin nito ang mga kamay nila. Nakakatawa lang dahil mas ito pa ang nag iinitiate na hawakan ang kamay ni George. Ah, I can't stand the view. Kaya naman inaya ko na si Gina na kumain dahil kanina pa akong nagugutom. "Akala mo hindi ko napapansin yung mga masasamang irap mo sa girlfriend ni kuya ha" kastigo nito. "duh. Sino ba naman kasi ang hindi maaasiwa no. Nagholding hands pa sa harap ko. Tapos ipinakilala pang girlfriend sa ating lahat. Ang nakakainis pa ang revealing ng suot niya. Tignan mo naman ako di hamak na mas disente pang manamit kaysa kanya noh" naiinis na turan ko dito habang kumukuha ng pagkain. "at bakit ganyan makareact ang aking friend?" tanong nito na bahagya pa akong itinulak gamit ang braso nito. Hindi naman ako natumba. Pinamulahan ako sa tanong nito at hindi na lamang ako nagsalita pa. Ano naman ngayon kung ganun ang suot niya at pinakilalang gf eh totoo namang gf siya. Hays. Saan ba ako lulugar? "nagseselos ka no?" Nahinto naman ako sa pagsandok ng kanin at tinignan ito ng mata sa mata "HINDI" anas ko at dali daling pumunta sa bakanteng silya. "ito naman hindi na mabiro. Alam ko namang crush na crush mo si kuya ever since. Kailan ba yun? nung highschool tayo. 15 pa lang tayo nun. crush ml na siya. chusera ka. Okay lang ideny!" anas nito. I just rolled my eyes and started eating.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.8K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.9K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook