CHAPTER 5

1006 Words
Lulan kami ngayon ng aking sasakyan patungo sa aming school. Hindi ko naman maiwasang isipin ang mga kaganapan kagabi. In an instant naibigay ko ang bagay na pinakaiingatan ko. But it was good. I'm okay with it. Maybe one day he'll confess that he likes me too. Or nahihibang lamang ako. I could still feel his lips on my skin. His soft moans that makes me shiver and makes me want more of him. How he caressed me and took care of me while we were making love. I wonder what he's doing right now. Iniisip din kaya niya ako? Oh ako lamang itong nag-iisip na baka, he'll reciprocate my love for him. Alam ko ramdam niya kung gaano ko siya kamahal. I made him feel that last night. "hoy! natulala ka na diyan. Kanina pa tayo binubusinahan" anas ni Gina na siyang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Mabilis ko namang pinaandar ang sasakyan dahil marami nang bumubusinang sasakyan sa likuran namin. Oh god! What was I thinking! "tsaka, bakit ka nakaturtle neck?" kastigo nito habang nagdudotdot sa cellphone nito. "wala feel ko lang noh!'' kaila ko dito at hindi ito tinapunan ng tingin. Wala akong ikukwento sa kanya. "alam mo ba. Si kuya umuwi madaling araw na. Tapos parang pagod na pagod ang katawan" anas nito na siyang dahilan kaya ako napabaling sa kanya. Mabilis ko namang ibinalik ang mga mata ko sa daan. Mahirap na baka mabangga kami. "b-baka naman nag-gym lang?" tanong ko dito. May mumunting pawis na ang namuo sa aking noo. Dahil sigurado akong galing siya sa bahay. Kaya pala pag gising ko wala na siya sa aking tabi. "ay oo nga noh. Pero alam mo may sarili naman siyang gym sa bahay eh." anas nitong hindi naniniwala sa mga tinuran ko. "tapos, naiwan siya sa bahay ninyo kagabi. at hindi ka sumasagot sa mga tawag ko sayo kagabi. hmmm mukhang may—" anas nito. Tinapunan ko naman ito ng tingin at napansin kong nakangisi ang loko. "may ano? malay ko ba kung ano pang ginawa niya sa bahay. Basta tulog na ako non" pagkakaila ko dito. "ah basta! may nararamdaman akong kakaiba" anas nito at may pasipol sipol pa. "tumigil ka nga!" asar na wika ko. Hindi na lamang ito nagsalita pa bagkus nagplay pa ng nakakalokong music. Hindi ko na lamang ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagdadrive. GEORGE's POV "Bro, what should I do?" anas ko sa aking kaibigan. Nandito kami ngayon sa bar na pagmamay-ari niya. Kailangan ko ng advice mula rito dahil expert ito pagdating sa pag-ibig. "mukhang mabigat iyan ah, ke aga aga nandito ka nakikipag inuman." anas ito habang nagsasalin ng alak sa baso nito. Nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga. "malalim nga" anas nito. "May nangyari sa amin si Cassandra kagabi. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. May parte sa akin na gusto ko ang nangyari ngunit nagsisisi ako dahil napakabata pa niya" anas ko dito habang sinisimsim ang aking alak. Mataman naman akong tinitigan na parang sinusuri kung may katotohanan ba ang aking sinabi. "iyong anak nina Mr Alejandro and Carah Smith?" hindi makapaniwalang tanong nito. "y-yeah" "ilang taon na ba siya?" "she's 18 and too young for me" anas ko dito at inisang lagok ang isang baso ng beer. "too young for you pero nagawa mong kantutin?" natatawang anas nito. Sinamaan ko naman ito ng tingin at nagpatuloy sa pag inom ng alak. Ayaw kong ako ang maging dahilan ng hindi nito pag-abot sa mga pangarap niya. Hindi ko naman itatangging maganda siyang talaga. Maganda rin ang pangangatawan. Aakalain mong nasa 20's na siya. "pwede ba. Naparito ako upang humingi ng payo." "okay. Okay. The question is. Do you like her?" seryosong tanong nito. Seryoso akong napatingin dito at hindi umimik. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Do I really like her? Samantala kakaiba naman ang t***k ng puso ko ngayon. Para akong kinakabahan na ewan. Hindi ako makakuha ng sagot sa tanong niya. "problema nga iyan bro. Sa nakikita ko mukhang tinamaan ka sa batang iyon. Ngunit paano si Marjorie? Hindi ba't kababalik niya lamang from states? Anong plano mo sa kanya?" "I've broken up with her. Just last night." anas ko dito at nagsalin pa ng alak sa aking baso. "woahh. You're the man!" anas nito at nagawa pang makipagcheers sa akin. Nagpatuloy na lamang kami sa aming inuman. Hanggang sa sumapit ang alas dose ng tanghali. Mukhang tinamaan na ako. I need to call my driver. Hindi ko na kaya pang magmaneho ng sasakyan. CASSANDRA's POV Nandito kami ngayon ni Gina sa isang restaurant. Napagdesisyunan kasi naming kumain dito dahil katatapos naman na ng aming pictorial for the graduation. Habang kumakain kami ay biglang tumunog ang aking cellphone. Unknown number ito. Nakapagtataka man ay sinagot ko na ang tawag. "H-hello." anas ko sa kabilang linya. Sinenyasan ko naman su Gina na tumahimik dahil kanina pa nagdadadaldal. "Hi, ma'am. Sorry to bother niyo po pero pinasasabi po ng asawa ninyo na sunduin daw po ninyo siya dito sa T. BAR" kunot noong binalingan ko si Gina na ngayon ay natatawa dahil narinig nito ang sinabi ng tao sa kabilang linya na asawa ko raw. Nawala lang ang virginity ko at hindi pa ako kasal. Kailan pa ako nagkaasawa. "asawa? kuya, mukhang wrong number ka" anas ko dito. Mahahalata sa boses ko ang inis. Habang ang taong nasa harap ko naman ay hindi matigil sa kakatawa. "pero ma'am nakalagay po kasi dito sa number niyo ay asa—" hindi nito natapos ang sasabihin sana niya nang biglang may umagaw sa cellphone nito at pinatay ang tawag. Naiiling na itinago ko na lamang ang aking cellphone sa loob ng bag ko. "may asawa kana pala. Eh di hindi na kita magiging hipag?" natatawang anas ni Gina. Ito talagang babang ito kanina pa nangaasar. "oo may asawa na talaga ako. Si George ang asawa ko" at sabay kaming tumawa ng malakas. Halos pagtinginan na kami ng mga tao dito sa loob ng restaurant. Dahil sa ingay naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD